CH [33] Faith Over Gamble

103 25 5
                                    

Chapter [33] Faith Over Gamble

Jeshin's POint OF View

Halos isang minuto lang din ang lumipas matapos makapasok sa dimensyon ni Hanami si Jiuben. At ilang sandali lang din, biglang bumalik sa tunay na mundo ang mga katawan at pag-iisip nila matapos yun.

Tumalsik si Hanami papalayo habang ang isa'y napaluhod sa lupa at tabon ang isang kamay sa kanyang natitirang mata. Huwag mong sabihing. Wala ng mata ngayon si Jiuben?

"Hanami, anong nangya—" nanlaki ang mata ko nang makita ang kalagayan ni Hanami. Kaagad ko syang nilapitan at kapansin-pansin ang pagbulwak palabas ng dugo sa sugat sa tiyan niya. Tagos yun sa likod kaya't kahit anong pressure ang gawin ko, hindi pa rin tumitigil ang pagdurugo.

"Hanami. Huminahon kalang. Kaya mo yan. Ililigtas kita." pagbibigay-lakas na sabi ko rito pero napangiti lamang siya.

Tutok ang mga mata sa kalangitan habang walang tigil ang pag-agos ng dugo sa kanyang bibig.

Hinayaan kong mangyari 'to. Naging pabaya ako. Kung sanang mas maayos kong nalabanan si Jiuben, baka...

"Kung sisisihin mo ang sarili mo, isasama kita sa hukay ko. Tandaan mo yan." nabigla naman ako nang sabihin yun ng nanghihinang boses ni Hanami.

Tapos ay binaling niya ang tingin sa akin. "Kung may oras kang magreklamo sa pagiging pabaya mo, pwes gamitin mo yun para patayin si Jiuben."

"Pero kailangang may gumamot sa sugat mo." saad ko pa rito. Dahil dun ay mahina niyang isinuntok ang kamao sa dibdib ko.

"Kaya ko ang sarili ko." saad naman niya.

Kasabay bigla namang naglaho ang barrier energy sa paligid kaya't napatingala agad ako rito. Hindi maaari. Sa pagkakataong ito, malamang tatakas si Jiuben dahil sa kondisyon niya.

Pero hindi namin siya hahayaang makalayo. Kailangan namin siyang pigilan. Pero nung akmang bubuwelo na ako para sana tumakbo palapit sa kanya, isang dark sand naman ang biglang bumalot sa dalawang binti ko.

At bago kopa rin ulit mamalayan, nasa harapan kona siya't isang harapang sipa diretso sa mukha ang natanggap ko. At ang mas nakakagulat, mayroon pa ring dark lightning energy ang sipa kaya't sobrang lakas pa rin ng pagkakatalsik ko.

Napasuka ako ng dugo't hinugot muli ang aking lakas para mabilis na makabangon, sabay paikot ibinato ang isang lightning dagger sa kanya. Pero mabilis lang din niya itong nailagan. Tumakbo ako palapit pero isang dark sand wall naman ang humarang sakin. Muntik na akong mabunggo kung hindi lang din agad ako nakahinto.

Sabay sinubukang paikot na dumaan sa gilid at nang makalusot ako, nagbato ulit ako ng dalawang lightning dagger sa kanya. Pero nasampal lang din niya ang mga ito papalayo't sabay sinipa ang sugat ni Hanami. Nagulat ako at sabay din ang malakas na pagsigaw ng kaibigan ko.

"Buwesit ka!" sigaw ko't takbong nagpakawala ng lightning strike kay Jiuben, pero mabilis din niyang ikinumpas paangat ang isang kamay't humarang din agad ang isa na namang sand wall.

Sumabog ang kidlat sa wall nayun na lumikha ng usok.

Mabilis naman akong nagsomersault palagpas sa wall nayun at pinalabas ang summoned spear sabay paikot na iwinasiwas yun pahalang sa leeg ni Jiuben.

Kaya't mabilis din naman siyang patalong umatras ng halos anim na metro mula kay Hanami. "Ayos kalang ba?" Tanong ko rito at hindi rin naman siya nakasagot. Dahil dun ay inis ko namang binaling muli kay Jiuben ang tingin ko.

"Papatayin kita." sabay mabilis na tumakbo papalapit sa kanya.

At nang ako'y makalapit pahalang kong iwinasiwas ang sandata sa kanyang leeg pero mabilis din itong yumuko't abanteng gumulong. Nang nasa likod kona siya banda na nakaluhod pa rin ang isang tuhod, mabilis niyang isinampal sa lupa ang dalawang palad, at mula dun ay nagpakawala siya ng isang malakas na dark lightning shockwave.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now