CHAPTER 54: ( The right decision )

469 32 4
                                    

CHAPTER 54: ( The right decision )

Third person.

"YOU DID something bad to ate Ashlen," Evrin said while holding a pen and note in his hand. Mariin siyang nakatitig sa kuya niya na ngayo'y nakaupo sa couch na naka-dekuwatro. Bahagya pa itong walang paki sa sinabi ng kapatid niya at iniinom pa din ng patuloy ang basong may lamang dugo.

Kitang-kita ni Evrin ang seryuso nitong mukha kahit madilim ang silid. But still the moon was bright that made Zy face visible when the light of the moon hitted on his handsome face.

"Kuya, you're too desperate!" madiing sabi muli ni Evrin. Pansin niya kasing nitong nakaraang araw ay parang may pagbabago kay Ashlen. And now he just need to know what is happening to Ashlen and he need a f*cking answer from his brother.

Nalilito siya, may hinala siya. Alam niya na may ginawa na naman ang kuya niya kay Ashlen at gusto niyang malaman kung ano 'yun.

Bukod don ay sa tuwing nakakausap niya ang ate Ashlen niya ay malayong-malayo ito sa Ashlen na dati na palaging nagkukuwento sa kaniya tungkol sa asawa nito na si Drake.

Na para bang wala itong alam sa nakaraan at kung sino talaga ito. Pansin niya ding parang sanay na ito sa presensiya ni Zy na para bang mag-asawa sa paningin niya.

"Instead of asking me that, you should be in your room doing home schooling, Ev." Pagtutukoy nito sa unang tanong ng kapatid niya.

"Answer my question first." Naging seryuso na ang boses ng Evrim na ikinangisi ni Zy. Para talagang childhood version niya ang kapatid niya.

"I hypnotized her, and you can't do anything about that little brother. You can't."

Natigilan si Evrin sa sinabi nito sa kaniya. Ngayon naiintindihan na niya. Pero maraming pumapasok sa isipan niya na mga eksena kung magpapatuloy ang kuya niya sa mga ginagawa nito. Baka mas lalo lamang lalala ang sitwasyon.

Even his still a kid, he know what's happening around him. He's prioritizing and considering the situation of Ashlen. Also the baby in Ashlen womb. Pati na rin ang kalayaan nito.

"Mali ang ginawa mo, kuya."

"I don't care, Ev."

"Sa lahat ng ginawang kabutihan ni ate sa'yo, ito ang ibabalik mo? I know you just hurt since every woman you loved always leave you, but this one? Hindi ko na 'to papalampasin kuya. You know how much ate Ashlen love kuya Drake, at hindi na iyon kailan man magb—"

"Shut up, Ev!" Sinalubong niya ang tingin ng kuya niya na ngayo'y namumula na ang mga mata. "Shut up and leave."

"Kuya!" Pagbabanta niya din ito pero mas lalo lamang sumama ang tingin nito sa kaniya.

"I love Ashlen, no one can stop me!"

"Your love isn't good, it harms everybody."

"Just leave, Evrin."

"Kuya Drake still finding her—"

"I said leave!"

Dahil sa malakas na namang sigaw nito ay natigil ng ilang saglit si Evrin, pero mariin siyang nakatingin sa kuya niya na mas lalo lamang pumula ang mga mata.

Nanlaban sila ng tapang sa isa't-isa gamit ang mga mata. Pareho silang ganon ngunit agad silang napatingin sa pinto ng may kumatok don.

"Zy? Nandiyan ka ba sa loob?"

Zy sigh. "Yes, baby. Come inside."

Napalingon si Evrin sa kuya niya pabalik. Naging malambing ang boses nito, pero ang tingin nito ay nasa kaniya pa rin na may pinapahiwatig na huwag siyang makialam.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now