CH [26] Sunset

122 27 4
                                    

Chapter [26] Sunset

Ace's POint OF View

Tumatakbo kami ngayon ni Sir Ruk pabalik sa direksyon kung saan ang ligtas na parte nitong bayan.

"Dito." sinundan ko ang tinuro nito kaya't ilang liko sa bawat kabahayan din ang aming ginawa bago tuluyang narating ang tagong eskinita na piangtataguan nila.

Gising na silang lahat nang kami makarating din. At nang magtama ang paningin namin ni Noegi, nanlisik agad ang kanyang mata't nilingon din agad si Hazel na nasa tabi lang din niya.

"Mabuti naman at gising nadin kayo." bulong ni Sir Ruk.

"Ano bang nangyari?" nakahawak sa ulong tanong naman ni Ryan at nilingon ako. "Ayos kalang?" at nagawa pa talaga niyang isipin ang kalagayan ko.

"Ayos lang. Kami nga ang nag-alala sa inyo eh." tugon ko din naman sa kanya.

Kasabay nun ay biglang tumayo si Noegi at hinarap ako. "Anong ginagawa mo rito?" Diin nito sa akin at nagkatitigan naman kami. Sobrang lapit ng mga mukha't bago pa may mangyaring hindi maganda, nakatayo narin si Hazel at hinatak paalis si Noegi mula sa akin.

"Pasensya na." Hindi lumingon sa akin na tugon naman nito't tila hindi naman makapaniwalang napalingon din sa kaniyang gawi ang prinsipe.

Napabuntong-hininga naman si Komander Revin at tumayo nadin at nilapitan ako. "Ano ba ang nangyari?" mahinahon nitong tanong sa akin.

"Yung nakamaskarang kasapi ng White cloaks bandits. Siya ang lumikha ng napakalakas na pagsabog na ito." report ko sa kanya.

"Nasaan sya?" tanong naman nito.

"Patay na sya." si Sir Ruk na ang sumagot rito. Napatingin na sa kanya ang Komander. "Ginamit nyang nagsisilbing tangke ang katawan habang nag-iipon ng kapangyarihan rito, tsaka niya ito malakas na pinakawalan at sumabog. Dahil narin sa tulong ng gray energy, mas malakas ang pagsabog na nangyari."

"Kung ganun, pinatay niya ang sarili, para lang makagawa ng ganung klase ng pag-atake? Ano sya baliw?" sabat naman ni Noegi.

"Hindi baliw ang lalaking yun." sabat din naman ni Sir Ruk at nilingon ang prinsipe. "At hindi niya kagustuhan ang ginawa niyang pagpapasabog sa sarili dahil hangal lamang ang gagawa nun."

"Kung ganun, bakit pa rin niya ginawa?" tanong naman ni Ryan.

"Dahil yun sa kulay-abong mata niya." diretsong sagot naman ulit ni Sir Ruk. "Kapangyarihan niya ang binigay niya sa lalaking yun pati kay King Leligan. Kaya't kontrolado din niya ang utak nito. At kayang-kaya niya silang gumawa ng ganun, kahit anong oras niya man ito gawin. Ako lang at si Kakojen ang may alam sa sikreto ni Jiuben. Kaya't kahit kailan, hindi ko naisip pangarapin ang magtaglay ng ganung hiram na kapangyarihan, lalong-lalo na sa kanya."

Ibig sabihin? Pati ako, kontrolado din ni Jiuben? Pero bakit hindi man lang niya ito ginawa sa akin? Bakit hindi niya ako pinatay agad kung kayang-kaya na pala niya?

"Kontrolado niya ang mga Tested-user niya. Maliban sayo." sabay turo niya sa akin na akin din namang ikinabigla. Maliban sakin? "May kakayahan kang pigilan si Jiuben na makapasok sa utak mo, kaya't alam na niyang espesyal ka, higit pa sa iba." dagdag pa niya.

Ganun pala.

"Teka lang. Nasaan na pala ang mga kalaban?" tanong naman ni Noegi.

"Naubos na sila. Nasama kayong lahat sa pagsabog nayun kaya't iilan lamang ang nakaligtas." sagot ko din naman habang hindi ito tinitingnan.

"Si Leligan?"

"Patay narin siya." sagot kopa ulit dito, at dahil sa tila hindi na niya napigilan ang inis, bigla niya akong muling nilapitan at hinawakan ako sa aking kwelyo na ikinaalarma naman ng iba.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon