CHAPTER 19: ( Supremo Surprise )

582 32 0
                                    

CHAPTER 19: ( Supremo Surprise )

Ashlen POV.

DALI-DALI akong lumabas sa mall na iyon ng matapos kong sampalin ang pagmumukha ng palakang babaeng 'yun.

Naiinis ako! Lalong-lalo na kay Drake! Kung hindi pa sana ako sumabat sa sinabi ng babae sa kaniya ay baka sumagot na siya ng oo. So talaga bang gusto niya ang babaeng 'yon?! Sana man lang ay nagawa niyang ialis ang mga braso ng babae na nakalingkiwis sa kaniya!

Pero hindi! Wala man lang siyang ginawa! Dahil ba nasa public kami? Isa na rin ako! Naiinis din ako sa sarili ko. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito dahil plain marriage lang naman kami.

Pero diba sabi niya kanina mahal niya ako? Sana man lang kanina umiwas siya sa bagyo ng tentasyon!

Kapag ganon siya... Hindi niya alam na palihim akong nasasaktan, palihim akong nagseselos! Kasalanan niya din kung ba't ako nagkakaganito. Kasalanan niya kung patuloy nang nagiging marupok ang dating bitter na puso ko.

'Yung Ashlen na pagkakakilala ko sa sarili noon na hindi madaling bumigay sa mga lalaki ay naging kabaliktaran na pagdating sa kaniya ngayon.

"Wife!"

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad dahil ramdam kong nakasunod na pala ito sa'kin.

Ano ba Ashlen? Ba't ka ba naaapektuhan? Hindi ikaw 'to!

Naalala ko na naman ang ginawa ni Drake sa'kin kanina sa bahay. Pinaiyak at sinaktan niya ako dahil iiwan niya ako, ngayon naman ito!

"Wife! Hey, sor—"

Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng malakas na tunog kaya'y hindi na natuloy ang sasabihin nito.

Kinakabahang nilingon ko si Drake. Ganon na lamang akong natuod sa kinauupuan ng makita ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakangisi ngayong nakatingin sa kung saan.

Bigla akong natakot dahil nakikita ko ang mapupula nilang mata at pangil na lumalabas sa kanilang bibig. Higit sa lahat ay sobrang talas non.

Tinitigan ko ang isang lalaki na may mga matang walang emosyon na napalingon sa'kin. Bigla akong napalunok dahil sa l
kakaibang awra niya. Sobrang lamig. Nakikita ko ang naglalagang galit sa mga mata niya.

Aninag na aninag ko ang mukha nito dahil maaraw ngayon. Saglit lamang akong napatulala dahil sa angking kaguwapuhang taglay nito, pero kasalungat iyon sa nakikita kong mga emosyon niya.

I heard someone coughing, doon ay mabilis akong napaiwas tingin at nilingon kung sino iyon.

I was livid and shocked looking at Drake. Wala sa oras na tinakbo ko siya kahit nangi-nginig ang tuhod ko. Nagsimula na ding mamundok ang luha sa mga mata ko.

Hawak-hawak kasi nito ang tiyan na puno ng dugo dahil kita ko din kanina sa lalaki na may hawak itong patalim na ngayon ko lang narealize.

Did he just stabbed Drake?! Oh my gosh! Wala sa sariling nangi-nginig akong inalalayan si Drake. Kitang-kita ko kung papaano nagsimula ng mamutla ang mukha niya.

"D-drake..."

He look at me weakly then he mumbled a word 'run' that makes me shrug my head.

"Pls, wife... Run!"

No! Ayoko! Alangan namang iwan ko siya dito!

"You're Drake wife, huh?"

Napalingon ako sa sobrang lamig na boses na iyon. He was looking at me blankly that gives me shiver.

"Sino ka ba, ha?!"

"I'm Supremo, lady. The man destined to kill your husband."

Nanlumo ako sa nalaman. Siya? Siya ang Supremo?! K-kaya pala!

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon