CHAPTER 13: ( The naughty and childish )

715 45 0
                                    

CHAPTER 13: ( The naughty and childish )

Ashlen POV.

"AY TIPAKLONG!" sigaw ni mama sa gulat dahil sa naabutan niyang posisyon namin ni Drake.

Agad kong hiniwalay ang kamay ni Drake sa beywang ko pero hindi man lang siya natinag at parang walang paki sa nangyayari at maaaring mangyari.

Agad akong dahan-dahang tumingin sa gawi ni mama. Nakabihis ito at halatang may lakad. Seryuso itong nakatingin sa'kin at sinisulyapan niya pa ng tingin si Drake na nakayakap pa rin sa'kin na tila wala talagang paki.

Putik! Nakasubsob pa ang mukha niya sa leegan ko! Bigla akong nahiya!

"M-ma," utal ko dito na ikinataas ng kilay niya kaya napalunok ako.

"Hoy babae! Alam kong nanliligaw ang boss mo sa'yo kaya huwag ka nang pasekre-sekreto. Huli na sa dalawang mata ko o, na naglalandian kayo dito sa pinto. Kala mo siguro ha hindi ko malalaman? Buti na lang at sinabi ng boss mo," sermon ni mama sa'kin kaya nagtaka akong napatingin kay Drake at ibinalik ang tingin kay mama.

"Ma, hind-"

"Hindi lahat ng sekreto forever mong matatago. Pero okay lang naman nak, buto naman ako kay Drake e—I mean sa boss mo," sabay ngisi nito kaya nagulat ako sa mga pinagsasabi niya.

Aba! pinag-isahan yata ako ng dalawang to, ha?

"O, sha! Mamaya na yang landi-landi niyong dalawa at aalis pa ako, ha?" sabay lakad ni mama papalabas sa pinto kaya napaawang ang bibig ko.

Napakunot noo naman ako ng bumalik ito, ngunit may kasama itong babae na kaedad lang ni mama at isang lalaking bata na nasa 4 years old na nakabusangot ang mukha.

Pamilyar sa akin ang babae, parang si Aleng Judy. Hindi ko alam na nakabalik na pala si Aleng Judy galing Probinsiya nila, at ngayon, nukhang kasama ang anak niya na doon namamalagi rin. Ito siguro ang sinasabi niyang anak. Ang cute!

"Ay, Ashlen, anak. Nakalimutan ko pala na dalawang araw lang ako mawawala. Kasi si mareng Judy, niyaya nila ako na sumama sa reunion namin noong highschool pa kami kaya ihahabilin muna niya itong makulit niyang anak sa'yo," sabay ngiti ni mama sa'kin na parang sinasabing pumayag ako.

At ano raw? Naghihirap na nga ako makasama itong isip bata na nakakapit sa'kin may dadagdag pang bubwit! Ang sarap sabihin non, kaso baka paulanan ako ng mala-machine mouth ni mama.

"Ahm, ano po Aleng Judy... Bakit hindi niyo na lang po isama, auntie Judy?" tanong ko dito. Akmang magsasalita pa sana siya ng inunahan ako ng lalaking anak niya.

"Kashi poh, ayaw ko sama. Ampangit do'n. Makikita ko lang mga babae doon na tuot panty at bra, peroh taba naman!" inis niyang sagot at saka nag cross arms.

Wahh! Ambad niya!

Nakakatawa 'tong batang 'to. Ang lakas ng trip, pero bulol naman! Puro matataba? Syempre mga lusyang na 'yung sasama e, walang sexy don, haha.

"Ay nakung bata ka! Hindi ka lang makulit, napakatalas pa ng dila mo," sabat ni Aleng Judy saka tumingin sa'kin. "Ashlen, kung puwede sana dito muna siya kahit dalawang araw lang. Pinipilit ko namang sumama e ayaw naman niya. 'Yung papa niya rin sasama, pero siya ayaw niya talaga at gustong magpaiwan," bulalas ng ina niya kaya ngumiti na lamang ako.

Okay na rin 'to dahil may makasama akong bata. Ang cute kaya ng bata.

"Okay lang po sa'kin, auntie. Ikaw bubwit, payag ka bang dito ka muna sa'kin?" tanong ko sa bata na ikinaliwanag ng mukha niya.

"Opo! At ate ganda, gushto ko rin pakarga," sabay pout nito at nilahad ang kamay niya pahiwatig na gustong magpakarga.

Wala sa oras na ginulo ko ang buhok nito at agad ding kinarga kaya ramdam ko ang pagkalas ni Drake sa pagkakayakap niya na nasa likuran ko at nabigla na lamang ako ng sinamaan niya ng tingin ang bata na ikinalabas ng dila ni bubwit.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now