CHAPTER 10: ( The mark )

782 44 0
                                    

Chapter 10: ( The mark )

Ashlen POV.

PAGAK akong tumingin kay Drake na nakangising nakatingin sa'kin pabalik. Winawagayway pa niya ang phone ni Zeke sa harapan ko.

"Drake! Akin na yan! May tatawagan ako!" naiinis kong aniya dito.

"Kunin mo, wifey."

Mas lalo akong nainis sa kaniya. Kukunin ko daw e pinapataas naman niya ang kamay niya! Paano ba naman kasi yan, hindi ko yan maabot! Hindi naman din ako ganon katangkad tulad niya!

"Drake!"

"Habulin mo ako, wifey," sabay hagikhik nito ng mahina kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Kanina pa kami naghahabol-habulan dito. Halos mawalan na din ako ng hangin. Ang bilis kasi niya, putik!

"Kapag hindi mo yan ibigay, hinding-hindi na talaga kita papayakapin sa'kin!" sigaw ko dito ng akma na naman sana siyang tatakbo.

Napatigil ito at humarap sa'kin. Ngumuso muna ito bago ay napilitang naglakad papalapit sa'kin at inilahad ang cellphone.

Mabilis ko 'yun kinuha dahil baka magbago pa ang isipan niya. Isip bata pa naman ang utak niya. E sa pagkakaalam ko, wala namang kahit anong aksidente na nangyari para may ganyan siyang ugali. Psh!

Iniripan ko siya ng makuha iyon bago ay naglakad patungo sa sofa na hindi kalayuan.

Mabilis kong i-dial ang number ni mama dahil memorize ko din naman iyon. Mas lalo lamang akong napangiti ng wala pa sa dalawahang ring ay sinagot agad 'yon ni mama.

"Hello? Wrong number ka yata. Maling planeta kang natawagan."

Natawa ako sa bungad ni mama. Putik! "Hello, ma. Ako 'to ang anak mo."

"Ashlen?! Ikaw 'to?! Saang lupalup ka ba ng mundo napunta at hindi ka na umuwi sa bahay?!"

Napakagat labi ako. Namiss ko ang mama kong 'to. Nakakamiss ang mala-machine gun niyang bibig.

Himbis na isumbong sa kaniya ang mga kababalaghang nangyayari sa akin ay hindi ko na ginawa. Ayaw ko ding mag-alala si mama. Baka kasi mas lalo niya lang akong sesermunan o baka kung ano pa ang gawin niya at sundan ako dito.

Mabait din naman ang nakakupkop sa'kin. Mabuti nga kung ganon. Hindi tulad noon na gusto-gusto kong tumakas. Kung hindi lang dahil sa deal na makakauwi na ako, baka nga hanggang ngayon tumatakbo pa din ako mula sa mga kamay nila.

"Nagtra-trabaho po ako. Nakahanap ako ng bagong trabaho, ma."

"Aba?! Wala ka man lang pasabi! Ngayon ka pa lang din tumawag. Paano iyong photographing contest na sinalihan mo? Paano 'yung trabaho mo dati?"

Napakamot batok ako, pero bigla ding napatigil ng mapalingon ako kay isip bata na mabilis akong niyakap patalikod. Sinamaan ko siya ng tingin, pero ngumuso lang ang g*go.

"Ashlen!"

"Ma?!" Bigla din tuloy akong napasigaw. Putik e! Nakakabigla kasi.

"Sinisigawan mo ako?"

"Hindi, ma. E kasi... Ahm, may kumuha kasing kompanya sa akin, ma. Naging sekretarya ako at malaki din ang suweldo. Para din may maipadala na ako sa'yo, pero uuwi kasi ako diyan, pero sorry din dahil ngayon pa ako napatawag. Tsaka, doon naman sa dati kong trabaho, nagresign po ako," mahaba kong paliwanag dito.

Namayani ang katahimikan sa kabilang linya kaya napakagat labi ako. "Ma?" tanong ko muli. Rinig ko ang buntong hininga ni mama.

"Uuwi ka bukas?"

VAMPIRE SERIES 1| Drake Jr. MontefalcoWhere stories live. Discover now