CHAPTER 27: ( She's awake )

589 48 1
                                    

CHAPTER 27: ( She's awake )

Lara POV.

IT'S BEEN 5 days since Drake still doesn't went out from his room. Kung saan ay naroroon din ang walang malay na si Ashlen.

Hinahatidan ko na lamang si Drake ng mga pagkain na puro gulay at mga inuming dugo. Naiintindihan din naman namin ang sitwasyon nilang dalawa.

Prince Drake love Ashlen so much and how I wish na sana ngayong araw ay magkakaroon na siya ng malay.

Every night na mapapadaan ako sa kuwarto ng mahal na prinsipe ay naririnig ko ang mumunting hikbi nito. Lalong lalo na ang pauli't-ulit na pagbigkas ng salitang 'sorry'.

Napangiti ako. How I wish I can have a man like Drake, someday. Napabuntong hininga ako at hindi na namalayan na nakangiti.

"What's with that smile?"

Napatingin ako sa gilid ko. Mabilis na napaiwas ako ng tingin ng makita ang seryuso na mukha ni Prince Jayrus. Gosh! Hindi ko alam na nakapasok na pala siya dito sa kusina.

"W-wala po mahal na prinsipe. M-may inaalala lang," nakayuko kong sabi at maingat na pinagpatuloy ang paghiwa ng sangkap na lulutuin.

Nailang ako ng hindi ito umimik at nakatuon lamang ang tingin sakin. Hindi ko alam pero ang talim ng titig niya. Iba siya sa kilala kong isip batang Jayrus na palangiti.

"B-bakit po? Ano pa ang kailangan mo?" nauutal na tanong ko at nag-angat ng tingin.

Nabigla ako ng nasa harapan ko na siya. Mabilis na napaatras ako sa island counter at napasandal roon ng mas lalong lumapit pa ito.

Naku! Maha-heart-attack yata ako nito!

"Kumakabit ka na," mahinang bulong nito sa tainga ko na ikinakiliti ko.

Sh*t! Ang bango ng hinnga niya. And what? kabit?

Taka ko siyang tingnan. "K-kabit? Ano pong kabit?"

Nabigla ako ng maramdaman ang kamay niya na gumapang sa bewang ko, kasabay ng pagpalapit ng saril ko sa kaniya. Pigil hininga ako sa ginawa niya.

Anong nangyayari sa crush ko? Ito na ba 'yung sign na auto crushback? Gosh!

"You're smiling alone. Thinking your kabit, huh?"

Kikiligin ba ako o ano? Kunti na lang talaga bibigay na ako. Kaya pala! Haha, ang cute naman niyang magselos. Selos nga ba? He's kinda serious now.

"W-wala nga akong asawa, k-kabit pa kaya? Iba naman po ang iniisip niyo mahal na prinsipe," nakangiti kong sabi.

Kumunot naman ang noo niya bago ay nawala ang seryusong mukha.

Napahinga ako ng maluwang ng bitawan niya ang beywang ko bago umatras ng kaunti. He smiled looking at me now and it makes my heart pumping so fast.

Itinaas nito ang kamay habang hawak-hawak ang isang teddybear na white. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.

"I want this to give to you. You look like her, cute."

Napangiti ako ng wala sa oras bago kunin iyon. Tiningnan ko ito bago ibinalik ang tingin sa kaniya. "Thank you po."

He pouted of what I've said. Mas lalong ngumiti ako. 'Yung kaninang seryuso'y bumalik na naman sa pagiging childish.

"Kiss," nakanguso nitong sabi.

Ha? Kiss? Namilog ang mata ko sa aniya niya. Luh, 'di puwede! Porkit crush ko siya!

"My bear is an exchanged by kissed. At hindi na puwedeng bawiin yan," sabay lapit nito sakin. Napalunok ako. He touch his cheek signaling that I'll kiss him there.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now