CHAPTER 50: ( D*mons mercy )

434 25 0
                                    

CHAPTER 50: ( D*mons mercy )

Ashlen POV.

NAPABANGON ako mula sa pagkakahiga sa isang malambot na kama. Una ay napakunot noo ako at nagtaka dahil sa pagkakaalam ko ay na sa bodega ang kuwarto ko.

Biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari kagabi. Ang pagtulong at paggamot ko sa Supremo, kung paano ko siya binantayan magdamag. Nagpuyat pa ako at doon din ako nakatulog.

At dahil nga din don ay hindi ko nagawang tumakas dahil sa umiiral kong awa. Wala akong nagawa, iyon na yata ang kahinaan ko. Tao lang ako, hindi ako tulad ng Supremo na kayang magalit habang buhay, na kayang madamay ako at makitang nagluluksa sa paghihiganti niya.

Pero nakakapagtaka lang, sino ang nagdala sa'kin dito? Nilibot ko ang paningin sa kuwarto na ito. Purong puti lang at maliwanag din. Kanino ba ang kuwartong ito? Hindi din naman ito kay Evrin dahil itim ang kuwarto niya. Isa pa, wala siya dito.

"How's your sleep?"

Napatigil ako at mabilis na napalingon sa taong iyon. Biglang kumabog ng sobrang bilis ang puso ko dahil nakikita ko sa kaliwang kuwartong ito ang balcony kung san naroon siya na nakatanaw sa labas at nakatalikod sa'kin. Mukhang umaga na din dahil bahagyang nasilaw ako sa araw sa labas.

Alam niya na gising ako? Tsaka, may balcony pala dito sa kuwarto niya? Pero... Teka? Kuwarto niya 'to? Bakit ako nandito? Siya ba ang nagdala sa'kin dito? Pero bakit?

Napatingin ako sa buong katawan ko. Ganon na lamang ako napahinga ng maluwang na ganon pa din ang ayos ko.

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya at pinakiramdaman ang sarili. Ewan lang, pero wala akong nararamdaman ngayong takot sa kaniya. Parang komportable lang ako. Anong nangyayari sa'kin? Dati naman makaharap ko lang siya tatakbo na agad ako sa takot.

"Aalis na ako," wala sa sariling nasabi ko.

"Stay."

Napatigil ako sa sinabi niya. Natigil din ako sa akmang pagbaba ko pa sana sa puti niyang kama.

"Ha? May kailangan ka ba sa'kin?" Out of nowhere I asked him.

Humarap ito sa'kin. Bahagya pang kumunot ang leegan ko dahil naninigarilyo siya. Nakasuot din siya ng simpleng shirt na white na mas lalong nagpapaguwapo sa kaniya. Nakasuot din siya ng rugged jeans na kulay pula.

Pinatay niya muna ang sigarilyo at inapakan iyon bago ay lumingon siya sa'kin na mabilis na ikinaiwas ko.

Ramdam ko ang pagpasok niya ng tuluyan dito at naglakad papalapit sa'kin. Kita kong sumandal siya sa pader na hindi kalayuan sa'kin at titig na titig sa'kin.

"You afraid?"

Bahagya akong umiling sa sinabi niya. Nakakapagtaka lang dahil tulad ng sabi ko kanina, wala akong nararamdamang takot sa kaniya ngayon.

"I know. I controlled your emotion so you won't scared at me right now."

Mabilis na sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. Kaya pala? Ano na naman ba 'to? Bakit niya kinokontrol ang nararamdaman ko? Is this his new tricks?!

"Huwag mong kontrolin ang—"

"You might be run and afraid while talking to me," he casually  said.

Kay dati lang ay hindi niya ako matignan o kausapin dahil sa galit niya kay Drake na binubuntong sakin. But now he talks lots of words.

"Kahit na! Mas mabuti pang natatakot ako sa'yo kaysa sa maging panatag sa'yo! Don't you dare to play my feelings, Supremo!"

Wala siyang naging sagot. Titig na titig lamang siya sa'kin. "Why you didn't escape last night?"

Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Napaiwas din ako ng tingin, pero bumuntong hininga muna ako bago ko siya sinagot. "D-dahil... nakakaawa ka..." tanging bulalas ko.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now