CHAPTER 20: ( Far away )

522 37 1
                                    

CHAPTER 20: ( Far away )

Ashlen POV.

"ATE GANDA!"

Nilingon ko si Carl ng tawagin niya ako. Ngumiti ako ng pilit dahil ayaw kong mapawi ang malalaki niyang ngiti na nakapaskil sa labi niya. Saka ko na lamang sinalubong ang yakap niya habang tumatakbo ito sa kinaroroonan ko.

"Kumusta paglalaro mo?" tanong ko dito at hinaplos ang buhok niya.

Napanguso ito sa akin, bigla akong napatingin sa kanya at napakurap-kurap. Tuwing ngumunguso kasi ito ay naaalala ko na naman si Drake.

"Mashaya poh. Tsaka saan poh kuya gwapoh?"

Nalungkot ako sa tanong niya. "Ahm... may pinuntahan lang kaya mauna na tayong umuwi, okay?"

Napatango naman ito sa aniya ko saka muli akong niyakap. "Bakit?"

Umiling ito sa tanong ko. "Wala poh. Gushto ko lang sana magthank you sa inyo. Tsaka, tsaka kay kuya din poh. Dahil kahit naging kulit ako sa kaniya, binilhan niya pa rin ako ng toys. Tsaka, pinasyal din dito sa mall niya, tsaka may nakalaro din ako at naging friends," mahabang salaysay nito kaya napangiti ako.

"Walang ano man," sagot ko dito at binuhat siya. Lumabas na ako sa mall pero pansin ko yung sales lady na babae na may maraming dalang papers bag na nakasunod sa'min.

Napahinto kami sa labasan at nag-aabang ng tricycle, pero may huminto na sasakyan sa harapan namin. Ito 'yung sasakyan kanina na sinakyan namin ni Drake. May lumabas na lalaki at hindi na iyon yung driver na kanina. Mukhang tao ito at hindi bampira.

Nginitian ako nito, kaya ngumiti din ako pabalik.

"Mahal na prinsesa. Ako na ang maghahatid sa inyo pauwi dahil utos ito ng Prinsipeng Zeke."

Sinabihan pala siya ni Zeke.

"Ah, s-sige."

"Ahm, teka po ma'am. Ito na 'yung mga lahat ng napili para sa inyo."

Napalingon ako sa likuran ko. Ito 'yung sales lady na kanina pa sunod ng sunod sa akin hanggang dito din pala.

Tiningnan ko ang paper bag na mga hawak niya, sobrang dami at halos laman non ay mga damit, sandals na sobrang ganda, halatang pinagpilian ng maayos. Ang laman naman ng iba ay mga laruan, mukhang para kay Carl yata yan.

"Ako na po ang magkakarga sa sasakyan," saka iyon kinuha ng matanda sa sales lady kaya tumango na lang ito at hinayaang kunin ito. Akmang aalis na sana ang sales lady ng tawagin ko ito.

"Teka, sandali." Napahinto ito at nilingon ako saka ngumiti. "'Yung mga papers bag, wala akong pinamili kanina. Tsaka- "

"Ahm, yan po ba? Mismong si master po ang namili niyan kanina ng mga damit at pati na din iyong mga laruan. Kanina pa niya pinasabi sa'kin. At huwag din po kayong mag-alala, bayad na po ang mga yan. Si master pa."

Napangiti ako sa aniya nito. Nagpaalam naman ito kaya napatango na lamang ako.

Kahit kailan talaga 'yung isip batang yun, palagi na lang ako ang inaalala.

"Mahal na prinsesa, tayo na po."

Nilingon ko si Manong kaya napapasok ako sa loob ng sasakyan habang karga si Carl na nakatulog na pala sa balikat ko. Dala na rin siguro sa pagod niya sa paglalaro.

Sa ilang minuto na katahimikan ay napahinto ang sasakyan sa harapan ng aming mg bahay. 'Yung mga tao din ay nagsimulang magsiguluhan ng nakita nila ang sasakyang sinasakyan ko ngayon.

Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng naunahan ako ni manong kaya napangiti na lang ako ng pilit.

"Salamat po manong, tsaka tao po ba kayo?" bulong ko dito na ikinatango niya at ngumiti sa akin.

"Oo, mahal na prinsesa. Matagal na akong nagtra-trabaho sa palasyo ng islang iyon. Tsaka, mababait naman sila kaya heto... Buhay pa ako," makahulugang sagot niya na ikinatango-tango ko.

"Sige mahal na prin- "

"Ashlen na lang po ang itawag niyo sa akin," putol ko dito.

Tumango ito saka kinuha ang mga papers bag na nasa sasakyan at inihatid sa loob ng bahay.

Nagbigay daan naman ang mga taong nagkukumpulan at nagsimula na ring nagbubulungan.

Kahit kailan talaga mga chismosa!

Naglakad ako papasok sa loob ng bahay at sakto din ang paglabas ni Manong. Nagpaalam na siyang umalis kaya ningitian ko lamang ito.

May huli pa siyang sinabi. "Magiging okay din ang Prinsipeng Drake, Ashlen. Manatili ka rin sana sa tabi niya."

"O, ASHLEN!"

Napapitlag ako sa sigaw na iyon. Hayst! Kahit kailan talaga, ang lapit-lapit lang ng kausap ay sumisigaw pa.

"O, ma. Nakauwi na pala kayo?" malumanay na aniya ko dito.

"Ay hindi, multo 'tong kausap mo." Napangiwi ako sa turan nito. "May nagsabi na umalis daw kayo ni Drake kaya naghintay kami dito sa'yo kasama si Mareng Judy. Tsaka nga pala, si Drake saan?" sabay lingon-lingon niya ng mapansing hindi ko kasama si Drake.

Napakagat labi muna ako. "M-ma, aalis po ako bukas may pupuntahan lang ako," sagot ko dito at pag-iiba na din sa usapan.

"Aba! E saan ka naman pupuntang bata ka?"

Tiningnan ko ang puting damit ko at ang kasuotan ko. Ito 'yung binili ni Drake sa'kin kanina. Hindi ko pa din hinuhubad hanggang sa nagdapit hapon na din, dahil parang ramdam kong kasama ko pa din si Drake. Gusto kong alalahanin 'yung paraan ng ngiti niya habang nakatingin sa akin suot-suot ito.

"Sa malayong-malayo, ma."

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now