CHAPTER 48: ( Supremo's history )

446 25 0
                                    

CHAPTER 48: ( Supremo's history )

Ashlen POV.

IT'S BEEN 1 week while I'm here in Supremo's place. At sa bawat araw na nagdaan, walang araw na hindi niya ako sinasaktan. Not just physically but also emotionally. Pinapatunayan niya lang sa'kin na ganon siya kasama.

Hindi na din ako iyakin tulad ng una, himbis ay pinagbutihan ko na lang maging matatag para sa sarili ko. Pinilit kong maging mabuti sa harap ng d*monyo na katulad niya kahit alam kong wala na siyang ibang ginawa kundi ay ang pahirapan ako.

I just possibly wish that through my charm of my attitude he will realized he'll released me as sson as possible. Na sana darating ang panahon na mapagod na siya sa'kin, mapagod na siya sa pagmumukha ko at maisipan na lang niya na hayaan na lang ako.

Hindi ko din mapigilang malungkot. Namimiss ko si Drake, sila lahat. Palagi kong pinanalanganin na okay lang sila. Na sana, makikita ko pa sila.

Napatigil ako sa pag-iisip at mabilis na napatingin sa Supremong halatang bagong gising lang dahil pababa ito ng hagdan kung saan naron ang kuwarto niya.

Napatigil ang paghinga ko ng dumapo ang tingin nito sakin, kasabay ng pagsalubong ko din ng tingin sa kawalang emosyon niyang mga mata.

"M-magandang umaga, S-supremo," iyon lamang ang lumabas sa bibig ko at ramdam ko ang kamay ko na nangi-nginig sa takot na baka saktan na naman niya ako. Naglilinis kasi ako dito sa sala niyang sobrang laki ng space.

Kahit ramdam ko ang pagkatamad ay wala akong nagawa at sinunod na lamang ang gusto niya. Kaya sinanay ko na din ang sarili ko na maagang gumising dapat na mas maaga pa sa kaniya dahil iyon na naman ang utos niya. At kung hindi ay baka paparusahan na naman niya ako at pag-initan ng ulo.

"K-kumain ka na. N-nagluto na ako ng m-makakain mo," d
ugtong ko pang sabi dahil wala itong naging sagot sa sinabi ko kanina. Tanging malamig lamang na titig ang nakapukol sa'kin. And at the second time, wala pa din akong nakuhang sagot mula sa kaniya.

Pinagpatuloy na lamang nito ang paglalakad patungo sa hapag kainan para siguro kumain. Wala sa oras na nagpakawala ako ng buntong hininga dahil baka hindi ko na makayanan ay mamatay ako sa takot sa kaniya.

Napatingin ako sa mga maliliit na sugat na nasa binti at mga kamay ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng sakit at pighati sa kalooban. This is what Supremo did. Napakaguwapo niyang nilalang pero ang sama-sama ng ugali!

Pagkagising ko pa lang kasi mula sa pagkahilo non ay pinarusahan na naman niya ako. Nabasag ang salamin kaya nagkasugat-sugat ako.

But then I was saved and thanks to his little brother. Evrin, ito pala ang tumulong sa'kin ng nawalan ako ng malay. Evrin is just 10 yrs. old. Malayong-malayo ito sa kuya niya na Supremo.

Napakabait ni Evrin, e ang Supremo naman ay ibang-iba. Kaya nga kinamumuhian ko ito.

Nagalit pa ang Supremo sa kapatid niya dahil sa tuwing tinitulungan ako ni Evrin ay sasalungat agad siya.

Pati din dahil tuloy sa'kin ay paminsan ding mahuli ng mga mata ko si Evrin na pagsasalitaan siya ng masama ng kuya niya.

Pero minsan din, sometimes I also caught Supremo playing with Evrin. Nakangiti siya sa mga oras na 'yon. Malayong-malayo sa awra niya na palaging pinapakita niya sa'kin.

Minsan naisip ko. Bakit umabot pa siya sa ganito? Ganon ba niya kamahal ang sinasabi nitong asawa? Pero hindi din ako maniniwala sa mga sinasabi niya sa'kin tungkol kay Drake. Hindi magagawa ng asawa ko na pumatay ng inosente. Drake is innocent as I know.

Nasabi niya rin sa'kin nong una habang nasa isang bodega ako. Drake and him is an old friend kaya nagatataka ako kung bakit? Pano? Pano dumating sa naging ganito? Ano ang buong kuwento?

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon