CH [16] Broken Friendship

148 28 9
                                    

Chapter [16] Broken Friendship

Ace's POint OF View

Nagising ako.

Hindi sa gitna ng gubat kundi dito sa loob ng isang tent. Bumangon ako't naramdaman agad ang masakit sa aking buong katawan. Ang bali sa'king balikat, ang sakit ng ulo't ang hapdi ng aking mata. Ang mga sugat sa aking katawan na puro balot ng mga benda.

Ako lang mag-isa dito sa loob nitong tent. Lumabas ako't nakita ang sirang paligid. Nandito ako pa rin sa East Camp. Nag-umpisa akong maglakad sa paligid.

Maraming knights ang nandito. Siguro mula sa ibang kampo nanggaling. Maayos na ang paligid, kumpara sa mga sirang lupa mula sa mga pag-atake.

Maayos na muli ang base. May mga kawal nang nagbabantay sa paligid.

Hindi nagtagal may lumapit sa'king isang knight soldier at kaagad ako nitong binati. "Officer Sekival. Mabuti at gising na kayo. Pero hindi papo kayo dapat naglalakad sa ngayon dahil apat na araw po kayong tulog."

Nabigla ako sa sinabi nito. Kaya pala masyado nang nagbago ang East Camp. Nawala na rin yung katawan ng dambuhalang ahas dito. Teka lang. Kung apat na araw na akong tulog, ibig bang sabihin nailipat na nina Sir Hanami ang mga sibilyan at ang Hari sa secret village?

"Kailangan kong makita ang Komander."

"Pero."

"Pakiusap."

Napabuntong-hininga ito't wala naring nagawa kundi ang pumayag. "Sumunod po kayo."

Nakarating kami sa isang bandang gilid ng gubat hindi lang din kalayuan dito sa kampo. Dito pala ginawa ang panibago nilang big tent.

Nagpasalamat ako sa knight na naghatid sa'kin na umalis na din kaagad dahil kailangan pa nilang sabihan ang iba na gising na ako, kaya't hinayaan kona.

May nakaharang na kurtina rito kaya't nagbitiw muna ako ng hininga bago din ito hinawi't humakbang papasok sa loob. Naabutan ko silang nag-uusap paligid sa isang bilog na mesa. Napansin nila ang pagpasok ko kaya't naudlot ang kanilang diskusiyon.

Nandito si Headmaster Kang. At siya ang kausap ngayon ng Komander.

Yumuko naman ako rito na kaagad din niyang tinanguan pabalik. Nandito din si prinsipe Noegi, katabi lang din niya si Hazel na tila ba'y natuwa nang ako'y makita. Pero nang siya'y mapansin ni Noegi kaagad din siyang nag-iwas ng tingin at bahagyang yumuko.

"Hindi ko lubos akalaing nagawa mo ang ganito ka delikadong bagay, bata ka." Nalipat sa Headmaster ang tingin ko nang ito'y magsalita. "Kung nagkataong hindi nandun ang prinsipe, siguradong natuluyan kana."

Napalingon ako kay Noegi at ngumiti sa kaniya. "Mabuti nga talaga at nandun siya." Sabi ko naman pero pansin kopa rin ang matalim na titig nito sa akin ngayon.

Si Noegi ang dahilan kung bakit ko natalo si Kakojen. Kung hindi dahil sa ginawa niya para malihis saglit ang atensiyon ng kalaban, malamang hindi na ako humihinga sa ngayon. Baka nasa langit na talaga ako.

"Alam moba kung ano na ang nangyari kay Kakojen?" Tanong naman ng Headmaster sakin.

Nabalik ko naman ang tingin sa kaniya. "Sa huling natatandaan ko, ginamitan ko siya ng Power dimension. Tsaka ko kinuha ang kapangyarihan niya tapos...tapos tinusok ko ng daliri ang mata niya. Nadala ako sa galit ko kaya ko nagawa yun." Yukong sabi ko naman.

Lumapit sakin ang Headmaster at hinawakan ako sa aking balikat. "Kung ganun tama ang lahat ng mga sinabi samin ni Kakojen."

Nabigla akong napaangat ng tingin rito nang sabihin niya yun. "Anong ibig nyong sabihin?"

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant