CHAPTER 23: ( Take caring him )

554 39 0
                                    

CHAPTER 23: ( Take caring him )

Zeke POV.

WHEN Ashlen start to run through to prince Drake room, I immediately follow her.

"Drake!" sigaw nito pagkabukas niya pa lamang sa pinto.

Lahat naman ng naroon ay napalingon. Surpresa silang napatingin kay Ashlen kaya agad itong nilapitan ng reyna at niyakap ng mahigpit. Umiiyak ito kaya niyakap na lamang ito ni Ashlen pabalik.

I looked at my friends. We looks like weak, lalo na't nakikita naming si Drake ay nakahiga sa kamang iyan.

Recently, talagang sinadya kong magbiro at libangin si Ashen para mabawasan man lang ang pag-aalala nito. And now she's here, we're happy since she came back here. Salamat at hindi niya nagawang talikuran si Drake at maisipan man lang niyang hayaan at bumalik na lang sa dati niyang buhay.

She choose Drake than to take the chance to escape and leave him.

-

Ashlen POV.

HINAGOD ko ang likuran ng mahal na reyna habang umiiyak na nakayakap sa'kin. Nagsimula na ring namuo ang luha ko.

"Salamat at bumalik ka," aniya reyna sabay kalas sa yakap.

Tumango na lamang ako dito at tiningnan ang kama kung saan nakahiga si Drake pero hindi ko ito masyadong makita.

"S-si Drake po, kumusta na siya?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa puwesto niya.

Hinawakan ng mahal na reyna ang braso ko at maingat na lumapit kami sa puwesto ni Drake.

Doon tumumbad sa'kin ang mas maputla niyang mukha at maputla ding labi. Nakamaskara pa rin ito kahit nakahiga.

Lumapit ako dito at naupo sa kaharap niyang upuan. Tiningnan ko ito at napapikit ako ng mariin.

Hinawakan ko ang kamay nito at pinagsiklop iyon. Ramdam ko ang lamig ng kamay niya.

"Ashlen, nagamot na siya ng manggagamot ngunit hindi pa rin masyado ganon kaayos ang kalagayan niya. Pero gagaling siya, iha. Mag tiwala tayo sa kaniya. He's a brave man," aniya hari.

"Minsan din naabutan naming naghihirap siyang huminga at palaging nilalamig. Hindi pa rin namin siya mapapakain dahil wala pa siyang malay," aniya reyna.

"Nagdagdag na kami ng bantay para sa kaligtasan ng lahat at lalong-lalo na para sa kaligtasan ni Drake."

Napatango na lamang ako sa mga sinasabi nila. Narito ang lahat pati na rin ang mga kaibigan ni Drake.

"Puwede po bang..." bitin kong ani at tiningnan si Drake saka tiningnan ko ang kamay niya na hawak-hawak ko.

"Ano 'yun, iha?"

Rinig kong tanong ng mahal na reyna. Hinagod ko ang kamay ni Drake at binalingan ng tingin ang reyna. "Ako na ang mag-alaga sa kaniya?"

Everyone lips was start to smile looking at me, pero alam ko namang sa likod non ay ang lungkot habang nakatingin kay Drake.

"Kung yan ang gusto mo, iha," she sigh. "Iiwan ka na muna mamin dito," saka sumenyas na lalabas na agad namang sinunod nila.

Rinig ko ang tuluyang pagsara ng pinto kaya napabuntong hininga ako umusog pa papalapit kay Drake.

"Hoy, isip batang bampira, matapang ka diba? Kaya gagaling ka. Kakayanin mo yan. Tsaka, ako na ang mag-aalaga sa'yo simula ngayon," ngiti kong ani at hinaplos ang buhok niyang malambot.

TUDO TITIG lamang ako sa kaniya at ang tanging magawa ko lamang ay ang bantayan siya at kinakausap ang walang malay na katawan niya. Minsan din ay kinukuwento ko 'yung nangyari tungkol sakin.

*tok*
*tok*
*tok*

Katok ng kung sino kaya napatigil ako sa pagsalita at napalingon sa pinto.

"Sino yan?"

"Ako 'to, Ashlen, si Lara. Gusto lang ipahatid ng reyna ang panghapunan mo. Hindi ka pa kasi bumaba para kumain kanina."

Si Lara lang pala. Hindi ko rin namalayan kung bakit ang dali lang ng oras. Mga tanghali kami nakarating at ngayo'y gabi na.

"Sige, pasok Lara," aniya ko dito. Agad naman itong pumasok at nilapag ang tray sa gilid ng kama. Nginitian niya ako kaya ngumiti din ako ng matamlay dito.

"Sa tingin mo? Ano ang mas mabilis na paraan para gumaling siya, Lara?" balisang tanong ko na ikinangiti ni Lara ng bahala.

"M-mayron naman, pero manghihina ka naman kapalit non."

Nakuha ng atensiyon ko ang sagot nito kaya dali-dali kong hinawakan ang kamay ni Lara at tiningnan siya mata sa mata.

"Lara, pls. Sabihin mo kung ano?" Nagmamakaawang sabi ko dito..

Hinawakan nito ang kamay ko pabalik at tiningnan din ako nito ng seryuso. "Ang mahal na prinsipe ay malapit ng maubusan ng dugo dahil sa natamong sugat nito. Nanghihina na din siya, pero patuloy pa din siyang lumalaban. Kung, kung gugustuhin mo talaga Ashlen na gumaling agad siya... naniniwala ako na ang mga mates ng bampira ay nakakatulong ang mga dugo nila. Lalo na't alam kong tao ka."

Nag-alinlangan naman akong tumingin kay Drake at napayuko.

"Pero mahal na prinsesa, delikado ito. Kaming mga bampira'y kapag oras na maamoy namin ang dugong tao ay nawawala kami sa sarili at sakali din na hindi na namin makontrol ang aming mga sarili. Lalo na't isa siya sa malakas na bampira at baka kapag gawin mo ang plano mo, baka maubusan ka ng dugo at manghina. Kailangan mo rin ng maraming enerhiya kung ganoon man. Tsaka, kahit ganyan ang kalagayan ng prinsipe ay hindi ka niya papayagang gawin mo iyon at baka ikaw pa ang mapapahamak kaya huwag niyo nang subuk-"

"Gagawin ko," putol ko dito na ikinahinto niya.

"H-ha?"

"Gagawin ko ang sinasabi mo kung yan lang ang paraan para makabawi siya ng lakas. Lara, hindi ko kayang maupo lamang at panoorin siyang naghihirap."

Napangiti ng matamis si Lara dahil sa bulong ko na rinig naman niya.

"The best sacrifice is always the sacrifice for your love," bulong nito na ikinangiti ko na lamang ng pilit. "Magdadala pa ako ng maraming pagkain at prutas para kung sakaling gagawin mo nga ay may makakain ka kaagad at agad ding makabawi ng lakas," dugtong nito bago ay lumabas.

Tiningnan ko si Drake ng mataimtim. "Pagaling ka," at pilit na ngumiti sa kaniya kahit hindi niya nakikita.

DAHAN-DAHAN akong napadilat ng mata ng kumilos ang hawak kong kamay ni Drake. Agad akong napaupo ng maayos at tiningnan siya.

Nasurpresa akong gumagalaw nga ang kamay niya, ngunit ramdam ko ang sobrang lamig nito.

"Drake? Ang lamig mo," bulalas ko at hinahawakan ang bandang leeg at noo niya. Nanginginig ang buong katawan nito at mas mariing napapikit pa siya.

Dahan-dahan akong tumindig at tuluyang tumabi sa kaniya sa kama. Inayos ko ang comforter nito at ginamit ko ang braso ko para maiunan ng kaniyang ulo.

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinahagod ang braso niya at mapalikod. Naramdaman ko na lamang ang pagyakap nito pabalik at mas lalong inusod ako papalapit sa kaniya.

Tuluyan niyang sinubsob ang mukha niya sa leegan ko at sobrang higpit ng yakap nito na tila ba sabik na sabik at wala ng bukas.

Napangiti ako ng wala sa oras at sinimulang hinaplos ang buhok niyang maitim at malambot.

"Good night, Drake."

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now