CH [06] The Secret Village Incident • Part III

162 28 3
                                    

Chapter [06] The Secret Village Incident • Part III

Third Person's POint OF View

"Noegi!" Sigaw ng dalaga nang makita niyang tumalsik papalayo ang prinsipe matapos itong direktang matamaan sa ulo ng maso ni Trei.

Sa lakas no'n at sa impact ng pagbagsak talagang maliit ang tiyansang makabangon pa ito kaagad kaya't halata talaga ang pag-aalala ni Hazel sa kalagayan ng kasintahan.

Hindi rin nagtagal mabilis na kinuha ng katabi niyang binata ang sandata nitong patpat sabay tinakbo ang nakatalikod pa ngayong si Trei. Pero halatang nagulat ito at napahinto sa pagtakbo nang umugong ang napakalakas na pagsabog ng isang gray lightning strike na pinakawalan sa mismong bayan nayun.

Umilaw ito ng napalakas kaya't halatang nagulat din pati si Hazel at si Trei dahil do'n nadin nakatutok ang mata niya.

Hindi ba talaga maubos ubos ang mga Tested-user nayan?

Galit namang sabi ni Trei sa isip. Hinarap niya ang direksiyon nina Hazel pero sumalubong sa kaniya ang bumubulusok na nag ro rotate na patpat. Sa bilis nito direkta yung tumama sa dibdib ni Trei kaya't kumawala agad ang malakas na shockwave power sa patpat nayun sabay tumalsik papalayo si Trei. Pero nanatili pa rin itong nakatayo at napwersang mapahinto ang pagkakatilapon siyam na metro ang distansya mula sa kinatatayuan kanina.

Hahawakan na sana nito ang patpat sa lupang kasabay niyang tumalsik, pero tila magnet itong lumutang mag-isa't bumalik sa kamay ng binatang may-ari nito, kung saan ay nasa harapan na din mismo ni Trei.

Mabilis ding paikot na iwinasiwas pababa ng binata ang patpat sa bunbunan ni Trei, pero nasampal lang din nito ang patpat pakanan gamit ang kanang kamay din niya.

Sinubukang paikot namang ini swing ng binatang si Kylo ang kaliwang paa tungo sa kaliwang pisngi din ng kalaban, pero nasampal lang din ni Trei yun pababa ng kanang kamay ulit. Sabay gamit ang kaliwang kamay, mabilis niyang inakmang hahablutin ulit ang collar ni Kylo.

Pero mabilis ding nakatalon paatras ang binata ng isang metro kaya't hindi ito naabot ng mataas na braso ni Trei. Mabilis din namang umabante si Trei sabay paikot na iwinasiwas ang kanang paa tungo sa kanang tagiliran din ni Kylo.

Kaya't mabilis din namang nakapag somersault ang binata palagpas kay Trei at lalapag sa likuran nito. At habang nasa ere pa rin ito banda sa may likuran ni Trei, paikot nitong iwinasiwas pahalang ang patpat tungo sa kanang sentido ng nakatalikod na kalaban.

Pero ilang pulgada nalang sana'y tatama na ito nang mabilis ding pumihit paharap si Trei sa binata't gamit ang kaliwang kamay nahawakan niya ang patpat kaya't napigil niya ito. Sabay hinila yun kaya't gulat na nadala si Kylo.

At bago pa man din ito makapalag, nahablot na ang collar nito ng kanang kamay ni Trei sabay mabilis na inangat sabay pababang inihampas ang ulo diretso sa lupang nasa likod lang din banda ni Trei.

Napakalakas na pagkabitak ng lupa ang naganap at kumawala ang malakas na shockwave blast at sa lakas ng pagkakahampas nayun halos umabot sa limang pulgada ang pagkakabaon ng binata sa lupang yun. Nawalan ito agad ng malay sa sobrang lakas at walang nakakaalam kung buhay paba ito ngayon o hindi na rin humihinga.

"Ngayon. Ikaw na ang susunod." Nang pumihit paharap si Trei sa direksiyon ni Hazel nabigla siya dahil wala na do'n ang dalaga.

Dahil ag dalaga'y lumitaw sa likuran niya rin mismo at nagkaiwas lamang sila. Inakay ni Hazel ang katawan ni Kylo na walang malay sa lupa at kaagad din itong namalayan ni Trei. "Wag mokong iisahan!" Sigaw nito't sabay patalong sinipa nito pababa ang nasa likod, pero nakagulong din agad papalayo si Hazel bago pa siya masama sa sipa at matulad dito sa binatang yakap-yakap niya.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now