CH [02] Infiltration Mission

193 31 3
                                    

Chapter [02] Infiltration Mission

Third Person's POint OF View

Sa kaharian ng Liufen.

Mula palang sa bukana nito, makikita na kaagad ang napaka delikadong mga thorn fence sa paligid ng pader na buong pinapalibutan ang bayan.

Bantay-sarado ang gate. May white knights na nagruronda sa labas man o sa mismong loob ng bayan.

Maraming patay na nakatambak sa malayong kuweba ng kahariang ito. Do'n nila tinatapon ang lahat ng mga katawan ng pinatay nilang mga sibilyan, mga council members ng ibang kaharian. At kahit ang Hari.

Sinusunog sa iisang lugar hanggang sa puro buto na lamang ang natira rito. Maraming bantay sa itaas ng wall ng kaharian. Sa loob ng bayan, makikita ang napakatahimik na kalsada, eskinita, at kahit sa fountain area kung saan talaga marami dapat ang naka tambay.

Puro sarado ang mga kainan, mga tindahan. Kahit aso o pusa, walang makikitang buhay na pagala-gala sa lugar, lalo na ngayon at pasikat na ang araw.

Ang taong-bayan ng Liufen, ay hindi ginusto ang paghahari ng bago nilang pinuno. Si King Leligan. Pero ano man ang pagpoprotesta na gawin nila, wala silang magawa dahil nauubos sila ng nauubos hanggang sa nagpasya naring tumigil at sumuko sa ipinaglalabang mabago ang kinabukasan.

May ilan na ginusto nang umalis sa bayan, pero bawat isa sa kanila, pinapatay ng mga guwardiya bago pa man makatakas. May ibang pinapahirapan bago paslangin. Lahat ng mga bata sa lugar, kinukuha nila, para maging alipin.

Lahat ng mga kababaihan, gano'n din.

Ang mga lalaki. Kahit matanda na, pinipilit magtrabaho sa sakahan at pinapakain lamang tuwing lilipas ang dalawang araw na walang tigil na pagtatrabaho.

Halos lahat ng mga natira sa tahimik na bayan ay maswerte dahil hindi sila nakita ng mga guwardiyang ito para dakpin at dalhin sa palasyo. Pero ilan din sa kanila'y namamatay na lamang sa gutom dahil hindi naman nakakalabas.

Tanging gabi ang nag-iisa nilang pag-asa para makakuha ng supply ng pagkain. Pupuslit sa palasyo kukuha ng tinapay o kahit ano pa mang klase ng pagkain malagyan lang ng pagkain ang kumakalam na sikmura.

Pero malas lang, kapag natutunugan ng mga guwardiya. Dahil tiyak, hindi na ito makakabalik pa sa kaniyang bahay sa bayan at gaya ng iba, magiging alipin at kung mapagtripan ay mapapatay pa.

Maraming alipin ang nakakulong sa dungeon ng Liufen castle underground. Nandito lahat ng mga sibilyan, dating mga knights ng iba't-ibang kaharian at iilang officials na nakaligtas sa galit ng Hari pero ginutom at pinatiis pa rin sa napakalupit na sitwasyong ito.

Konektado ang dungeon sa isang sementong hagdanan sa sakahan nila. Yun lang ang ginagawa nila. Magsasaka sa tuwing sisikat ang araw hanggang maghapon. Tsaka babalik sa dungeon at ikukulong do'n ng walang pagkain.

Sa loob ng palasyo, sa isang tahimik na hallway, sa loob ng mismong bulwagan ng Hari, nando'n ang isang paikot na lamesa na may puting disenyo. May nakapalibot ritong mga upuan. Nakaupo ang mga miyembro ng White cloaks bandits. At ang mismong Hari ng Liufen. Si King Leligan na magara tingnan sa kaniyang magandang kapa at gintong korona.

Mas lalong tumangkad ang binata at mas lalo itong nagiging mabangis sa paglipas ng mga taon na siya'y naging pinuno ng ganito kalaking sundalo at nangunguna pa sa digmaan.

Iniisip niya na malapit nadin ang kaniyang inaasam na pagkapanalo laban sa Vendrisal dahil 'pag nangyari yun, marami siyang plano sa mundong ito at wala ng magiging sagabal sa kaniya.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum