CH [14] East Camp Seize • Part IV

154 28 2
                                    

Chapter [14] East Camp Seize • Part IV

Third Person's POint OF View

"Nabibilang moba?"

"Sampung white knights nalang ang natirang nakatayo. Kasama sina Kakojen at Liune."

Napapailing na lamang si Revin sa kaniya ngayong nakikita. "Bakit ba ngayon lang siya dumating kung kaya pala niyang ubusin mag-isa ang mga kalaban?"

"Komander. Hindi naman po gano'n kadali ang ginagawa niya. Wag po kayong basta magpakampante." Tama ang sinabi ni Hazel sa Komander.

Iniisip ng lahat na sa ganitong klase ng kapangyarihang pinapakita ni Ace, sigurado na sila na madali lamang itong gawin ngunit nagkakamali sila.

Hindi nagpapahalata si Ace sa nararamdamang mga saglit na pagkirot sa dibdib at sa mata niya.

Hindi biro ang kalabanin ang ganito karaming sundalo ng mag-isa. Pero ginawa niya ang lahat para umabot sa ganito. Pero sa ilang taong pag-eensayo, tila bay nasanay na siya sa mga sakit na ito at miminsan hindi pa niya ito nararamdaman at mas lumalakas pa siya.

"Ano pang hinihintay mo, hulihin mona ang prinsipe." Utos ni Kakojen sa katabi. Pero hindi man lang ito tumugon at nanahimik lang. Diretso ang tingin kay Ace kaya't nagtatakang nilingon siya ni Kakojen. "Hindi moba ako narinig?" Ulit nito.

Hindi pa rin tumugon ang kausap bagkus ay napakuyom ito ng kamao't bigla na lamang yung nabalot ng violet lightning energy sabay tumakbo tungo kay Ace.

Baliw siya.

Tanging naisip ni Kakojen habang pinagmamasdan ang pagtakbo nito palapit sa binatang kasalukuyang nakikipaglaban sa natitirang mga white knights.

"Hindi ko kayang manood lang habang pinapatay mo mga tauhan ko! Mamatay ka!" Sigaw ni Liune no'ng halos tatlong metro na lang ang distansya niya mula sa bandang kanan ni Ace.

Yung huling white knight na sundalo nila ay kasabay din namang patalong iwinasiwas pababa ang spear tungo sa bunbunan ni Ace mula sa harap niya.

Kaya't mabilis ding sinampal ni Ace pakanan ang spear nayun ng kanang kamay niya, kaya't dumiretso ang spear sa mukha ng papalapit ding si Liune. Kaya't napaatras agad ito para hindi maabutan ng spear.

Sabay paikot ding sinipa ng diretso ni Ace yung white knight sa mukha't tumalsik agad ito papalayo habang nasalo naman niya ang spear sa kamay.

Sabay paikot na inihagis tungo kay Liune ang sandata, pero gamit ang kanang kamay nagpakawala din ito ng napakalakas na violet lightning strike, sinalubong ang pagbulusok ng spear, nasira ito't nadurog ng pinong-pino sabay dumiretso ang kidlat kay Ace.

Pero no'ng isang metro nalang sana ang kidlat ay mabilis din namang ikinumpas pataas nito ang dalawang kamay't umangat agad ang matibay na gray sand wall sa kaniyang harapan at ito ang sumalo sa kidlat.

Sumabog ang paligid at nagkabitak ang lupa't bahagyang nagkabitak din ang wall pero hindi ito tuluyang nakalagpas.

Sa magkapanabay namang pagsabog nayun kinumpas muli patulak ni Ace ang dalawang kamay kaya't bumulusok din ng sobrang bilis ang wall na nasa harap niya ngayon patungo kay Liune.

No'ng akmang iiwas na sana si Liune sa bumubulusok na wall, mabilis din namang kinuyom ni Ace ang dalawang kamay niya kaya't may agad ding bumalot na mga buhangin sa dalawang paa ni Liune.

Nagulat ito sa nangyari at huli na ang lahat dahil tuluyan nading tumama ang wall sa kaniya't kaagad nitong ikinawasak at ikinatalsik naman ni Liune.

Umabot siya sa harapan mga tatlong metro at mga isang metro mula sa gilid ni Kakojen sa pagkakatalsik at napapahawak sa kaniyang dibdib.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now