CH [11] East Camp Seize • Part I

142 28 5
                                    

Chapter [11] East Camp Seize • Part I

Hazel's POint OF View

"Kung gano'n, buhay pa rin pala ang batang yun." Ngiting saad ni Komander Revin, tsaka ito mahinang natawa. "Nakakatuwa. Hindi niya ako binigo. Mukhang hindi nga talaga ako nagkamali sa kaniya."

Nakarating na kami ni Noegi pareho dito sa East Camp at ilang oras lang din, ay sisikat na ang araw. Nandito kami sa Tent at kinakausap ang Komander sa mga paghahanda at pati narin sa balitang nahanap na namin ang secret village...at tsaka pati narin yung balitang buhay pa si Ace.

"Sa tingin nyo po, sino ang pwedeng mag escort sa lahat ng mga sibilyan papunta sa entrance ng secret village?" Tanong naman ni Noegi rito.

"Siguradong si Hanami na ang bahala sa bagay nayan. Siya ngayon ang may hawak sa mga sibilyan kaya't ipapaubaya na lamang natin ito sa kaniya." Sagot nito't nilingon naman ako. "Hazel. Ayos kalang ba?"

Nagulat ako sa tanong niya, pati si Noegi ay takang napalingon din sa'kin.

"Wala po. Pa'no nyo naman nasabi?" Ngiting sagot ko naman din rito at nilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Siguro pagod na kayo. Mas mabuting magpahinga kayo saglit para—"

"Magbabantay na kami sa labas." Hindi na natapos ng Komander ang sinasabi nang mabilis ding lumabas si Noegi ng tent.

Naiwan kami ng Komander sa loob at napabitiw naman siya ng malalim na hininga. Naghalukipkip at iiling-iling. "Bakit parang nagbago bigla ang ugali ng boyfriend mo." Sabi niya.

"Po?"

"Hindi kaba nagtataka?" Ulit niya at hinarap ako. "May nangyari ba sa misyon nyo kaya siya nagkaganito? Parang masungit siya ngayon eh."

Hindi parang. Kundi masungit talaga ngayon si Noegi. At alam ko ang dahilan no'n. Sigurado ako.

Lumabas ako ng tent at naabutan si Noegi sa may hindi kalayuan at nakatingin sa ice wall na tuluyan na talagang natunaw ngayon sa paglipas ng panahon. Napapansin narin mula rito ang dahan-dahang pagsinag ng araw.

At kasabay no'n, nakita naman namin ang tila mga puting pigura na mas lumilinaw sa paglipas ng segundong nakatingin kami rito.

Lumapit ako sa gilid ni Noegi. "Mukhang nandito na sila."

Tumango lang siya at inutusan yung isang guwardiya dito banda na sabihin na sa lahat lalo na sa Komander ang panganib na paparating.

Nandito na si Liune. At mukhang higit pa sa dalawang-daang sundalo ang kasama niya ngayon. Kumpara sa unang pagdating niya, mukhang mas handa sila sa pagkakataong ito.

Mahigit 70 soldiers lamang ang meron kami ngayon. Kasama ang Komander, si Noegi at ako. Nagbigay na nga ng tulong ang ibang kampo para mas madagdagan kami pero halatang hindi rin nila pwedeng sagarin ang pagpapadala ng sundalo rito dahil may sarili din silang kampong kailangang protektahan.

200 meters ang distansya, huminto sina Liune sa paglalalakad.

Gumawa ako ng bow and arrow gamit ang enerhiya ko, at gano'n din ang ginawa ng iba pa. Habang ang iba din ay nasa frontline banda kasama si Noegi para sa close combat.

Pumanaog si Liune sa kaniyang kabayo. Naglakad paabante ng ilang metro at tumigil din naman kaagad. May hinugot itong espada sa bewang at itinaas sa ere.

Nasa tabi ko ngayon ang ilan sa mga knights at hindi mapigilan ang nanginginig na mga kamay at malalakas na paghinga.

Dito na magsisimula ang laban.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora