CH [29] Two Down

120 23 5
                                    

Chapter [29] Two Down

Ace's POint OF View

Hindi nagtagal, bigla din namang tila kumulog ng malakas sabay bigla nalang din namang mas dumilim pa ang langit. Bumuhos ang malakas na ulan.

Umingay ang paligid habang nagbabagsakan ang mga butil ng tubig sa lupa, sa semento, sa bubong, sa poste. Mas lumakas ang pagbugso ng ulan kaya't napabuntong-hininga ako.

Kasabay bigla din namang tila umilaw ng malakas ang dalawang sulok nitong lugar, kung nasan din nanggaling ang isang puting barrier energy, mabilis itong bumalot sa buong lugar at nasa loob kami nito na nakakulong.

Naharang ng barrier energy ang ulan, kaya't bumalik sa pagiging tahimik ang lahat.

Lumiwanag din ang paligid dahil sa white barrier na ito. "Mukhang nagawa nadin nila." lumapit si Sir Ruk sa gilid ko kaya't hinarap ko ito.

"Ayos lang poba kayo?" tanong ko dahil may sugat pala sa tiyan niya.

"Si Ryan ang dapat na alalahanin mo sa sitwasyong ito. Ayos lang ako." pag-iiba nito ng usapan kaya't agad ko din namang naalala yun.

Tumango naman ako't iniwan siya dun saglit. Hinanap ko agad si Ryan sa mga debris na nakakalat, mga pintong wasak at dingding na nakahiga at bitak-bitak. Hindi ko sya mahanap. Kaya't naisip kong iangat ang mga malalaking bato papalayo ng mas maingat gamit ang buhangin.

"Ryan!" Hindi nagtagal nahanap ko rin siya. Natatabunan siya ng isa sa mga pinto at wala itong malay. Dumudugo ang dibdib, bibig, at pati ilong. May sugat din sa bawat bahagi ng katawan sa mukha, lalo na sa kanyang likod.

May nakatusok na tubo sa kanang braso niya't hindi naman ito masyadong malala, pero ang dugong nawala sa kanya ang mas problema.

Masyado din kasing malayo ang ikinatalsik niya kaya't hindi malabong maging ganito ang sitwasyon niya. Maswerte nga siya at buhay pa sya hanggang ngayon.

"Anong nangyari sa kanya?" Nakita ko naman si Noegi na kararating lang. Natigil ako sa akmang pagbuhat kay Ryan at kinunotan ng noong tiningnan ang prinsipe.

"Bakit ngayon kalang?" Tanong ko rito, at biglang umiba ang timpla ng mukha niya't galit akong mas nilapitan.

"Ano bang gusto mong palabasin ha? Pinrotektahan ko si Komander Revin hanggang sa matapos niya ang barrier casting, yun ang dahilan kung ako wala dito." pagpapaliwanag din naman nito.

"Ah ganun ba?"

"Sa tingin mo naduduwag ako?"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Nagtatanong lang naman ako. Masama ba yun?" paglilinaw ko naman din dito.

"Eh parang yun kasi pinapalabas mo eh." saad pa nito.

Kinarga kona si Ryan at naglakad na paalis.

"Anong nangyari kay Ryan?" Nakasunod siya sakin.

"Kita mo naman sigurong malala ang sitwasyong niya, tapos tatanungin mopa ang problema." sagot ko rito. Mukhang hindi inasahan yun.

"Nag-aalala ako, kaya nililinaw kolang." saad pa nito sakin.

"Tumahimik kana. Hindi pa dito natatapos ang laban. Naikulong palang natin si Jiuben sa barrier. Wala pa tayo sa kalahati ng misyon kaya't alerto ka lagi."

"Ako ang prinsipe dito, kaya huwag na huwag mokong mautos-utusan." bulyaw pa nito at napaikot na lamang ang mata kong tumigil sa paglalakad at hinarap siya.

"Tumahimik kana nga pwede? Hindi tayo ang magkalaban dito. Chill kalang." pagpapakalma ko rito.

Natawa naman siya. "Kung gusto mong hindi kita maging kalaban, lubayan mona si Hazel."

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now