CHAPTER 22: ( Going back )

540 35 0
                                    

CHAPTER 22: ( Going back )

Ashlen POV.

Bitbit ko na ang malita ko na may lamang mga damit at saglit pa'kong napapikit ng mariin.

Okay lang kaya si Drake? Kumusta na kaya ang lagay niya? Magigising pa kaya siya?

Napailing ako sa aking mga inisip. No! Dapat ay be positive ako. Ang sama naman ng utak ko sa mga pinag-iisip ko, masyadong masama. Baliw na yata ako.

"Anak! Ashlen?! Tapos ka na ba?"

Napapitlag ako sa sigaw ni mama kaya dali-dali akong bumaba at lumabas sa kuwarto ko.

"Oo ma, tapos na. Tara na?"

Tumango si mama bilang tugon at nagsimula ng lumabas. Naka-jacket ako ngayon at naka-mask na rin dahil iniiwasan ko ngayon ang mga cameras.

Nabigla na lamang ako kahapon ng halos lahat ng kapit bahay kong nakakasalubong ay nakikipagpic sa'kin. Maraming katanungan kaya umalibay ako. Baka magka-isyu pa si Drake ng dahil sa'kin.

Agad na pumara si mama ng tricycle na masasakyan namin. Wala pang ilang minuto ay agad na may huminto sa harap namin kaya agad naman kaming sumakay.

Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilang hindi mailang. Sino ba namang hindi maiilang kung ang driver ay tudo lingon sa puwesto ko at bahagya pang inaalala ang mukha ko. Dahil don ay iniwas ko ang tingin sa kaniya at itinuon na lamang sa mga nadadaanang lugar at mga puno.

Mabuti na lang at hindi ako nasundan ng Supremo na 'yon. Sobrang guwapo sana kaso napakasama ng ugali niya, tsk!

Bakit ko ba siya inaalala? Sobrang galit ang nararamdaman ko para sa kaniya! Sana'y makonsensya man lang siya sa ginawa niya kay Drake!

"O, anak, baba ka na."

Napalingon ako sa boses ni mama. 'Di ko namalayan na huminto na pala ang sinasakyan namin.

Agad akong bumaba sa tricycle at nakita ko na lamang si mama na binabayaran na niya si manong at agad namang umalis ito pagkatapos magpasalamat.

Inilibot ko ang paningin ko sa lugar na hinintuan namin. Nagataka pa ako ng nasa Airport kami. Putik! Anong gagawin namin dito?!

"Ma!" Tawag pansin ko dito kaya lumingon ito sa'kin.

"Bakit, Ashlen?"

"Anong ginagawa natin dito? Bakit nasa Airport tayo?" takang tanong ko na ikinataas ng kilay niya.

"Aba! Diba sabi mo, sa malayong-malayo? Edi saan pa? Syempre sa abroad!"

Napatampal ako sa sariling noo. Pano ko ba 'to ipapaliwanag? "Ma, hindi ako mag-aabroad okay?"

"Ha? 'Kala ko pupuntahan mo si Drake sa labas ng pinas? Kasi kapag mga bilyonaryo, magkasakit lang dadalhin agad sa labas para doon magpagaling. Kaya nga unang pumasok sa isipan kong sa sinabi mong sa malayong-malayo edi sa labas 'yon!"

Napailing ako sa walang kaalam-alam ng mama ko sa mga nangyayari.

"Hindi, ma. Isla ang pupuntahan ko, hindi sa labas o abroad," aniya ko dito kaya napabuntong hininga si mama.

"Saang isla?"

Napa-isip ako sa tanong nito. Hindi ko din alam. Pano nga ba ako makakapunta doon kung ganong hindi ko alam? Ang alam ko lang naligaw ako doon at hindi ako kasing talino ni Albert Eisten para alalahanin at mamemorya ko pa ang lugar na iyon.

"Hindi ko alam, nakalimutan ko?" patanong ko dito kaya wala sa oras ay nakatanggap ako ng batok mula kay mama.

"Pano na yan? May pa malayong-malayo ka pang nalalaman tapos hindi mo alam? Amboba mo, Ashlen!"

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα