CH [35] I'll Save The World

131 27 5
                                    

Chapter [35] I'll Save The World

Ace's POint OF View

Apat na metro ang distansya ni Jiuben sa akin.

Dumudugo ang kanang braso ko pero mahigpit pa rin naman ang hawak sa aking espada. Hanggang kailan paba matatapos 'to? Matigas ang armor niya, nasisira ko naman ito pero kusa lang din itong nababalot muli kaya't walang kwenta.

Isang iglap, biglang may bumalot na dark sand na naman sa mga paa ko't umabot na ito sa tuhod ko. Kaya't mabilis din akong nagpalabas ng gray energy sa katawan kaya't tumalsik lang din ang mga ito papalayo.

Patalon akong umatras ng halos dalawang metro papalayo sa kaniya. Hingal ulit akong napatigil. Hindi man lang siya gumagalaw.

"Hindi kapa ba napapagod?" tanong naman niya sa akin. Kahit may sugat siya sa dibdib, wala man lang kahit kunting senyales na dinaramdam niya ito.

Napasuka ako ng dugo't mabilis ding napaluhod. Hindi kona talaga kaya. Pero, tila ba'y napuno naman ng lakas ang kamay ko dahil mahigpit pa din ang hawak ko sa espada ko.

"Alam mo bang buhay pa ang Ama mo hanggang ngayon?"

Mabilis naman akong napatingala sa kaniya sa gitna ng aking malalalim na paghingal.

"Nasa Liufen siya. At siguradong ngayon, alam narin ng iba kung ano nga ba ang tunay na layunin ng hukbo." muli nitong sambit. Nag-umpisa siyang humakbang ng marahan papunta sa akin.

Tumigil ito halos dalawang metro lang din bago muling nagsalita. "Tutal wala kana namang lakas ngayon magkukwentuhan nalang muna tayo dito kahit saglit lang."

"Nasaan si Ariel?" tanong ko na saglit naman na nagpatigil sa kaniya. Tapos ay bahagya siyang natawa't sumagot.

"Patay na siya."

"Anong patay." Nabigla kami pareho nang tila kidlat naman din sa bilis na lumitaw ang isang binatang sumabat sa aming usapan. Sa lakas ng impact ng pagdating niya nagkabitak yung lupang inaapakan niyang nasa likuran lang din ni Jiuben.

At gamit ang kanang kamay ng binatang ito gumawa siya ng isang fire sword rito't mabilis din yung pahalang na iwinasiwas tungo sa kanang leeg ni Jiuben.

Napabuntong-hininga naman si Jiuben at hindi man lang gumalaw. Hinayaan niya lang na tumama ang wasiwas ng espada't nang tumama nga ito dun, ang fire sword ang naputol at nagkapira-piraso. Hindi nasaktan si Jiuben.

"Ilang beses kobang aayusin ang kulungan mo?" sabi ni Jiuben sabay diretsong isinipa sa likuran ang kanang paa, kaya't kahit nanghihina pa'y mabilis din akong nagpaangat ng isang gray sand wall na hanggang baywang lang ang taas at dun tumama ang sipa ni Jiuben at hindi umabot sa binata sa likod.

Ginamit naman din ng binatang ito ang pagkakataong yun, para muling gumawa ng fire sword naman sa kaliwang kamay niya't sinubukan niya itong itusok sa likod ng ulo ni Jiuben.

Pero naihilig lang din pakaliwa nito ang ulo, sabay gamit ang kanang kamay na may hawak ng dark lightning spear, pihit niya itong iwinasiwas tungo sa leeg ng binatang nasa likod niya.

Kaya't mabilis din naman akong nakapagsomersault rito't, diniflect pagilid ang spear niya habang nasa ere sa pagitan nila.

Kaya't sabay din nun, itong binata'y ginawa din na isang fireball ang fire sword niya't tinutok sabay mabilis pinakawalan. Bumulusok diretso sa dibdib ni Jiuben at sumabog ng pagkalakas-lakas.

Tumalsik siya't pwersa lang ding tinigil ang pagkakatilapon nang halos anim na metro mula sa amin. Napuno ng usok at bitak ang paligid sa sobrang lakas ng pagsabog nayun.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon