CH [09] Kiss Of Forgiveness

183 30 9
                                    

Chapter [09] Kiss Of Forgiveness

Ace's POint OF View

"Ayos kalang? Ano bang pinag-usapan nyo ni Master kanina?" Bungad na tanong sakin ni Kylo nang makababa na ako sa bundok at nandito na sa kubo.

"Nakapagpaalam kana ba kay Master?" Tanong naman nito ulit at tumango ako.

Nagbuntong-hininga siya at mukhang nasa likod niya ang bag ko at binigay niya ito sa akin. "Mag-iingat ka sa paglalakbay mo." Bilin niya sakin.

Mabilis ko naman siyang niyakap na kaniya din namang ikinagulat at ngumiti naring tinapik-tapik ang likod ko. "Namiss mo naman ako agad." Sabi niya at nang kumalas na ako sa pagyakap sa kaniya ngumiti ako.

"Alam kong marami na tayong pinagdaanan sa pitong taon na magkasamang nag-eensayo. Kaya't kahit ano pa man ang mangyari, hindi talaga kita makakalimutan."

Sinuntok niya ng mahina ang dibdib ko at tumawa. "Sinabi moba yan kay master?"

Natawa ako't tumango din. "Kayong dalawa ang naging pamilya ko no'ng mga oras na nag-iisa lang ako. Kayo ang nagturo sakin ng maraming magagandang bagay. Kaya't salamat talaga at tinulungan nyo akong muling makabangon at lumakas. Lalong-lalo na si Master Greyham."

"Greyham?" Takang tanong naman niya at napangiti ako. Halatang hindi niya alam ang kompletong pangalan ni Master kaya't sinabi ko rin yun sa kaniya.

Kinuha kona ang bag ko sa kaniya at tumakbo na pababa ng bundok.

"Nasan yung maskara mo? Hindi moba dala?" Pahabol nitong tanong.

"Hindi na kailangan." Sagot ko naman din.

"Natuto ka rin." Natawa naman ako sa isinagot niya.

"Kung maging malungkot ka man. Wag kang mag-alala dahil maraming darating na mga bagong mukha rito, kaya i enjoy mona lang."

"Dapat maraming magaganda ipadala nyo rito." Sagot naman niya bago ako tuluyang nakalayo.

Naabutan ko sina Hazel at Noegi sa may entrance ng bayan at nagpapaalam na sa mga taong-bayan.

"Kuya Ace? Aalis napo ba kayo? Hindi napo kayo babalik?" Natigil ako sa patakbo nang mapansin ang isang bata sa tabi ng kalsada. Kilala niya ako dahil suki namin ang mama niya sa tinda naming gulay. At naging kaibigan ko rin ito.

Ngumiti ako at pinantayan siya ng tingin tsaka ko rin hinaplos ang kaniyang buhok. "Sinong nagsabi na hindi ako babalik?"

Natuwa siya sa sinabi ko. "Kung gano'n babalik po talaga kayo?"

"Tama ka. Bibisita ako rito. Kaya't dapat maghintay ka sakin okay? Hindi man bukas o sa susunod. Tandaan mo na bibisita ako rito. At magkikita tayo ulit. Pangako."

"Reg?" Tawag naman ng mama nito sa kaniya.

Kumaway ang mama niya sa akin at gano'n din naman ang ginawa ko sa kaniya. Niyakap ako ni Reg bago ito tumakbo sa mama niya.

"Ace?" Rinig kong may tumawag naman sa akin at nang malingon ko ito, si Hazel pala yun.

Natigil ako pero ito naman talaga ang gusto ko. Ang makita niya ako.

Tumayo ako ng maayos at kahit hindi pa man din ako nakakadalawang hakbang palapit mabilis na niya akong nalapitan at kaagad na niyakap na akin din namang lubhang ikinagulat.

Nalilito ako. Bakit niya ginawa 'to? Narinig ko ang hikbi niya habang yakap-yakap ako kaya't nang matingnan ko si Noegi, seryoso ang titig niya sakin. Hindi siya nagsasalita pero alam ko na sa titig nayun, hindi yun magandang senyales.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now