CH [20] One Blow

132 30 5
                                    

Chapter [20] One Blow

Ace's POint OF View

Kung hindi ako nakaabot. Malamang wala na rin sa mundong ito ngayon si Dengki. Malayo palang nakita kona ang berdeng usok na bumabalot dito sa kampo.

Kaya't mabuti nalang talaga at naabutan kopa si Dengki, kahit masyado na talaga akong nahuli ng dating. Asar! Kung mas maaga lang sana akong umalis sa West Camp. Pero ano nga ba magagawa ko kung sakali. Ewan. Basta. Nakakainis lang talaga.

"Hoy." tawag ko kay Dengki na napatingala naman din sa aking likod. Nandito pa rin ako sa tuktok ng sand wall. Nilingon ko siya ng nakakatakot na titig. "ayos kalang ba?"

Natulala siya saglit at tila ba'y maluluha na ito maya't-maya. Mukhang masakit ngayon ang pinagdadaanan niya. "Ace. Nahuli kana." naiiyak nitong saad at napayukong napapunas ng mata at tila ba'y hindi na rin nito kayang tumayo pa ngayon dahil sa panghihina.

Dahil dun ay napalingon ako sa direksiyon kung nasaan ang patay na mga katawan nina Felkon at Alden. Nakilala ko sila agad dahil nahawi ng malakas na bugso ng hangin ang mga balabal na nakatabon sa kanilang katawan.

Napaiwas naman ako ng tingin. "Alam ko. Pasensya na." malungkot kong sambit kaya't naririnig kona ang mahihinang hikbi ni Dengki.

Unti-unti nang bumabalik sa kinatatayuan namin ngayon ang lason na usok. At mukhang wala naring sapat na lakas si Dengki na protektahan ang sariling 'wag malanghap ang mga ito.

Tiningnan ko muli ang lalaking may kagagawan ng gulong ito, at sa akin lang din ito nakatingin. Simula pa kanina na nakita niya ako.

Tapos ay nalipat ang aking mata kay Headmaster Yuin. Base sa mukha niya. Parang nahihirapan siya. 'Wag nyang sabihing nalanghap niya ang lason na nandito? Ano pa man ang nangyari, masyado naman siyang naging pabaya. Diba poison-user din siya?

Nang halos dalawang metro nalang ang distansya ng poison smoke sa aming palibot ni Dengki ngayon, binalik ko sa lalaking naka salamin ang titig ko. At gamit naman ang kanang kamay, gumawa agad ako ng gray lightning energy rito't mabilis yung kinuyom sa aking kamao kaya't saglit tumahimik ang enerhiya, pero nang muli ko yung malakas na maibuka, kumawala ang napakalakas na lightning shockwave mula din sa kamay ko't mabilis yung nag-expand at kumalat sa buong paligid ko.

Nagkabitak ang mga lupang nadadaanan ng kidlat kasabay ng malakas na bugso ng hangin. Nahawi ang usok papalayo, hanggang sa tuluyan din itong nawala at biglang luminaw muli ang buong paligid nitong kampo.

Narinig kong pumalakpak ang lalaking naka salamin sa akin. "Napakahusay. Hindi ko lubos akalaing nailayo mo ang mga usok nayun sa iisang galaw lang. Hindi yun nakakaya ng isang normal na Knight Soldier. Ah teka. Hindi ka pala normal."

Tapos ngumisi ito't gamit ang energy spear na hawak sa kamay, kasing bilis ng kidlat niya itong inihagis tungo sa mismong mukha ko. Pero apat na metro pa lamang ito, kinumpas ko agad pataas ang isang kamay't umangat din bigla ang isa na namang mas mataas na gray sand wall ngayon sa kinatutungtungan ko. Tumama't tumagos ang spear niyang yun sa wall, pero nang ito'y malapit na sa akin mahina na ang bulusok nito kaya't mas madali ko itong nasalo agad.

Sabay bahagyang inihagis sa ibabaw at paikot na sinipa ito pabalik sa kaniya. Tumagos din ang spear sa wall na ginawa ko pero wala man lang nagbago sa bilis ng bulusok nito dahil ganun pa din ang dalang pwersa.

Halatang hindi inasahan nito ang atake dahil kung hindi lang siya nagmadaling gumilid agad, malamang sa dibdib niya mismo tatama ang spear nayun at hindi lang sa kaliwang bahaging tagiliran siya nito madadaplisan.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now