CHAPTER 4: ( Sleep )

988 52 0
                                    

CHAPTER 4: ( Sleep )

Third person.

GABI na at ang tanging liwanag na lamang ng buwan ang tanging nagbibigay liwanag mula sa gabi niyang matamlay.

Ashlen missed her mama so much. Hindi niya mapigilang mag-isip ng esinaryo sa isipan niya. Nagreport kaya ito sa pulis para mahanap siya? Hindi kaya sumunod ito sa Isla kung saan siya naroroon ngayon?

Napilig niya ang ulo niya. Putik! Huwag naman sana...

"Kung nakinig lang sana ako kay tatay na huwag pumunta dito dahil delikado, siguradong hindi ako nalagay sa sitwasyon na'to ngayon." She sigh. Nagsisisi siya sa pagiging matigas niya ng ulo.

Whole in her life, hindi niya kailan naisip na ito ang kahihinatnan niya. She never even expected that Vampires really exist.

But she thought that they're too much scary. Pumapatay, sumisipsip ng dugo, and now, mabait naman pala ng mga ito. Lalo na ang hari at reyna. Except talaga sa Prinsipeng anak ng mga ito. Naiinis siya dito. Nanggigigil siya!

"Alien!"

And speaking off. Sumisigaw na naman.

Napasabunot siya ng buhok. "Putik! Panira siya ng moment!"

Napabusangot siya ng mukha bago ay ibinalik ang tingin sa kawalan. Those stars and moon, kakaiba ang kinang non at napakaganda talaga.

Naalala niya ang hari at reyna. Muli ay napabusangot siya ng mukha. Nasa ibang kaharian ang mga ito. May aasikasuhin daw ang mga ito na importante. Ang masaklap pa ay iniwan ang anak ng mga ito. Plus, wala din siyang makakausap ng matino. Wala si Lara dahil isinama din ng mga ito. Habang si Jacob naman ay ganon din. Mukhang sa tingin niya ay sinadya talaga ng mga ito na iwan silang dalawa ng isip bata sa palasyo.

"Alien!!!"

Napabalikwas siya at napahawak sa dib-dib sa sigaw na iyon. "Putik! Para siyang babae kung makatili!"

Nagmamaktol siyang pumasok sa kaniyang kuwarto. Nasa balkonahe kasi siya at nagpapahangin. Kailangan niya iyon dahil sa sobrang stress niya, pero ngyon ay dinidistirbo na naman siya ng isip bata.

Binuksan niya ang pinto niya papalabas bago ay bagot na tumingin sa itim na pintuan. Nandoon ang isip bata sa loob. Hindi niya lang lubos maisip kung bakit naisipan nang reyna na pagtapatin ang kuwarto nila. Marami pa namang kuwarto pero dito talaga siya nilagay sa katapat ng Prinsipeng 'yon.

Sinabi pa ng hari na dapat magkatabi sila matulog lalo na't ikakasal naman daw sila. Pero bilang babae ay hindi siya pumayag. Kailangan nilang irespeto siya at kung hindi ay baka wala sa oras na masakal niya ang Drake na 'yon. Mahirap ng magkaroon ng world war 3.

"Alien!"

"Putik! Ba't ba siya Alien ng Alien!? Ashlen ang pangalan ko, Ashlen!" Naiinis na sambit niya na parang kaharap lang niya ang kausap.

Naiinis na siya dito. Gusto na niyang matulog pero palagi na lang itong tumitili.

Naglakad siya sa pinto ng kuwarto nito bago ay napabuntong hininga. Mabilis niyang pinihit ang door knob nang kuwarto nito bago ay muling pinakalma ang sarili. Siguradong maiinis na naman siya dito.

"Alie-"

"Ano ba! Ang ingay mo, ha! Ang sarap mong upakan!" Putol niya sa muling sigaw nito.

Pinukulan niya ito ng masamang tingin. Drake is with his stripe jeans and black cotton shirts. His mask is color black also. Bahagya pang magulo ang buhok nito na nakadagdag sa kaguwapohan nito. Habang ang mukha naman nito ay nakabusangot.

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now