CH [30] Dark And Blue

111 25 4
                                    

Chapter [30] Dark And Blue

Ryan's POint OF View

Naimulat ko ang aking mata nang bumalik ang aking kamalayan.

Pero labis din naman ang aking pagtataka nang mapansing hindi ito ang lugar kung saan ako kanina bago nawalan ng malay.

Sa naaalala ko, nasa Vendrisal ako at may kinakalaban kaming masamang tao. Si Jiuben.

Pero hindi ito ang lugar kung saan ang laban. Dahil sa nakikita ko, nandito ako ngayon nakatayo sa mismong pintuan ng bahay namin.

Ang bahay namin ni lolo. Panaginip lang ba 'to?

"Ryan? Buti nakadalaw ka." Nagulat ako nang marinig ang boses ni Lolo sa likod ko kaya't nalingon ko din kaagad ito.

Halos maluha na ako nang makitang muli ang mukha niya. Walang nagbago sa kanya kaya't tanda ko agad ito sa sandaling makita kopa siya.

"Lolo?" Naisambit ko naman at lumapit dito tsaka siya niyakap ng mahigpit. "Lolo. Nasa langit napo ba ako? Bakit nakikita ko kayo?"

Natawa naman siyang tinapik-tapik ang likod kong yumakap pabalik sa akin. "Matagal din tayong hindi nagkita. Ang tangkad mona pala."

Napangiti pa ako lalo nang guluhin nito ang buhok ko't sabay na nagtawanan kaming dalawa.

Kumalas lamang ako sa pagyakap matapos ang ilang segundo din. "Kung ganun, namatay poba ako?" may halong lungkot at saya ang nararamdaman ko ngayon.

Malungkot ako, dahil maiiwan kona sina Ace at ang iba pa sa Vendrisal. Pero masaya din ako, dahil sa wakas, malaya na ako sa mundong yun na puno ng pasakit at makakasama kona muli si Lolo ngayon.

Pero hinawakan naman ni Lolo ang balikat ko tsaka marahan itong umiling. "Hindi ka namatay, Ryan. May pulso kapa ngayon dahil sa mabilisang tulong sayo ng mga kaibigan mo. Kaya't kailangan mo silang pasalamatan dahil dito."

Saglit akong natahimik tsaka nadin rito ngumiting ulit. Sa pangalawang pagkakataon, niyakap ko ulit siya.

"Kung sakali ngang bumalik man ako sa mundong yun. May pag-asa poba kaming manalo kay Jiuben?" tanong ko naman rin dito.

Kumalas din ako mula sa yakap at nagbuntong-hininga naman siya't ngumiti din sa akin. "Walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang maaaring sagot sa tanong nayan, Ryan. Pero hangga't may buhay pa na nagnanais sa kapayapaan, hinding-hindi mawawalan ng pag-asa ang lahat na makamit ang bagay nayun. Pagkatiwalaan molang ang sarili mo at ang kakayahan ng mga kakampi mo. Siguradong hindi rin magtatagal, darating din ang kapayapaang matagal nang hinahangad ninyong lahat sa mundo."

Hindi ako kaagad nakatugon. Tumango naman siya't humakbang paatras ng isang beses mula sa akin kaya't bahagya akong nagtaka. Ngumiti siyang muli.

"Sana magtagumpay ka. Ryan."

Yan ang huling narinig kong sinabi ni Lolo sa akin. Bago din ako tuluyang inantok sa hindi ko malamang dahilan. Naipikit ko ang aking mga mata't dumilim din agad ang aking paningin. Tumahimik ang paligid.

At hingal naman ako nang muling maimulat ang mga mata. Nadatnan ang isang white barrier energy sa kalangitan. Nakabalik na ako!

Ngayon naman. Oras na, para tapusin ang labang ito.

***

**

*

Ace's POint OF View

"Pagod kana ba?"

Napapahid ako ng pawis mula sa aking pisngi't hingal na mag hinigpitan ang hawak sa lightning sword ko.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon