CH [37] I'm Glad You Waited

178 30 4
                                    

Chapter [37] I'm Glad You Waited

Ace's POint OF View

Nagising akong maraming dinaramdam na sakit sa buo kong katawan.

At ang pinakaunang sakit na napansin ko ay ang pagkirot ng aking mga mata, kasabay ng pagsakit din ng aking ulo't paninikip ng aking dibdib. Tila sunod-sunod na parang nagkakakonekta ang mga ito kaya't doble—hindi. Tripleng sakit ang nararamdaman ko o higit pa, sa magkaparehong sandali.

"Gising na siya. Pakitawag si Officer Caid." narinig ko ang boses babae sa paligid. Hindi ko makita ang paligid dahil may parang bendang nakaharang sa paningin ko.

Nagpumilit akong bumangon sa aking pagkakahiga't nakasapo ang isang palad sa aking noo.

"Ayos kalang ba?" nilapitan ako nung boses at napansin ko nalang na chine-check nito ang aking kondisyon.

May benda ako sa aking buong katawan. Hindi ko rin maayos na naigagalaw ang mga paa ko. Hindi naman siguro ito nabali. Nanghina lang siguro talaga ito. Teka. Ilang araw ba akong tulog?

"Ilang...araw na poba akong walang malay..?" mahina ang boses kong tanong rito. Hindi ko masyadong ramdam kung nasaan siya dahil parang nawalan ako ng kamalayan sa paligid. Sobra talaga ang panghihina ko.

"Dalawa." hindi boses babae ang narinig ko kundi pamilyar na boses ng lalaking laging kalmado. Hindi ako pwedeng magkamali, si Sir Hanami ito. Hindi ko alam kung kadarating lang ba niya o kanina pa siya nandito.

"Dalawang araw?" Paninigurado ko rito.

"Dalawang buwan." muli nitong sagot na akin din namang ikinagulat.

"Ganun ba?" Saad ko naman at napabuntong-hininga. "Mukhang...masyado ko nga talagang pinagod ang sarili ko."

Narinig ko siyang mahinang natawa. "Hindi molang pinagod ang sarili mo, kundi kamuntikan mopang mapatay ang sarili mo."

"Namatay ba ako?" tanong ko.

"Ano sa tingin mo?" tanong naman niya pabalik sakin.

"Hindi ko maayos na naigagalaw ang buo kong katawan ngayon." saad ko naman.

"Magandang senyales na nakakabangon ka. Ibig sabihin malaki ang tiyansang bumalik sa dati ang lakas mo ng hindi ka aabutin dito ng isang taong pahinga."

"Isang taon talaga hinambing nyo? Ganun naba talaga ako ka nag-aagaw buhay?"

Dumating si Papa dito sa Medical tent—yun naramdaman ko dahil mukhang bumabalik na din sa normal ang pakiramdam ko kahit hindi pa naaalis ang benda na tumatakip sa mata ko.

Sinabi nila ang mga nangyari magmula nung mawalan ako ng malay matapos matalo si Jiuben laban namin.

Dumaan ang ilang araw hanggang sa naging linggo, ilang beses nadin akong dinadalaw nina Ryan, Ariel, Lerri at ang iba pang mga guro. Pati ang headmaster napapadaan din pati si Komander Revin.

Hanggang sa natapos ang halos umabot sa dalawang buwang pananatili ko sa medical tent nayun, tinanggal narin nila ang benda sa mga mata ko at yung iba pa sa ilang bahagi ng katawan ko.

Nakalabas ako sa tent nayun at sa wakas nakalanghap nadin ng sariwang hangin.

Napansin kong inaayos ngayon ang buong Vendrisal mula sa nangyaring labanan, at mukhang kunti nalang, tuluyan na itong maibabalik sa dati. Marami ang nagtulong-tulong na mga mamamayan para rito kaya't hindi imposible na aabot lang ito ng dalawa't kalahating buwan bago matapos. Pati yung nawasak na wall malapit naring mabuo ulit.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now