CH [10] To The Rescue

173 29 8
                                    

Chapter [10] To The Rescue

Third Person's POint OF View

"Kakarating lamang ng balita, galing kay Kakojen." Bumukas ang pinto ng silid ni Jiuben dito sa palasyo at ang taong nagbukas nito'y si Finn.

Mula sa pagkakaupo ng Pinuno nilingon nito ang taong pumasok at hinayaang magpatuloy.

"Nilusob ang Fion kingdom at wala na ang lahat ng mga bihag."

"Nasa'n si Trei." Tanong ni Jiuben sa kalmadong boses na tila ba'y hindi man lang ito nagugulat kahit masama ang balitang natatanggap.

"Isang gabi at araw na siyang hindi nakakabalik sa Fion kasama ang maraming sundalo niya. Mukhang nilusob ang Fion matapos siyang makaalis rito." Sagot din ni Finn.

Namayani ang katahimikan sa silid at napahawak si Jiuben sa kaniyang baba at tila nag-iisip.

"Ano na ang sitwasyon sa Fion?"

"Marami ng White knights na pumalit sa kaharaing yun. Binabalik na nila ang seguridad sa paligid sa tulong ni Kakojen."

"Sabihin mo itigil na nila yun." Nabigla si Finn sa sinabi n Pinuno. "Siguradong wala na si Trei sa mundong ito ngayon, at gustuhin man natin o hindi, hindi na natin makakaya pang lagyan ulit ng bantay ang kahariang yun. Kapag ginawa yun ni Kakojen siguradong ang kaharian niya naman ang magiging delikado dahil nahahati ang nasasakupan niya sa dalawang kahariang masyadong malayo sa isa't-isa."

Tumayo ang Pinuno at naglakad palabas ng silid. Diretsong naglalakad sa hallway at nakasunod sa kaniya si Finn.

"Pero diba gano'n naman ang ginagawa ng Vendrisal? Nahahati sa tatlong kampo ang mga knights nila—"

"Kakaiba ang Vendrisal." Sabat din bigla ng Pinuno sa gitna ng paglalakad. "Nahahati man ang buong hukbo nila, hindi sila natitinag anuman ang gawin nyong pagsalakay. Sa tingin mo bakit kaya nangyayari yun? Pitong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon buhay pa rin sila at patuloy na lumalaban."

Natahimik at saglit napaisip si Finn sa kung ano ang maaari niyang isagot. Kahit siya man ay nagtataka din kung bakit ganito kalakas ang Vendrisal kahit kulang na kulang ang mga ito sa tauhan. Kumpara sa White knights na hawak nila, higit na mas lamang sila kumpara sa katunggaling kahariang ito.

"Yun ay dahil malalakas sila?" Tila hindi sigurado ang lalaking nakasalamin sa isinagot niya. Napahinto ng hakbang si Jiuben at hinarap si Finn na ikinagulat din naman ng huli.

"Tama ka."

Simpleng tugon ng Pinuno at iniwang tulala si Finn sa tahimik na hallway.

Lumiko ang Pinunong ito sa kanang hallway habang si Finn ay dumiretso lamang palabas nitong palasyo dahil may kailangan pa siyang gawing utos para kay Kakojen ngayon.

Samantalang nakarating din si Jiuben sa isang malaking double door at ito'y kaniyang agad na binuksan at dire-diretsong pumasok sa bulwagan ni Haring Leligan.

Naabutan nito na may kausap ang Hari kaya't nanatili ito saglit sa kinatatayuan niya dahil halatang importante rin ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Kung gano'n babalikan nyo na ang East Camp ngayon?"

"Tama kayo, King Leligan. Ito na ang tamang pagkakataon para tuluyan na nating mapabagsak ang isa sa mga kampo ng kalaban." Siya si Liune. Ang kanang kamay ng Hari.

Ngumiti ang Hari sa narinig. "Dapat lang na magawa mo yun. Dahil sa oras na hindi ka ulit nagtagumpay, ako mismo ang tatapos sayo." At naging isang nakakatakot na ngisi ang kaagad na makikita ngayon sa mukha ng Haring ito.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora