CH [08] The Tale Of Origin

159 29 7
                                    

Chapter [08] The Tale Of Origin

Ace's POint OF View

Kinaumagahan.

Pasikat pa lamang ang araw sy bumangon na ako mula sa pagkakahiga. Ilang oras lang ang tulog ko dahil sa pagtulong sa mga mamamayan sa pag-aayos ng mga kabahayan at pagligpit narin ng mga bangkay sa paligid.

Maayos na muli ngayon ang Alfia. Kagabi palang nangyari ang pagsalakay pero halata sa mukha ng mga tao dito na masaya sila at tila ba'y wala lang sa kanila ang kaguluhan kagabi.

Lubos ang pasasalamat nila sa amin, lalo na do'n kina Noegi at Hazel. Na magkasintahan pala.

Hindi ako makapaniwalang nangyari yun habang wala ako.

Nakakainis! Hanggang ngayon, galit ako sa sarili ko.

Bakit koba hinayaang mangyari ang bagay nayun? Kung nando'n lang siguro ako. Baka hindi pa magkalakas ng loob si Noegi na manligaw kay Hazel. Kasalanan ko talaga lahat 'to. Sa pitong taon na pagkawala ko, talagang marami naman ang mangyayari, pero ni minsan hindi pumasok sa utak ko na pati ang panliligaw ni Noegi kay Hazel ay nasali pa.

Parang mali yun eh. Hindi talaga tama. Walang tama do'n. Ano ba kasing pumasok sa utak ng babaeng yun at sinagot niya ang lalaking yun. Wala naman akong karapatang manghusga. Pero nakakainis lang talaga!

"Hoy. Nakasimangot kapa kagabi. Ano bang nangyayari sayo?" Kumakain kami ni Kylo ngayon dito sa labas ng kubo ng mansanas. "Magmula no'ng marinig mong magkasintahan silang dalawa nagka ganiyan kana."

Siguradong nado'n pa ngayon sa bayan sina Noegi at Hazel paramagpahinga. Hindi rin naman masyadong marami ang napinsalang mga bahay ro'n at isa na do'n ang mga panuluyan.

"Nagseselos ako." Diretsahang tugon ko naman na ikinatawa agad nito sabay sinuntok ang balikat ko.

"Totoo? Akala ko magde deny ka." Tatawa-tawa nitong sabi sakin.

"Mangungulit ka buong maghapon kapag nagsinungaling ako, kaya mas mabuti ng diretso." Sagot ko naman at pinagpatuloy ang kinakain.

"Kamusta na kayo."

Nabigla ako nang marinig ang boses ni Hazel sa may 'di kalayuan rito kaya't hindi rin nagtagal nakita kona itong umaakyat dito sa bundok kung saan ang kubo.

Patay, nasa loob pa ang maskara ko!

Mabilis din naman akong tumakbo sa loob ng kubo at sinara agad ang pinto. Narinig kong kinakausap ni Kylo ang dalawa habang ako'y taranta namang naghuhukay sa gamit ko hanggang sa makita ko din ang maskara ko.

Sinuot ko kaagad ito at tinagong muli sa bulsa ng coat ang scarf ko.

Lumabas ako at naupo muli sa tabi ni Kylo. Nag-uusap lang silang tatlo at nang kunin ko ang aking mansanas. Kakagat na sana akong muli nang mapatigil rin ako. Napalingon din sakin silang tatlo.

Naka maskara ako kaya't halatang weird na kakagat ako. Nakakahiya!

"Tanggalin mona maskara mo. Kagabi kapa namin gustong makita na walang suot na ganiyan." Saad ni Hazel sakin nang nakangiti kaya't napaiwas agad ako ng tingin.

Alam ni Kylo ang dahilan kung bakit ayaw kong tanggalin 'to kaya't tahimik lang siyang nakatingin din sakin habang kumakain ng mansanas niya. Kainis! Di man lang ako tinutulungang magpalusot. Alam din naman niya na hindi ako pwedeng magsalita eh. Iniinis lang talaga niya ako.

"May sakit ba siya?" Tanong naman ni Noegi kay Kylo dahil hindi talaga ako umimik.

"Ah. Kasi. Nahihiya lang yan." Sabi naman ni Kylo at nilingon ako. "Pangit daw kasi siya. Maraming tigyawat sa mukha kaya't ayaw niyang nakikita ng lahat."

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now