CH [15] East Camp Seize • Part V

147 30 3
                                    

Chapter [15] East Camp Seize • Part V

Ace's POint OF View

Nang humupa ang usok nagkatinginan muli kami ni Kakojen. Nakikita ko ang nag-uumapawng enerhiya sa katawan niya. Tila ba'y ramdam na ramdam ko mula rito ang init na nagwawala ngayon sa katawan niya.

Humakbang ako ng isang beses hindi paabante kundi paatras. Napansin ko ang pagngisi niya't humakbang din ito paabante. "Natatakot kana ba sakin?" Tanong nito na hindi ko naman tinugunan at nagpatuloy sa aking ginagawang hakbang paatras.

Siya din nama'y gano'n. Sinusundan niya bawat distansyang ginagawa ko kaya't nang tumigil din ako gano'n nalang din ang biglang pagkilos niya't, sa isang iglap lang ay nakalapit na agad sa harapan ko.

"Hindi naman kita papatayin dahil kailangan kapa ng Pinuno namin. Kaya sa ngayon, bugbog lang muna ang aabutin mo sakin." Sabay harapan nitong pinabulusok ang kanang kamaong nababalot ng enerhiya, kaya't mabilis din akong nagpaangat ng isang gray sand wall sa pagitan namin.

Do'n tumama ang suntok niya't kasabay nang pagkawasak nito, nakatalon na ako't pababang iwinasiwas ang sipa ng kaliwang paa tungo sa bunbunan niya. Pero mabilis din nitong naiharang ang kaliwang braso sa ulo't do'n lang din tumama ang sipa ko.

At nang makalapag muli ako sa harap niya, pinabulusok niya ulit ang kamao tungo sa mukha ko, kaya't mabilis ko ding nasampal yun pakanan ng kaliwang kamay, sabay gamit naman ang kaliwa niyang kamao, pahalang niya itong ini-swing tungo sa kanang sentido ko kaya't siniko ko din yun agad pataas ng kanang braso ko.

Sabay gamit muli ang kanan niya, muli niya itong isinuntok sa dibdib ko, pero mabilis ko ding naihilig pakaliwa ang aking leeg sabay paikot sa kaliwa ding gumawa ng sand dagger sa kaliwang kamay't, isinaksak yun sa kaniyang kanang tagiliran pero nakaatras din naman agad siya't kamuntikan lamang yun.

Sabay umabante naman ako't iwinasiwas din ulit yun pahalang sa tiyan niya pero sadyang mabilis siyang nakaatras ulit. Kaya't mabilis ko din namang kinumpas kanang kamay pataas kaya't umangat ang isang gray sand wall sa likuran niya't do'n din siya napasandal na kaniya namang ikinabigla.

Sabay kinuyom ang kanang kamao't nabalot din ng gray sand ang dalawang paa nito, sabay gamit ang kaliwang kamay ginawa kong lightning bolt energy ang sand dagger na hawak ko't mabilis na abanteng sinubukang malapitang ipatama ang atakeng yun sa dibdib niya.

Pero ngumisi lamang ito. At bago kopa tuluyang mailapit sa kaniyang dibdib ang lightning bolt kumawala ang malakas na blast sa katawan niya't nakawala ang dalawang paa sa sand na nakabalot rito bago tila bulang nawala. Dumiretso ang lightning bolt sa wall na kaagad din nitong ikinasabog at ikinasira't kasabay bigla ding paglitaw niya sa kanan ko.

Sabay paikot nitong iwinasiwas ang kaliwang paang balot ng red energy at direktang tumama sa batok ko. Nagkabitak ang kinatatayuan naming dalawa't kasabay kumawala ang napakalakas na shockwave na kaagad ko din namang ikinatalsik padiretso ngayon.

Nagpagulong-gulong ako halos lumagpas sa 90 meters ang layo at ilang ice statues din ang natamaan ng katawan ko bago natigil sa pagkakatalsik dahil sa atakeng yun.

Hindi uubra ang gano'ng klase ng atake sa kaniya. Ano pabang aasahan ko? Tumayo akong muli't parang nabali yata ang leeg ko sa lakas no'n pero mabuti nalang naka attached pa rin naman ang leeg ko sa katawan ko.

"Kaya mopa ba?" Tanong ni Kakojen sakin. Pero hindi mula sa aking harapan kundi sa aking mismong likuran kaya't gulat akong napapihit rito.

Pero wasiwas ng kanang kamao niya ang sumalubong sakin at tatama na ito sa bandang kaliwang sentido ko, kaya' gulat man ay nagawa ko pang maiharang agad ang kaliwang braso ko't malakas pa rin naman ang impact ng suntok nayun pero nanatili akong nakatayo't hindi tumatalsik.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon