CH [12] East Camp Seize • Part II

137 26 5
                                    

Chapter [12] East Camp Seize • Part II

Third Person's POint OF View

"Second platoon, humanda! Salakay!"

Sigaw ni Liune at isa na namang panibagong isang daang white knights ang tumakbo pasulong sa kampo ng prinsipe.

Kasabay no'n ay panibagong pagpapaulan na naman ng mga malalaking fireballs mula sa kumpol ng maraming sundalo at paparating na ang mga ito sa kabilang panig, na halatang nabibilang na lamang ang mga natirang sundalo kahit sa unang yugto pa lamang ng atake.

"Noegi!"

"Alam ko Komander!" Sabay gamit ang dalawang kamay ng prinsipe, mabilis nitong ikinumpas ang dalawang kamay pataas, pasalubong sa mga naglalakihang apoy na ito na babagsak sa kanila.

Kumawala ang napakalakas na enerhiya ng prinsipe't tila naipon ang mga ito sa kaniyang dalawang palad. Bumulusok mula naman do'n ang isang malakas na bugso ng malamig na hangin na kagaya sa isang bagyo.

Sa lakas no'n nawala agad ang mga fireballs sa ere nang ito'y maabutan ng malakas na ice breeze. Kumalas ang hangin sa paligid at napapayuko ang mga kasama niya sa gilid at sa likod lalo na yung mga kalaban sa hindi kalayuan sa sobrang lakas nito.

Kumalas ang lupa sa sobrang lakas ng hanging ito at nagkakabitak din. Napapaatras naman sina Hazel at ang Komander kasama ang iba pang tauhan sa lakas nito. Lumalamig ang temperatura sa paligid at nang itutok ng prinsipe ang mga palad kina Liune at Kakojen, mas lumakas at bumibilis ang bugso ng ice breeze.

Lahat ng madaanan ng ice breeze lalo na yung second platoon na kasalukuyang lumalapit sana sa kanila ngayon ay hindi na natuloy dahil nababalot na ng yelo ang buong katawan nila sa kanilang mismong kinatatayuan, at kita sa kanilang mga mukha ang takot sa nangyayari. Para silang mga estatuwa sa gitna ng battlefield na napapaligiran ng niyebe dahil sa tila dumaang bagyo.

Nakalapit kina Liune ang ice breeze hindi nagtagal, pero inextend lamang ni Kakojen ang kanang kamay habang nakabuka ang palad, at sinalubong ng napakalakas na fire energy field ang paligid ngayon ng mga tauhan niya kaya't hanggang do'n na lamang ang ice breeze ng prinsipe.

Nagsanggaan ang ice breeze at ang fire energy field ni Kakojen para protektahan ang mga tauhan na matulad, sa isang-daang tauhan nila ngayon.

Patuloy pa rin naman ang kanilang pagpapakawala ng mga giant fireballs pero hindi na ito umaabot pa sa posisyon n prinsipe, at nagiging yelong bato na lamang sa kalagitnaan ng bulusok sa ere at bumabagsak sa gitna nila. May malas na natatamaan ng mga ito sa naging yelong white knights nina Liune.

Nagpipilit namang itulak pa ng prinsipe ang malakas na ice breeze nayun sa kalaban, pero hanggang do'n nalang talaga sa bandang harapan ni Kakojen ito aabot dahil din sa napakalakas na enerhiya ng lalaking ito.

Hanggang sa natigil ang prinsipe sa pagpapakawala ng kapangyarihan niya kaya't pati si Kakojen ay gano'n nadin ang ginawa.

Napabuga ng malalim na hininga ang prinsipe at bahagyang napayuko sa pagod na nararamdaman.

Magaling ang ginawa ni Noegi sa pagpigil sa isang-daang white Knights na ito. Pero ang sunod na nangyari hindi talaga nito inasahan.

"Magaling ka." Nanlaki ang mata ng prinsipe't naiangat ang ulo sa harap pero isang malakas na sipa pataas ang sumalubong sa kaniyang panga kaya't tumalsik ito pataas palayo sa kanila't tumama sa isang sunog na tent. Tumalsik pa palabas sa kabilang side at pumagulong ng lagpas 30 meters ang distansya.

Galing kay Kakojen ang sipang yun kaya't nagulat sina Hazel at Komander Revin sa nangyari.

May spear naman agad na nakuha ang Komander mula sa lupang balot ng snow sabay paikot nitong iwinasiwas pahalang ang sandata tungo sa mismong dibdib ng kalaban. Pero mabilis lang ding niyuko ni Kakojen ang katawan kaya't hindi ito tuluyang natamaan ng mabilis na spear swing.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now