CH [18] Poison-User

138 26 3
                                    

Chapter [18] Poison-user

Yuin's POint OF View [Headmaster]

"H-Headmaster~!"

Nagulat akong napalingon sa gilid nang mapansin din ang nanghihinang boses nayun. Nakita ko ang nakahigang si Ryan apat na metro mula sa akin kaya't mabilis ko itong tinakbo't inangat ang ulo at isinandal sa aking palad.

Nakahawak ang isang kamay niya sa kaniyang duguang sikmura. May tila tama ng matulis na blade ang parteng yun at patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo mula rito.

Napasuka ito ng dugo kaya't kahit natataranta at nag-aalala sa kalagayan niya, nanatili akong kalmado at inikutan ng benda ang sugat niya at pinainom ng healing potion.

Maraming gasgas ang mukha't katawan niya. Pati ang kamay ay tila mayroong bali at namamaga kahit hindi ko man ito direktang nakikita.

"Anong nangyari?" tanong ko rito pero napasuka ito muli ng dugo at namilipit sa sakit. "Di bali. 'Wag mona lang sagutin."

"Hindi sila ordinaryo...malalakas sila." pilit pa rin namang sagot nito tapos ay namilipit muli sa sakit at napapikit at napapaubo.

"'Wag kana munang magsalita. Magpahinga kana." sagot ko din naman rito at hinigang muli ang kaniyang ulo sa lupa. Tumayo ako at nilibot ang paningin sa paligid.

"Headmaster." napalingon akong muli kay Ryan nang tawagin niya ako. "Anong nangyari kina...Felkon?"

Hindi ako agad nagsalita, bagkus ay lihim akong lumingon sa bangkay nang dalawang yun at hindi na nagsalita pa.

"Mas maiging 'wag kana munang gumalaw. Mas mabilis kang gagaling pag nagkataon."

May panibagong pagsabog na naganap sa paligid at dalawang tent ang sunod-sunod na sumabog. Hindi rin nagtagal may apat na white knights akong nakitang sabay na tumatakbo ngayon palapit sa akin.

May isa sa kanila ang nagbato ng lightning spear tungo sa nakahigang si Ryan, kaya't bago yun tumama mabilis din akong gumawa ng violet lightning spear at pataas na diniflect ang spear energy ng kalaban, at nang ito'y magka-level din sa dibdib ko, paikot kong sinipa ang dulong parte ng spear na ito't mabilis ding bumulusok yun pabalik sa kanila.

Tumama sa dibdib nung isa ang lightning spear na nagwasak sa katawan niya't wala ng buhay na tumalsik. Nagpatuloy yung tatlong tumatakbo papalapit.

Mabilis ding nagpakawala ng water ball energy ang isa sa kanila tungo sa akin, kaya't mabilis ko din namang ibinato pasalubong rito ang lightning spear ko't sumabog din ang mga itong nagkabanggaan sa aking harapan mga anim na metro din.

Gamit ang kaliwang kamay nagpakawala din ako ng lightning strike sa mga ito at direktang tinamaan ang isa sa kanilang tumalsik na wasak at sunog ang katawan, habang nakailag at nakapag-somersault din naman palagpas dun ang isa. Nagpatuloy pa rin sa paglapit sa akin.

At yung isa sa dalawang ito na halos pitong metro ang layo sa akin, nagpakawala ng dalawang sunod-sunod na fire daggers, kaya't mabilis ko din namang sinipa ang mga ito sa magkakaibang direksiyon ng kanang paa ko.

Yung kasama naman niya na halos limang metro nalang ang distansya sa'kin ay nakalapit din agad sa akin, sabay gumawa ng lightning sword, at patalong iwinasiwas pababa yun sa ulo ko.

Kaya't kaagad din akong gumilid pakaliwa't dumiretso ang atake niya sa lupang nasa gilid ko. Kasabay yung kasama naman niya'y nakalapit din, at gamit ang fire spear na hawak, inakma niya itong itutusok sa dibdib ko, kaya't gamit ang kaliwang kamay, nasalo ko ang spear nito't gamit ang kanang palad na nababalot ng enerhiya, malakas kong paabanteng isinampal yun sa mismong mukha niya't agaran din nitong ikinatalsik na halos durog ang mukha sa lakas ng pwersa.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now