CHAPTER 25: ( Change situation )

596 43 1
                                    

CHAPTER 25: ( Change situation )

Lara POV.

"WIFE, wife, I'm sorry," umiiyak na aniya ni Drake habang hawak-hawak ang kanang kamay ni Ashlen.

Napahingos ako. Hindi ko aakalain na ang prinsipeng ito ay iiyak. Sa iilang buwan akong nagsilbi sa palasyong ito ay kahit kailan hindi ko nakitang ganito siya katudo umiyak.

Nakakaawa din si Ashlen. She lost her consciousness.

"Wala kayong kasalanan mahal na prinsipe. Kagustuhan yan ng mahal na prinsesa at wala ka ng magagawa don," hingos-hingos ko muli. Hindi naman nito pinansinan ang sinabi ko.

"She's right. Isa pa Drake, hindi pa naman siya mamamatay no."  Napalingon kaming lahat sa aniya ng katabi ko.

"Shut up!" rinig kong sigaw ni Drake kaya kita ko ang pag peace sign ng katabi ko.

"Hi?"

Napakurap-kurap ako dahil sa pagbati nito sa akin. Nabigla na naman ako ng pinisil nito ang pisngi kong namumula na dahil sa sobrang kilig. 'Di ko akalain na papansinin ako ng isa pang childish na bampirang 'to.

"You're cute," sabi pa nito na ikinangiti ko. Binaba nito ang kamay na nasa pisngi ko at nginitian ako na mas lalong nagpakilig sa akin.

"T-thank you, prince Jayrus." Nahihiya kong ani dito. Sh*t! Sa wakas pinansin din ako ni crush!

"Your welcome, Lara."

Nanlaki ang mata ko sa hindi inaasahang narinig. Lara? Kilala niya ako?

"Hmm..." ngiti ko dito. Mas lalo pa itong ngumiti na parang bata. Ang cute niya!

"Hey! Kayong dalawa diyan! Maya na yang landian niyo!" Napatigil kaming dalawa sa sita ni Syl at napatayo ng maaayos.

Nakalimutan ko pala na nandito ang lahat. Nakalimutan ko din na walang malay pala ang prinsesa at sana man lang ay nerespeto ko. Hayst, bad timing!

"All of you get out!"

Napatalon kaming lahat sa sigaw ni Drake. Kaya lahat kami pati ang reyna at hari ay hindi nagdadalawang isip na lumabas. Naku! I know how Prince Drake will be mad.

-

Third person POV.

PAGKALABAS ng lahat ay tiningnan ni Drake ang asawa niyang nakahiga sa malambot niyang kama.

Sisingsisi siya sa ginawa niya. Pagdating kasi sa kanilang mga bampira, kakaiba ang pang-amoy nila sa mga dugo ng kanilang mate lalo na kapag tao ito.

Para itong alak na sobrang lakas ng tama sa kanila na nagpapagising ng kanilang karimlan. It's a great temptation for them. Mawawala sila sa kanilang sariling isipan at mawawalan ng kontrol.

Hanggang sa hindi sila titigil hanggat hindi matustusan ang pangangailangan nila ng dugo. Nalulunod sila sa makamandag na dugong ito at hindi na maiisip ang taong masaktan at hindi imposibleng mamamatay ito dahil sa pagkaubos ng dugo.

"Makinig ka, isipin mo na lang na para 'to sa kabutihan mo. Promise, hindi ako magagalit okay? Binibigay ko ang pagkakataong ito na pinapahintulutan ka. Just do this for me, for you, gagaling ka."

"Hindi ko gustong makita kang nagkakaganito. I can handle myself. Babawi agad ako ng lakas."

"Hindi! Hindi ka ayos! Hindi ka okay! Sa tingin mo ba hindi ako nahihirapan? No, Drake! Hirap na akong makitang nagkakaganyan ka! Kaya sa ayaw at sa gusto mo, gagawin mo!"

Napangiti siya sa mga naalala. Hinawakan nito ang kamay ng kanyang asawa at hinalikan ito bago inilagay sa pisngi niya. He smile with full of sadness.

"You always care at me. You always prioritize me first before yourself. How am I lucky cause I have you, wife," kasabay ng sabi niya ay inalis nito ang iilang hibla ng buhok sa mukha nito at pinakatitigan si Ashlen.

Nang magsawa siya ay nilingon niya ang mesa na nasa gilid. Nandoon ang lugaw na kakahain lang at mga prutas pati na rin ang gulay.

Kinuha niya ang lugaw na nasa gilid, saka iyon hinalo ng maagi. Hinihipan niya ito at palapit-lapit ang tingin niya kay Ashlen.

Bigla siyang napatigil ng mapagtantong hindi pala makakain ito dahil walang malay. Siguradong nawalan ito ng lakas dahil sa ginawa niya dito kanina lang.

Tiningnan niya muli ito ng maagi at napalunok siya ng huminto ang titig niya sa labi nito. "D*mn!" mahinang bulong niya. Agad siya nag-iwas ng tingin at itinuon na lamang sa lugaw.

Hinihipan niya iyon ng ilang minuto at nang mapagtanto niyang hindi na ito mainit ay hindi siya nagdadalawang isip na inumin ang lahat ng lugaw na nasa bowl, ngunit hindi niya iyon nilunok.

Mabilis niyang nilapitan si Ashlen na walang malay at agad hinalikan ng madiin. Lahat ng lugaw na nasa bibig niya ay ipinasa niya dito. At kinagat ng bahagya ang labi nito kaya napaawang ang labi nito kaya lahat ay nalunok nito.

Kahit lahat ng lugaw ay naipasa na niya ay wala pa ring tigil na hinalikan niya ito ng mapusok. Nang naramdaman niyang hindi makahinga si Ashlen ay doon pa lamang siya tumigil.

Ngumiti siya ng malamlam at hinalik-halikan ang buong mukha ni Ashlen at nahiga sa tabi nito.

Isiniksik niya ang sarili niyang mukha sa leegan nito. Kita pa ni Drake ang pagliwanag ng nasa bandang leeg ni Ashlen na naging parang buwan dahil sa marka nito na pagmamay-ari na niya ito.

"I love you, wifey. Even the time when I first saw and annoyed you."

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now