CHAPTER 24: ( Wild bite )

621 44 1
                                    

CHAPTER 24: ( Wild bite )

Ashlen POV.

NAALIMPUNGATAN ako ng may mabigat na nakadagan sakin. Pagbukas ko ng aking malamnay na mga mata ay agad nakita ko ang katabi ko, ngunit hindi ko aninag ang mukha niya. Nakasubsob iyon sa bandang dibdiban ko.

"Drake?" tapik ko sa braso nito na nakapulupot sa bewang ko habang ang kanang braso nito ay nasa uluhan ko na ginawang unan ko.

Hindi ito sumagot at bagkus ay mas lalong isiniksik nito ang sarili niyang ulo sa bandang leegan ko.

Biglang nagising ang diwa ko ng maramdaman ko ang mabilis na paghinga niya na tumatama sa leegan ko.

Napabuntong hininga ako at tiningnan ang nasa gilid ko na mesa. Nandon na ang tray na may lamang pagkain at halatang bagong luto ito dahil sa usok na lumalabas dito. Siguro ay kanina pa yan ipinasok ni Lara dito.

"Drake, kamusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?" sunod-sunod na tanong ko dito ngunit hindi ito sumagot. Mukhang tulog pa.

Tatangkain ko sanang kunin ang braso niya na nasa beywang ko ng mas lalo pa lamang niya iyong hinigpitan at mas lalong pinagdudut-dutan ang sarili niya sakin. Napailling ako at tiningnan siya.

"Drake, kakain muna ako. Hindi naman ako aalis," bulong ko dito at hindi nga ako nagkamaling kahit nakapikit ito ay ramdam ko ang unti-unting pagluwag ng yakap niya saka kumalas.

Napangiti ako at agad na bumangon mula sa pagkakahiga at agad ding bumaba sa kama.

Tiningnan ko siya habang nakahiga at mukhang mahina pa din ito at namumutla pa. Mabuti na lang at hindi na siya binalikan ng Supremong iyon.

Iniwas ko ang tingin dito at agad kinuha ang pagkain na nasa mesa. Kinuha ko ito at umupo sa harap ng puwesto ni Drake na natutulog pa.

Nagsimula akong kumain at nilantakan ang mga ito. Sobrang dami at halos lahat ay mga prutas at gulay. Tumigil ako sa pagkain at tiningnan si Drake. Naaawa ako sa kalagayan niya.

"Drake, kain ka muna. Nanghihina ka pa naman," aniya ko dito at nilapag muna ang pagkain na dala ko sa tabi ng kama saka ko inilalayan si Drake at pinasandig ko ito sa dibdiban ko.

May tubo din kasing nakalagay sa bibig niya kahapon dahil iyon ang daluyan ng pagkain niya para hindi siya magutom. Pero mukhang tinanggal niya iyon kahapon ng hindi ko namamalayan.

Hinawakan ko ang noo nito kung mainit ba o malamig pero napakalma ako ng normal lamang ito at hindi kaparehas kagabi na sobrang lamig.

Sinabihan ko na ang reyna na ginamot na ba siya ng doktor pero sabi nila ay walang magagawa ang doktor sa sitwasyon ngayon ni Drake dahil hindi siya normal na tao tulad ko. Pero nagdala pa rin sila ng doktor. Doktor ng pamilya nila.

"Drake, kain ka muna kahit kunti. Susubuan na lang kita," tapik-tapik ko dito dahil nakapikit pa rin ito ng mga mata. Ngunit kalaunan ay umiling ito kaya wala akong magawa kundi tumango na lamang.

Pansin ko dito ang panay lunok, kaya agad kong kinuha ang baso na may lamang tubig saka ko ito ipinainom sa kaniya na agad naman niyang ininom.

"Okay ka na?" tanong ko dito at ibinaba ang tubig na hawak ko saka naman ay kinuha ko ang pagkain ko at sinimulang kumain uli.

"Hmm..." tanging sagot niya at umalis sa pagkasasandig at muling nahiga sa kama. Ngunit mali, nabigla ako ng humiga ito sa hita ko saka niyakap ang bewang ko at isiniksik sa bandang tiyan ko ang mukha niya.

I sigh. Binalewala ko na lamang ang pinanggagawa niya at hinayaan na lamang. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko hanggang sa nagsawa at uminom ng tubig matapos.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now