CH [23] One-On-One

133 25 3
                                    

Chapter [23] One-On-One

Ace's POint OF View

"Mukhang pinatay niya ang sarili gamit ang napakalakas na pagsabog nayun." saad ni Headmaster na akin din namang ikinatango.

Nakita namin ang taong nakamaskara na gumawa nung pagsabog. Wala na sa kaniya ang puting balabal at lalo na ang maskara niya. Kaya't nakikita na namin ang mukha niya. Sobrang laki ng pinsala sa mukha niya. Ang kaniyang mata ay nagkakulay itim. Yung banda sa matang kulay abo bago siya nagpasabog at namatay.

"Medyo nakapagtataka lang." sabi ko't nilibot ang paningin sa paligid. "Bakit naman niya naisip na magpakamatay? Hindi ganitong klase ng tao ang magpapakamatay lang ng basta-basta."

"Kung sabagay, tama ka." sangayon ng headmaster. "Pero napilitan man o kusang loob niya itong ginawa, malaki ang pinsalang kanyang nagawa."

Tama siya. Marami ang namatay at nawawala. Hanggang ngayon, hindi pa namin mahanap sina Sir Hanami. Hindi pa nagigising ang iba. At sa aming nandito ngayon na gising, talagang ako nalang ang nag-iisang kaya pang makipaglaban ng maayos.

Pero wala namang natirang white knights sa paligid. Dahil nasama din sila sa pagsabog. Marami din sila pero dahil sa lawak ng pagsabog, walang nakatakas sa atakeng yun.

Nanlaki naman ang mata ko sabay mabilis akong pumihit sa likod, at nagpaangat ng gray sand wall sabay tumama dun ang isang lava dagger.

Nagkabitak ang sand wall dahil sa lakas ng impact. At kasabay din nun ay biglang lumitaw din si King Leligan sa mismong kanan ko, at bago pa nito maigalaw ang katawan para umatake, mabilis ko ding pinagsaklop ang dalawang palad, sabay bumalot din agad ang gray sand wall mula sa paa nito pataas sa buong katawan hanggang sa leeg niya.

Kaya't napatigil ko ang kilos niya. Pero pansamantala lamang yun dahil mabilis ding kumislap ang gray eyes nito't, sabay kumawala ang malakas na gray lightning shockwave sa kaniyang katawan.

Nagkabitak ang sand na nakabalot sa kaniya't tumalsik ito papalayo't paikot na sinipa ang kanang leeg ko. Sinalag ko ang kanang braso ko rito, pero dahil may gray lightning din sa paa niya malakas yung tumama't nagpatalsik sa akin. Bumangga ako't tumagos sa nawasak na gray sand wall ko. Tumilapon ako ng halos 20 meters lang din mula rito.

Mukhang nandito rin pala ang Hari ng Liufen.

Tumayo agad ako't tinitigan si Leligan. Hinarap niya ako habang nasa likod ang headmaster, kung saan ay gamit ang kanang kamay gumawa ito ng malakas na lightning bolt at pinabulusok yun sa likod ni Leligan, pero hindi man lang ito umalis o kumilos at tinanggap ang atakeng yun.

Sumabog yun nang tumama sa likod ni Leligan. Nabalot ng usok ang paligid at pagkabitak ng lupa. Pero nang mawala ang usok tila hindi man lang naapektuhan si Leligan sa nangyari.

Nilingon nito si headmaster Yuin sabay gamit ang kanang kamay, gumawa ng lava sword sabay mabilis na sinubukang isaksak yun tungo sa mismong mukha ng headmaster. Pero mabilis din naman akong nakalapit sa gilid sa pagitan nila kumbaga nasa kanang bahagi ako ni Leligan, at nasuntok pataas ng kaliwang kamao ko ang wrist niya't gamit ang kanang kamaong nababalot ng gray lightning, mabilis ko yung iwinasiwas pasuntok sa tiyan niya't kanya ding ikinatalsik papalayo ng sobrang bilis.

Tumama ito sa mga debris sa may 'di kalayuan at mabilis ding nilingon si headmaster. "Ayos lang po kayo?" Tumango lang siya.

Nilingon ko din naman yung takot na mga medic knights na nakatago. "Dalhin nyo na ang iba sa mas ligtas na lugar. Basta malayo dito." utos ko't sinunod din naman nila ako agad.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now