CHAPTER 2: ( He's a childish? )

1.1K 61 3
                                    

CHAPTER 2: ( He's a childish? )

Third person.

"ARGHH! Kainis ang kati!" reklamo ni Ashlen habang pababa ng hagdanan.

Nanggigigil siya sa suot niyang malaking gown. Wearing a gown makes her blood boil. Pero wala na siyang magawa. It's the special day for all. Darating na raw kasi ang prinsipe.

Napabusangot ang mukha niya. Mukhang wala na talaga siyang kawala.

"Mahal na prinsesa, malapit na po tayo."

Napatingin siya sa babae na minsan na niyang masabihang babaeng lusyang. But the truth, she's pretty. Hindi lang talaga siya makamove-on sa pagiging maputi nito.

"Ahm, anong pangalan mo?" nakangiting niyang aniya habang inalalayan siya nito sa paghawak ng ilang hibla ng tela sa damit niya. Masyado kasing mabigat.

Ngumiti ito sa kaniya pabalik. "Lara, personal maid mo."

"Can we be friends?" Ashlen smile. Hindi iyon mawala-wala.

Lara shock. Nginitian niya lang si Ashlen at patuloy sila sa pagbaba ng hagdan. May kasama din silang mga kawal sa likuran nila. And Ashlen really looks like a real princess.

"Ahh? P-puwede po..." Lara said.

Ashlen can't stop but to giggled. "Salamat naman kung ganon. You know, I feel like I'm alone here. Kaya dapat simula ngayon walang prinse-prinsesa. Tawagin mo akong Ashlen."

Napatango ito. "O-okay. Ang totoo ay bago pa lang ako dito sa palasyo. Wala din akong masyadong nakakausap dito," nahihiya nitong sabi.

Hinarap ni Ashlen ito ng siya namang pagtapak nila sa pang-ibabang hagdan. "Gaano ka na ba katagal dito?"

Lara arrange her tangled gown. Napangiti si Ashlen dahil don.

"Buwan pa lamang, A-ashlen. Pakalat-kalat kasi ako sa Islang 'to noon. At narinig ko na kakailanganin ng bagong mga katulong ang kaharian na ito kaya... hito ako. Isa pa, mababait sila."

Napatango siya sa paliwanag nito. 'Tama siya, mababait nga ang mga ito.'

"Nagbalak akong tumakas dito, Lara," aniya Ashlen.

Nanlaki ang mata nito bago ay napailing-iling. "H-huwag, delikado sa labas. Maraming bampirang nagsikalat. You're a human, siguradong madali ka nilang maaamoy."

Napabuga siya ng marahas na hangin. "Alam ko. Kaya nga pinainom niyo ako ng potion na 'yon para hindi nila malanghap ang pagiging dugo kong tao," she look at directly Lara eyes. "Pero gagawa ako ng paraan para makabalik sa amin. May naghihinatay sa akin Lara. 'Yung mama ko, siguradong nag-alala na 'yon, at ang trabaho ko din."

"Kung magiging prinsesa ka na at makasal, magagawa mo na ang kagustuhan mo at ganon din sa mama mo."

Umiling-iling siya bago ay nilibot ang paningin. Maraming mga bisita. "Wala akong laya at depende 'yon, Lara. Tsaka, kung ikaw ang nasa kalagayan ko, anong gagawin mo? Siguradong tatakas ka din lalo na't ipapakasal ka sa lalaking hindi mo kilala, and most of all, no love was involve-It's just a plain marriage, no string attached."

Biglang natahimik ang kausap niya. Nilingon niya ito. Namumutla ito at parang may malalim na iniisip.

"Okay ka lang?" tanong ni Ashlen dito.

Tumingon ito sa kaniya at tipid siyang nginitian. "S-siguro nga, t-tama ka naman... At okay lang ako."

Mabilis na hinawakan niya ito sa kamay. "Sure ka? You look like pale."

'May may nasabi yata akong mali.'

"Oo naman. Okay lang talaga ako."

"Ah... Kilala mo ba ang prinsipe, Lara?" pag-iiba niya sa usapan.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu