CH [07] Almost Unrescued

155 26 3
                                    

Chapter [07] Almost Unrescued

Third Person's POint OF View

"Hazel?" Nabalik sa huwesyo ang dalawa mula sa matagal na pagkakatitigan nang biglang magsalita si Noegi at mukhang kakagising lamang nito mula sa pagkakahimatay kanina.

Nilapitan ni Noegi ang kasintahan at hinawakan ang magkabilang balikat nito na ikinabigla naman din ni Ace ng palihim.

"Ayos kalang ba?" Tila nag-aalala ang boses na tanong ng prinsipe sa dalaga na ngumiti lang din naman rito.

"May masakit ba sayo?" Tanong pabalik ni Hazel rito.

"Ayos lang ako." Sabay hinawakan ng prinsipe ang noo na may benda. Nilingon si Ace bago muling nagsalita. "Matapos niyang maubos ang lahat ng mga White knights sa paligid, ginamot niya ako."

Tahimik si Ace. Napalingon naman si Hazel sa bayan banda. Kung saan puno ng mga patay na katawan ng mga white knights. Lahat sila, wala ng buhay at talagang mangha ang dalagang muling tiningnan si Ace.

Sino ba ang taong 'to? Pano niya natalo ang gano'n kadaming knights sa tila maikling oras lang.

Tanong ni Hazel sa sariling isip. At idagdag pa na ginamot nito si Noegi bago dumating at tinulungan pa siyang mapatay si Trei. Hindi yun ordinaryong nagagawa ng isang binatang tulad niya.

Nilibot naman ni Ace ang tingin at nakita ang kaibigang si Kylo na kakabangon lang din sa kaniyang pagkakahimatay kaya't mabilis itong nilapitan ni Ace, at tinulungang makatayo.

"Ayos kalang?" Mahina ang boses na tanong ni Ace sa kaibigan.

"Ayos na siya. Tinakpan kona ang sugat bago pa ito lumala." Nabigla si Ace nang marinig ang boses ng dalaga sa kaniyang likuran.

Hindi niya gustong magsalita kapag malapit ito dahil baka mapansin nito ang boses niya at mabuking pa.

Tumango nalang si Ace sa dalaga na ikinapagtaka din ni Hazel pero nanatili lang itong tikom.

Lumapit si Noegi kay Ace at nilahad ang kamay niya. "Ako si Noegi. Ang prinsipe ng Vendrisal. Salamat nga pala at tinulungan mo kami." Tinanggap ni Ace ang kamay nito at yumuko.

Nagkakilala ang apat matapos ang madugong away nayun at nagtaka si Hazel dahil hindi talaga nagsasalita si Ace. Kahit ang tanungin ito sa pangalan, hindi talaga tumutugon. Kaya't hinayaan na lamang nila.

Si Kylo ay nagbigay ng mensahe sa Master nila na tapos na ang laban at pwede na silang bumalik dito sa bayan. Hindi nagtagal, dumating ang mga kalalakihang elves at sila ang tumulong para iligpit ang mga patay na katawan sa paligid ng lugar at ilibing ang mga ito.

Medyo marami ang mga kalalakihang ito kaya't medyo napapadali lang ang trabaho nila.

***

**

*

Samantala.

Nakarating na sina Commander Hanami at ang iilang mga kasama niya sa Fion kingdom.

"Isama nyo sila dito."

"May mga tao pa rito."

"Bilisan ang kilos. Kailangan nating makaalis agad."

"Commander Hanami." Napalingon si Hanami sa binatang si Ryan at ngumiti rito.

Natalo nila ang buong hukbong natira dito sa Fion kingdom. At kasalukuyan nang hinahanap at pinapasakay sa mga dalang kariton na dala-dala nila para dalhin sa kampo.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora