CHAPTER 41: ( Surprises )

579 29 0
                                    

CHAPTER 41: ( Surprises )

Ashlen POV.

TATLONG araw na ang nagdaan simula nang nagpunta kami ni Drake dito sa condo niya. At wala sa araw na 'yun ang hindi niya ako magawang inisin. Ayaw kasing umalis sa tabi ko. Parang tarsier lang na nakakapit sa kawayan.

Panay kung ano-ano din ang mga sinasabi, kaya minsan ay nakakailang. All I can say, ang kulit niya!

Napangiwi ako ng nilingon ko si Drake na nasa tabi ko. Nakangiti kasi ito sa'kin na parang aso.

"Anong ngiti-ngiti mo?"

Umiling siya. "Nothing, wife. Naalala ko lang 'yung nangyari sa'tin sa banyo."

Nagulat at namula ako sa sinabi niya. Lalo na din ng bumaba ang tingin niya sa bandang dibdib ko. Mabilis akong napatakip doon. "Bastos!"

"Nagustuhan mo nga e," nakanguso niyang sabi sa'kin. Napairap ako ng wala sa oras pero ang totoo sa kaloob-looban ko ay naiilang ako.

I didn't get it that time. Para kasing sa mga oras na 'yon na sinabi ko sa kaniya na ako pa mismo ang nag-request na halikan niya ako. Mabuti na lang talaga at dumating si Lara, baka tuloy kung ano pa ang mangyari.

"Kumain ka na nga lang," segunda ko pang sabi sa kaniya.

"Wifey, feed me pls..."

Muli akong tumingin sa kaniya. Nakanguso pa ito bago ay tinuro ang turtang talong na niluto ko sa kaniya.

"May kamay ka, Drake," mahinahon kung sabi pero umiling lang siya sa'kin.

"Pls, wife."

Napatitig ako sa kaniya. Naka-puppy eyes na siya. Bigla akong nanlamlam. Hindi ko talaga siya matiis. Napabuntong hininga na lamang ako na ikinangiti niya.

Kinuha ko ang gulay na gusto niya at pinagsilbihan siya. Kung ano ang gusto niya ay sinusunod ko. Total, asawa naman talaga niya ako.

"Kain ka na."

"Feed me, wifey."

Napamaang ako. Nakanganga na siya ngayon habang ang mga mata niya ay nakangiting nakatingin sa'kin.

"Seryuso ka?" Oo, isip bata siya, pero parang naging sobra na siya don. Pati kasi sa simpleng gagawin niya ay ako ang pinapagawa niya para sa kaniya.

"Ayaw mo ba?" biglang naging malungkot ang boses niya pati na din ang ekspresyon ng mukha niya. Bigla tuloy akong napangiwi.

Baka gusto lang nito ng nilalambing. Nasabi kasi niya sa'kin na ang paglalambing ko sa kaniya ay 'yun ang pinaka gusto niya.

Kinuha ko na lang ang kutsara ko na gamit ko sa pagkain bago ay tumayo mula sa pagkakaupo. Kita ko pa ang tingin niya na nakasunod lang sa'kin na parang nag-oobserba.

"Umayos ka ng upo, Drake," mahinahon kong sabi sa kaniya na ikinasunod naman niya.

Nakakunot noo pa siya na parang nagtataka sa kinikilos ko. Kumandong ako sa kaniya ng patagilid bago ay ngitian siya na ngayo'y natigilan sa ginawa ko. Natawa na lang ako sa isipan ko. Ito kasi ang gusto niyang posisyon sa tuwing kakandong ako sa kaniya.

Sumandok ako ng pagkain bago ay itinapat iyon sa bunganga niya.

"Kainan mo na, isip bata. Huwag ka ng mahiya," natatawa kong sabi.

Napabalik siya sa ulirat dahil sa sinabi ko. Para kasing wala siya sa huwisyo. Isinubo ko kaagad sa kaniya ang pagkain ng ngumanga siya na parang bata.

Napapatitig ako sa kaniya sa tuwing susubuan ko siya. Ang cute niya lang kasi kumain kahit pa nakamaskara siya.

Sa likod ng maskarang yan... hindi ko alam kung may sekreto bang nakatago. Ayaw niya kasing ipakita ang mukha niya sa'kin. Wala din naman akong maisip na rason.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now