CH [36] Gray, White, and Dark

123 24 1
                                    

Chapter [36] Gray, White, and Dark

Ace's POint OF View

Nakabalik na kami ni Papa sa ming normal na mundo at nagulat din si Ariel nang makitang nakabalik na nga kami sa aming kamalayan.

"Ace, anong ginawa mo?" tanong naman niya. At nang mapalingon siya sa direksyon ni Papa. "Teka! Bakit nawala ang kulay ng mata niya?!"

"Kinuha ko."

"Ano?!"

Tinanggal ko ang scarf mula sa pagkakatali nito sa aking leeg, sabay marahang tiniklop sa iisang bahagi at ibinigay kay Papa. Tinanggap niya ito't bahagyang nagtaka sa ginawa ko.

"Papa." tawag ko naman rito. "Sobrang natutuwa po ako sa napakalaking sakripisyong ginawa nyo. Pero sana. Hayaan nyo na ako dito. Laban kona po itong mag-isa."

Hindi siya tumugon.

"Kung ganun, hayaan mokong tulungan kita."

"Huwag na." pigil ko din agad kay Ariel. Ngumiti ako. "Bumalik nalang kayo sa Vendrisal. Siguradong masusorpresa din sila kapag nakita nila kayo."

Ayoko silang idamay pa sa labang ito. Halos lahat na kami hindi na makakalaban pa.

Nagpasya nading tumayo si Papa at tiningnan ang hawak na bandana. Inilapat ang kamao sa dibdib ko at ngumiti. "Galingan mo. Kapag namatay ka, ikamusta mona lang ako sa Nanay mo."

Sinundot naman ni Ariel sa tagiliran si Papa kaya't nagulat ito. "Tama bang sabihin yun sa sariling anak niyo?"

Ngumiti naman ako't tumango. "Gagawin kopo."

"Isa kang magiting at may matibay na paninindigan bilang isang Knight soldier. Binabati kita. Aasahan ko ang iyong tagumpay."

Tumango naman ako. "Salamat po." nilingon si Ariel at tumango nalang din siya. "Ingat ka." tanging saad naman niya.

Umalis na sila dun, kinuha ko naman ang espada sa lupang katabi ko't buntong-hiningang pumihit kay Jiuben.

Kanina pa siya nanonood sa amin kaya't halatang nababagot na siya. Pero sa hindi ko maintindihang rason, hindi man lang siya nagtangkang atakihin ako.

"Ano bang saysay kung lalabanan moko ng mag-isa? Tumatanggi ka sa tulong ng iba. Isa yung malinaw na bagay na nababaliw kana." saad nito't gumawa ulit ng pangalawang lightning spear sa kaliwang kamay. "Tapos na ang chant dahil sa daldalan nyo kaya't hindi magtatagal matutupad narin ang layunin ng hukbo ko. Ako ang nanalo, Ace. Kaya't sumuko kana."

Tinakbo ko naman ang direksyon niya't mabilis na lumitaw sa kaniyang likuran, "Wala akong pakialam." sabay iwinasiwas pahalang sa kaliwang leeg niya ang espadang hawak ko.

Pero naiyuko din naman niya agad ito, sabay malakas na isinipa ang isang paa sa tiyan ko kahit nakatalikod pa rin, kaya't sinipa ko din naman yun pakaliwa ng kanang paa ko, sabay paikot na iwinasiwas muli ang sandata tungo pahamapas pababa sa batok niya.

Pero gumilid din siya agad pakaliwa't sabay gamit ang spear sa kaliwang kamay din, pumihit siya't pinabulusok yun ng saksak diretso sa mukha ko. Kung saan ay inihilig ko din agad yun pakanan.

Sabay binawi niya ito't ginawang lightning bolt sabay pinakawalan din pabulusok diretso sa dibdib ko. Kaya't paikot din akong kumanan at dumiretso naman ang lightning bolt nayun at tumama sa mga kahoy na kaagad ding nag-ingay nang ito'y sumabog.

Sabay gamit naman ang spear sa kanang kamay niya, mabilis din niya itong pababang iwinasiwas sa ulo ko, kaya't diniflect ko din yung pakaliwa at lumikha yun tunog ng kalansing.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz