CHAPTER 46: ( Kidnap )

495 30 1
                                    

CHAPTER 46: ( Kidnap )

Ashlen POV.

HINDI ko mapigilang mapatawa ng mahina dahil sa itsura ngayon ni Drake na nakabusangot at nakangusong nakatingin sa'kin habang isinusuot ko sa kaniya ang necktie niya. Mag-iisang linggo na din kaming nandito sa condo niya.

Hindi din naman ako nabored dahil ang tanging nakapagpasaya lang din sakin nitong nakaraang araw ay ang kumain ng kumain. Ewan na lang dito kay Drake.

"Wifey." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at inayos ang kuwelyo ng business attire niya. Humaba ang nguso nito, yet, he's still handsome. "Hindi na lang kayo ako papasok sa trabaho? My secretary can handle it."

Umiling ako sa sinabi niya at kinurot ang pisngi niya. Nakakagigil kasi. "Hindi puwede. Total ilang months ka na din nagleave sa trabaho simula nong ikinasala tayo non sa Isla," pagrarason ko.

Nalaman ko kasi kahapon na may panay tawag sa kaniya, pero hindi naman niya sinasagot.

And when I asked him, even tho he won't tell me what's his problem... Ay napilitan pa din siya dahil sinasamaan ko siya ng tingin. Ayaw ko kasing maglihim siya. Ganon ang mag-asawa.

And I just find out that his business need him. Nagkakomplikado daw kasi. Lalo na't matagal na siyang hindi nagpapakita sa mga kliyente niya.

Kaya ngayon, napagdesisyunan kong pabalikin trabaho siya kahit ayaw ko dahil hindi ko siya makakasama buong araw. Mamaya pa kasi gabi ang balik niya.

Kita mo, ang O.A ko. Masyado na ako nagiging emotional. E isang araw lang naman. Kahit gustuhin niya mang isama ako ay ayaw ko pa rin. Baka kasi wala siyang magawa dahil panay lang nakayakap sa'kin at nanglalambing. Sa madaling salita, magiging sagabal lang ako sa kaniya.

"Hubby, kailangan ka ng trabaho mo. Baka pati ang mga empleyado mo ay mawawalan ng trabaho kung babagsak yang business na yan."

"But..." Tumingin siya sakin. Niyakap ako nito at nanlalambing ulit na tumingin sakin. "May plano kasi ako ngayong araw."

Ngumiwi ako, kapagkuwan ay nacu-curious din. "May iba ka pa bang gagawin na mas importante?" Hindi man lang ito nababahala na pabagsak na ang isang business niya.

Sa bagay, marami din naman siyang business. Kaya nga tinagurian siyang bilyonaryo. Pero sayang din ang isang business na pabagsak na ngayon. Marami na daw kasing nawawalang kliyente. Sa tuwing may meeting sa kompanya niya at kailangan ay naroon ang presensiya niya ay wala siya. Magkasama kami kasi niyan noon sa palasyo. Since ang lalaki lang na sekretarya lang din niya na mapagkakatiwalaan niya ang nagha-handle. Sayang din dahil malaking kompanya ang mayron siya.

Kita ko ang malapad na ngiti ni Drake. I can see in his eyes how it shines with happiness. Hindi ko tuloy mapigilang magtaka. Sigurado ngang mahalaga ang plano niya.

"Magde-date kasi tayo."

"H-ha?" Napamaang ako. "Talaga?" Medyo nabigla ako. First time niya akong yayain ng date. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Yes, wife. Masaya 'yon, pero gusto mong umalis ako." Bahagya pang lumungkot ang boses niya na ikinatawa ko ng mahina.

"Ano ka ba." Niyakap ko pabalik ang beywang niya. Nararamdaman ko din ang katawan niya na mala-model na nakadikit sa katawan ko. I smiled at him. "Puwede naman tayong magdate pagbalik mo."

"Yey!"

Natawa ako sa masigla nitong boses. Nagiging childish na naman.

"Pero pagbalik mo, Drake. Bilhan mo na din ako ng mga sweets food ha?"

Masaya siyang tumango, hindi tulad noong nakaraang hapon na busangot na busangot ang mukha. "What else, wife? Para isang beses lang at hindi na ako pabalik-balik ng limang beses."

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now