CH [28] Simultaneous Assault

113 24 4
                                    

Chapter [28] Simultaneous Assault

Haori's POint OF View

Sa utos ng Hari. Tuluyan din naming nasakop ang buong Liufen kingdom.

Wala ang mga malalakas na bantay o miyembro ng white knights o ang sundalo ng Liufen, kaya't walang naging mahirap sa trabaho namin ngayon.

Siguradong nasa Vendrisal ang mga kalaban dahil wala kaming ni isang naabutan na bantay dito. Sinuyod namin ang buong lugar, pero wala talaga.

Ang mga bihag lamang sa dungeon ang naabutan namin na amin ding agad na pinakawalan na kanila naman ding ikinasaya. Malaya na sila ngayon kaya't natural ang mga abot-langit na ngiti nilang muling makakamtan ang kalayaang matagal-tagal ding nawala.

Gabi na ngayon kaya't marami na sa amin ang nakataas ang mga kamay na may hawak-hawak na sulo bilang ilaw sa mga mamamayan na lumalabas dito sa bayan.

"Handa naba tayo sa pag-alis?" tanong ko sa isang knight.

At nang ito'y sasagot na sana ay bigla din namang lumapit si Lance na akin din namang ikinapagtaka.

"Ang bulwagan ng Hari. Hindi pa rin mabuksan." Napakunot-noo ako rito at nilagpasan siya.

"Akala koba kanina nyo pa yun ginawa?" saad ko naman at sumunod siya.

Itong sa bulwagan lamang ang hindi pa namin natitingnan dahil nga nakasara ito. Pero sinabihan kona naman si Nenibi na buksan na ito. Nakapagtataka lang dahil hanggang ngayon hindi pa rin sila tapos doon.

Narating ko ang pinto ng bulwagan, kung saan nadatnan ko sina Kenko at Nenibi na pilit pinapasabog ang pinto rito. Pero kahit anong gawin nila'y tila hindi naman yun nagkakaroon ng epekto.

"Ano bang nangyayari dito?" Tanong ko naman at agad din nila akong napansin. Hinihingal sila.

"Hindi pangkaraniwang barrier spell ang nakabalot sa bulwagang ito." Saad naman ni Nenibi, at inilapat ang palad sa pinto kung saan may nakikita akong red energy na nakabalot nga sa buong pinto.

"Bakit hindi yung pader ang winasak nyo."

"Pati ang pader, mayroon ring barrier. Kaya't wala pa ring epekto." sabat din ni Kenko at napabuntong-hininga ako.

"Tumabi kayo." utos ko sa kanila. Nagsialisan naman sila at lumapit ako sa pinto at nilapat ang dalawang palad ko rito.

Sabay nagpakawala ng isang malakas na lightning shockwave at kumalat yun sa buong pader lalo na dito sa pinto.

Isang red lightning energy ang bumabalot sa paligid, kaya't hinalo ko ang violet lightning ko rito't sabay muli yung inipon dito sa pinto banda. Ang nagkalat na mga lightning barrier ay napunta na ngayon sa iisang lugar na walang iba kundi itong pinto.

Matapos ay hingal din naman akong napaatras dahil sa pagod na aking naramdaman.

"Ang galing." hindi maiwasang komento ni Nenibi.

"Ngayong wala na ang energy barrier sa pader, pwede naba yang mawasak?" tanong ko naman at ginawa na nga yun nila na madali lang ding natapos.

Pumasok kami sa loob ng bulwagan gamit yung malaking butas na ginawa namin sa pader nito. Madilim ang paligid, kunting ilaw lang ang nakikita namin at ilang parte lang din ng silid ang naaaninag namin dito.

Hanggang sa mapansin din namin ang isang pigurang nakaupo sa trono na tila kanina pa pala nakatitig sa amin. Kaya't sa sobrang gulat napahinto agad ako't namalayan din yun ng mga kasama ko.

Sa kulay ng mata ng pigurang nakaupo sa trono, mukhang pamilyar siya. At nang gumawa naman ito ng isang fireball sa kanang palad at tinapat ito sa mukha niya, nanlaki hindi lang ng mata ko, kundi kaming lahat na nandirito ngayon.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now