CH [27] Dark Sand Clones

124 24 5
                                    

Chapter [27] Dark Sand Clones

Ace's POint OF View

Walang nagbalak magsalita ni isa sa amin. Tahimik kami't walang galaw na maririnig o makikita. Isinasabay ang bawat paghinga sa tuwing humahakbang siyang lumalapit pa sa amin.

"Hindi ba tayo makikita dito?" Naibulong naman ni Ryan kaya't tinapat ko kaagad ang aking hintuturo sa labi ko, para mapatahimik siya.

Nandito kami sa eskinita lahat nagtatago. Hindi kami umaalis o tumatakbo dahil tiyak makikita kami ni Jiuben sa may 'di kalayuan.

Alam kong responsibilidad ko ang lalaking yun. Pinangako ko sa kanilang lahat, na ako ang tatapos sa kanya, dahil sa simula palang. Siya naman talaga ang dahilan kung bakit naging ganito 'to.

Nasa loob na ngayon ng village si Jiuben at mag-isang naglalakad. Kung ano o sino man ang pakay nito, malaki ang posibilidad na ako yun.

"Ano na ang gagawin mo?" tanong naman sakin ni Sir Ruk. Kaya't nalingon ko ito.

"Alam kong nangako akong ako ang bahala sa kanya, pero mukhang hindi pala talaga ganun kadali yun kapag nasa mismong harap mona. Kailangan ko ang tulong nyo." saad ko rito at napangiti naman si Komander Revin.

"Kung ganun, ito ang magiging plano." Si Headmaster naman ang sumabat at tinipon kami. "Ikukulong natin siya sa isang Spell Barrier. At kasama ka dun, Ace." tumango naman ako sa sinabi niya.

Tapos ay nilingon niya sina Ryan, at Noegi. "Kailangan nyong manatili sa labas ng barrier para ligtas kayo anumang oras."

"Hindi pwede." bigla namang tutol ni Noegi na ikinabigla naming lahat. "Lalabanan ko si Jiuben."

"Hindi yun magandang ideya, prinsipe." sabat ni Komander Revin pero nilingon lang siya nito.

"Hayaan nyo na siya." Sabi ko naman, at gulat si Noegi na napatingin sa akin. "Babantayan kona lang sya sa loob."

"Anong akala mo sakin, batang walang alam?" pikon na sumbat sa akin nito kaya't inawat din agad siya ni Hazel.

"Sa laki ng barrier na gagawin, kami na ni Revin ang bahala dun." saad ng headmaster.

"Anong barrier poba ang gagamitin?" tanong ni Ryan.

"Yung pinakabago."

"Hindi yun pwede." tutol agad ni Komander Revin.

"Yun lang ang tanging barrier na makakatapat sa kalaban natin. Bukod sa naikukulong natin siya pansamantala sa loob nito, mawawalan ng kahit kunting porsyento ang buong normal na lakas niya. Ibig sabihin, mapapahina natin siya kahit kunti lang."

"Pero hindi pa yun nasusubukan."

"Susubukan natin."

"Naku naman."

"Ano poba ang gagawin para magawa ang barrier?" tanong ko naman dahil pakiramdam ko, malapit na kaming matunton ni Jiuben ngayon. Maikling plano lang ang dapat naming gawin ngayon dahil bilang na ang aming mga oras.

"Bigyan mo kami ng sapat na oras. At ang lokasyon ng dalawang barrier caster ay dapat magkakatapat sa kabilaang dulo para magawa ng maayos ang barrier curtain. Kaya moba kaming protektahan hanggang sa magawa yun." hindi ako agad nakatugon sa tanong ng headmaster.

"Huwag kang mag-alala. Tutulong din naman kami." saad ni Sir Ruk.

"Gagawin kopo ang lahat. Kaya't sana maging matagumpay ang huling laban na ito." saad ko't napangiti si headmaster. Ginulo ang buhok ko.

"Aasahan ko ang magiging tagumpay natin. May tiwala ako sayo." sabi niya na akin din namang ikinatango.

Nilingon ko si Hazel at napatingin din siya sa akin. Saglit kaming nagkatinginan na ikinainis naman ni Noegi.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum