CH [25] Sir

114 28 3
                                    

Chapter [25] Sir

Ace's POint OF View

"Nasaan sina Sir Hanami?" tanong ko sa kanya. Nalingon niya ako't saglit na nilibot ang tingin bago ako muling tiningnan.

"Hindi ko alam." Tsaka ito muling nilingon si Leligan. "Ang importante ay ang matalo ang lalaking nasa harap natin ngayon. Kaya mong kunin ang kapangyarihan niya diba?"

Tumango naman ako. "Pero hindi ko alam kung magagawa koba siyang maipasok sa dimensyon ko." May pagdadalawang-isip naman ding tugon ko.

"Walang problema." sabay nagpalabas ito ng napakalakas na enerhiya't nilabas sa kanang kamay ang summoned sword niya. "Magagawan natin ng paraan yan."

"Pero paano kung hindi natin kaya?" Saad ko naman.

"Edi direkta nalang natin siyang tatapusin. Kapag may pagkakataon, bakit hindi natin gawin?" sagot din naman nito.

"Ano bang pinag-uusapan nyo diyan?" tanong naman ni Leligan sa amin.

Hindi kami umimik rito. At tila kidlat sa bilis namang tinakbo ni Ruk ang direksyon nito, at nabigla ako sa pangyayaring yun.

Napangisi si Leligan, sabay lumitaw din si Ruk sa harapan nito't paikot na iwinasiwas pababa ang espadang hawak, napatalon paatras si Leligan kaya't diretso sa debris ang hiwa't nagkabitak din ito sa lakas.

Nakababa si Leligan sa lupa't tumakbo ng ilang metro palayo kay Ruk.

"Sumunod ka." utos ni Ruk sakin bago sinundan ang kalaban kaya't napakilos narin ako.

Sa gitna ng takbo ni Leligan, bigla din ulit lumitaw sa harap niya si Ruk na sabay iwinasiwas muli pahalang ang espada tungo sa kaliwang leeg ng binatang Hari, pero naihilig din agad ni Leligan ang leeg.

Sabay iwinasiwas muli ni Ruk ang espada, pahilig pababa tungo sa kanang leeg ni Leligan pero mabilis din namang nakagilid ang huli pakanan kaya't sablay pa rin ang atake ng kakampi ko.

Sabay gamit ang kanang kamao ni Leligan, pinaliyab niya ito't buong lakas na pinabulusok tungo sa mukha ni Ruk, pero nadeflect din naman niya ito ng pisngi ng espada niya pakaliwa din at tumaginting ang sandata niya.

Sabay isinipa ni Ruk ang kanang paa tungo sa sikmura ni Leligan, pero nadeflect din yun pababa ng kaliwang kamay ng huli, sabay paikot na ini-swing pahalang nito ang kanang paa tungo sa kanang pisngi ni Ruk.

Kaya't mabilis din namang ginamit niyuko nito ang ulo't, sabay abanteng iwawasiwas na sana ang espada sa kaliwang tagiliran ni Leligan ang espada, nang mabilis din namang iwinasiwas pataas ni Leligan ang lightning spear sa kaliwang kamay tungo sa mukha ni Ruk.

Sa gulat nito naiatras niya ang hakbang sabay isinalag ang espada, pero sa bilis nun, hindi niya nasundan ang pwersa ng atake't natamaan ang kaniyang espada't tumalsik iyun paitaas.

Mabilis naman akong tumakbo palapit sa kanila.

Nang nasa ere pa ang espada ni Ruk kasabay ng pagtingala niya rito ay ang pag-somersualt din niya rito pataas, sabay paikot na sinipa ang dulong bahagi ng hilt nito pababa diretso sana sa mismong mukha ni Leligan.

Sa kabila ng lakas ng lightning na kasama sa pagbulusok ng espadang yun, nagawa pa ring naihilig ni Leligan ang leeg pakaliwa. Dumiretso ang espadang yun sa likod niya pababa sa lupa, pero lumitaw din agad ako sa likuran ni Leligan.

Sabay nasalo ang hilt ng espadang ito gamit ang kanang kamay't bago pa tuluyang tumarok sa lupa, sabay paikot yung iwinasiwas pahalang tungo kaliwang leeg ni Leligan.

Pero nung sandaling halos isang pulgada na lang sana ang distansya bago tuluyang mahiwa ang kanyang leeg, bigla din namang sinalubong ni Leligan ng kanang kamay ang mismong espadang ito, sinakmal ang blade nito't gamit ang napakalakas na gray lightning energy, tuluyan niyang nabitak at naputol ang espadang yun ng sariling mga kamay lang.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now