CHAPTER 47: ( Hell of suffer )

408 25 0
                                    

CHAPTER 47: ( Hell of suffer )

Ashlen POV.

NANGINGINIG akong lumabas sa bodegang ito. Bigla na naman kasing nagbukas ang pinto at isang hindi kilalang lalaki ang nagpalabas sakin dahil pinatawag daw ako ng Supremong iyon.

May plano pa din naman sana akong linisin ang bodegang tinutuluyan ko para naman hindi ako magmukhang kawawa, pero ng makapagbihis pa lang ako ay agad na tinawag na ako ng walanghiyang 'yon.

At d*monyo talaga siya! Talaga namang walang awa! Sa lahat siguro ng napakasamang tao siya na ang pinaka. Alam kong marami pa namang kuwarto na bakanti, pero nilagay niya talaga ako sa bodegang 'yon na napakarumi.

Pero muntik ko na ding makalimutan. Ginagawa niya pala 'to para makapaghiganti. Kinasusuklaman niya ako, hindi kinakaawaan. Siguro nga mas nagsasaya pa siya ngayon dahil nagawa na niya ang noon pa niyang binabalak.

"Pumasok ka sa loob. Supremo's inside."

Napatingin ako sa lalaki. Nakatitig lang siya sakin ng malamig kaya hindi ko din mapigilang mailang.

Napatingin ako sa pinto pabalik. Kinkabahan ako at nagdadalawang isip na pipihitin ba yon o hindi na lang tumuloy. Gusto kong umatras at tumakbo, pero alam kong wala naman akong kawala.

"Bilisan mo!"

Napapitlag ako sa sigaw ng lalaki sa likod ko. Pati din siya! D*monyo katulad ng boss niyang Supremo!

Napabuntong hininga muna ako bago napagdesisyunang buksan ang pinto, pero nagulat ako ng bigla akong nawalan ng balanse na ikinaigik at ikinapikit ko. Mahina din akong napamura sa isipan. Sh*t!

"Get up, weak." Napatingin ako sa paligid at ganon na lamang ang pag-awang labi ko ng sobrang kalat dito. O baka sinadyang kinalat?

Nilibot ko pa ang paningin ko hanggang sa humito iyon sa lalaking kinasusuklaman ko. Muli na namang nabuhay din ang galit sa puso ko sa kaniya.

He's looking at me directly with no cares emotion. Saglit kong nilingon ang dahilan ng pagkawalan ng balanse ko. Nakita ko doong may basa pala ng tubig. Binalik ko ang tingin sa kaniya bago ay tumayo na parang walang nangyari. Mabuti na lang at hindi ako nabasa.

Ramdam ko din ang sakit sa beywang ko pero hindi ko yon pinansin at hindi pinahalata sa kaniya.

Deritso ko siyang tingnan at naglabanan sa awra niya. Pinilit kong huwag matakot. Ayaw kong ipakita sa kaniya na mahina ako dahil sasalamantahin niya ang ganong side ko. Gusto ko kung mamamatay man ako sa kamay niya, atleast lumalaban ako at hindi tulad niyang iniisip na mahinang nilalang.

"Simulan mo na ang pagpapahirap mo sa'kin. Alam ko namang doon ka sasaya." Sabay ngiti ko ng piki.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo ng stool saka naglakad patungo rito sa'kin. Bigla akong napangiwi at napaigik ng marahas na naman niyang hawakan ang buhok ko na nakatali. Para niya akong sinasabunutan dahil sa sobrang higpit.

Muli na naman akong maiiyak pero pinilit kong huwag tumulo ang luha ko. Ayaw kong makita niyang sobrang hina ko.

"Why Drake are so in love with you? Napakababa ng taste niya. You looks like slut, weak, a human, most of all a gold digger. Siguro natiis mo ang ugali non dahil pera lang ang habol mo." Nl

Nagngitngit ang ngipin ko sa sinabi niya. I want to curse him! And yeah, D*mn him! P*t*ng*na niya! Gusto kong sabihin 'yon pero pinanitili ko lang sa isipan ko dahil alam ko namang nababasa pa rin niya ang isipan ko dahil ramdam kong mas lalo lamang humigpit ang pagkasabunot niya sa buhok ko.

"You can't answer, cause I'm right," walang emosyon niyang sabi.

Naluluha na din ako. Ramdam ko na ang panunubig ng mata ko. Nasasaktan ako sa mga pinangsasabi niya kahit alam ko namang hindi yan totoo. Hindi lang ako nasasaktan sa physical pati din emotion ko.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now