CH [04] The Secret Village Incident • Part I

155 28 4
                                    

Chapter [04] The Secret Village Incident • Part I

Hazel's POint OF View

Umabot ng kalahating oras ang paglalakbay namin sa gubat. Hanggang sa makarating din kami sa isang lawa.

Nagtaka kaming lahat, naglibot ng tingin sa paligid pero wala kaming nakikitang kahit anong lagusan dito, o ang kahit koneksiyon man lang sa secret village.

Pero nang matingnan ko si Trei, hawak-hawak sa kanang kamay ang isang rare stone na nag go glow kanina pa. Mabilis niyang inihagis sa mismong gitna nitong lawa ang batong yun, at nabigla kami ng kasabay paglubog ng bato sa ilalim ng lawa. Mabilis ding tila lumindol kaya't naalarma kaming lahat.

Kasabay bigla ding nag alon ang lawa sa aming harapan hanggang sa makabuo ito ng isang circle shaped na tila salamin na tubig sa aming harapan ngayon.

Malapad ang circle shaped na tubig na ito at nakatayo sa harap namin lalo na kay Trei dahil siya naman ang nasa unahan eh.

May nabubuong imahe sa tila salamin na tubig na ito at namangha talaga ang ilan sa amin ng makita ang tila malaking bayan na pinapakita doon.

Medyo madilim, pero malinaw pa rin naman naming nakikita kasi kung sa video quality pa, naka full HD talaga ito sa sobrang linaw. Tapos malaki pa.

Ang rare stone namang ibinato ni Trei kanina sa lawa ay kusang bumalik sa kaniyang paanan at ngisi naman niya itong pinulot do'n at hinarap kaming lahat. "Makinig kayo! Sa oras na makapasok tayo sa secret village, 'wag na 'wag kayong papatay kahit isang buhay man sa kanila. Kilala ang elves bilang magagaling na mga blacksmiths kaya't kung may masaktan man sa kanila, ako mismo ang tatapos sa inyo. Hulihin nyo lang sila at sakupin ang buong bayan. Maliwanag ba?"

Nagsigawan silang lahat kaya't hindi nagtagal, nauna nang pumasok si Trei sa loob ng tila portal patungo sa secret village.

Matapos no'n ay sunod-sunod na din ang mga katabi naming pumapasok dito kaya't nagkatinginan kami ni Noegi.

Isa kami sa huling pumasok sa water portal at hindi nagtagal nakarating nga kami sa ibang dimensiyon.

Isang water portal din ang nilabasan namin sa gilid ng isang malaking lawa.

Mula sa may 'di kalayuan, nakita na namin ang bayan na napapalibutan ng mga kahoy mga halos 400 meters ang layo sa amin ngayon. Hindi namin maiwasang mapalingon sa buong paligid, at napakaganda ng tanawin dito. Lalo pa at medyo elevated ang bahaging ito na lawa na lagusan namin.

Maliwanag ang sinag ng buwan kaya't tila napakapayapa ng paligid ngayon. Napakatahimik.

Habang papalapit kami sa bayan, parang wala kaming napapansing nakasigang ilaw sa bawat bahay nito. Kahit street lights sa kalsada wala kaming makita.

No'ng halos nasa 50 meters nalang kami sa may entrance nitong bayan, biglang naitaas ni Trei ang kamay sa ere ng nakakuyom, kaya't mabilis din kaming lahat na napatigil.

Nasa bandang likuran kami ni Noegi nakapwesto ngayon kaya't hindi namin alam kung ano ang nangyayari ngayon sa bandang harapan.

"Anong nangyayari?" Matapang talaga si Noegi dahil may tinanong siyang White knight sa harapan niya. Hindi nag-iingat eh.

"May pigura sa mismong entrance ng bayan. Mukhang pinipigilan tayong makapasok." Mabuti nalang talaga at hindi siya nakikilala at sinagot naman siya ng walang kahit anong halong pagdududa.

Ano daw? Pigura?

Nagkatinginan naman kami ni Noegi at parehong nalito.

Sumuksok kami sa mga knight hanggang sa mapunta din kami sa likurang bahagi ngayon ni Trei. At nakita ko ang isa ngang pigura sa entrance na ito na nakatayo.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now