CHAPTER 28: ( When he's jealous )

669 42 0
                                    

CHAPTER 28: ( When he's jealous )

Ashlen POV.

PARANG timang na yata ako. Walang tigil ang pagngiti ko dahil sa sinabi niya. He missed me very much? Really, huh?

Ramdam ko naman ang tuluyan na niyang pagtigil pero hindi pa siya kumakalas sa pagkakayakap.

"Ahm, Drake. Puwedeng kumalas ka muna?"

Natigilan siya saglit na tumingin sakin. Biglang nalungkot ang mukha niya na parang maiiyak. Mabilis din siyang umiling-iling. "I won't, wifey... D-don't you want me to hug you?" nagsimulang magtipon ang luha niya na ikinaawang ng labi ko.

"Hindi. Ahm, aalis lang ako. May gagawin lang," natatawa kong sabi. Akmang baba ako sa kama ng nabigla ako sa pagyakap niya sakin ng mahigpit at muling paghagulhol nito ng iyak.

Tiningnan ko siya ng nagtataka sa inasal niya. "Y-you're leaving me?" Napabuga ako ng hangin sa sinabi niya. Hinarap ko siya, I wipe his tears flowing down on his cheek.

Tiningnan naman ako nito ng nagmamakaawa. "Wifey..."

"Bababa lang para kumain. Hindi kita iiwan, okay? Hindi na ako tatakas."

Naliwanagan naman ito at ngumuso. Napangiti ako sa ginawa niya "Promise? You won't leave me?" Tumango-tango ako. Bigla namang napalitan ang mukha niya ng kakaibang saya.

He hold my hand while we're going down from his bed. Kahit tutol sa ginagawa niya ay sinabayan ko na lamang siya. Hawak kamay kaming lumabas pareho sa pinto. Bigla na lamang itong tumigil kaya napatigil din ako.

Nabigla ako ng humarap ito sa akin at mabilis na halikan ako nito sa pisngi bago sa ilong. Bigla akong namula dahil don. "I love you, wife." Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa sinambit niya.

Dahil sa pagkakatulala ay hindi ko na namalayan na nasa hapag kainan na pala kami habang walang sawa niya akong yakap-yakap patalikod.

Nakita ko si Manang at Lara na nakangiti sakin. Kaya ningitian ko rin sila pabalik kahit naiilang.

Naramdaman ko ang pagkalas ni Drake sa pagkakayakap kaya napanatag ako don. Akmang uupo ako sa katabi niyang upuan ng higitin ako nito at mabilis na niyakap ang aking beywang bago ipatong ang baba niya sa balikat ko. Natulala rin ako ng ilang segundo sa ginawa niya.

"You smell so good, wife."

Napabalik ako sa ulira't sa sinabi niya. Hindi ko siya inimik dahil nakakahiya ang posisyon namin. Tumingin ako sa mga nakahain. May masasarap na cakes, deserts at ano-ano pa. Parang pinaghandaan talaga para sa akin.

Kanina nong tinanong nila ako kung gutom ba ako, ang totoo'y oo. Sinabi ko lang kanina na okay lang kasi para naman gusto ko paggising ni Drake, ako agad ang bumungad sa kaniya tulad ng paggising ko.

Ngumunguya ako habang kumakain ng bigla na lamang may pumasok. Kaya mabilis akong hindi mapakali sa posisyon namin ni Drake. Naku! Baka kung ano pang sabihin at isipin niya.

"Oh, the couples are here—with that position?" nakangising sambit ni Zeke sakin.

Bigla tuloy akong nahiya at namula. Pilit ko naman inaalis ang kamay ni Drake pero hinuhuli niya lamang ito at hindi pinansin ang paggalaw ko.

"Ahm, kumain ka na?" pag-iiba ko sa usapan.

He chuckled and look at me with tease. "You're concerned at me?" nang-aasar pa na tanong niya.

Mabilis na nanlaki ang mata ko at umiling-iling. Binibigyan niya ng kahulugan ang sinasabi ko!

"Zeke, get out now! D*mn you!"

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant