CH [32] Still Unbeatable

116 25 4
                                    

Chapter [32] Still Unbeatable

Hanami's POint OF View

Naiinis ako.

Kung hindi lang sana ako natagalan bago magising, malamang may naabutan pa kaming mas mahalagang pangyayari dito.

Hindi namin alam kung ilang oras kaming tulog dalawa ni Jeshin, pero alam naming marami na kaming nakaligtaang mga bagay sa labanan dito.

Kahit medyo late, nagawa pa rin naman naming mailigtas si Ryan, pero halatang masyado na siyang pagod ng aming maabutan at masyado ng na-drain ang lakas nya. Oo. Alam kong ginamit niya ang lakas ng demonyo. At labag sa rules ang ginawa niya.

Isang rules na sa kanya lang pupwede. Ang una, huwag makinig sa boses ng demonyo. Pangalawa, huwag ding makipag-usap rito. At pangatlo, huwag makipagkasundo sa demonyo o gamitin ang lakas nito sa isang labanan.

Pero sa naramdaman ko kanina, hindi lang nya nilabag ang rules nayun, kundi pinahamak rin nya ang sarili niyang buhay.

Muntik na ngang mawala ang presensya ni Ryan eh. Pero mabuti, nagawan pa rin ng paraan.

Nandito kami ngayon sa gitna ng mga ruins ng Vendrisal. Puro wasak na kabahayan ang nakikita ko. Ang barrier naman. Hula ko, ang headmaster ang may kagagawan nito. Magaling ang naisip nilang ikulong dito si Jiuben.

"Hanami? Jeshin?" sabay naman kaming napalingon ng kasama ko sa likod, nang makita si Ruk na dumating. Gulat ito habang nakatingin sa amin, at masaya din na malamang ligtas kami.

"Ayos kalang ba?" tanong ko naman din sa kanya. Pansin ko kasing nanghihina siya.

"Ah. Kunting sugat lang naman 'to. Huwag nyo kong alalahanin." sagot din niya at mabilis na tiningnan si Ryan. "Ayos lang ba sya?"

"Tamang-tama ang dating mo. Pwede mobang dalhin sa mas ligtas na lugar si Ryan?" sabi ko naman din rito at tumango siya.

"Ako ang bahala." sabay binuhat na nya ito.

"Nasaan na sina Ace? Ayos lang ba sila?" pahabol naman ni Jeshin rito.

"Nakaligtas sila sa pagsabog. Pero ang problema, masama ang kalagayan nila ngayon."

"Ang mahalaga humihinga pa sila." sabat ko naman at  nagpalabas ng espada ko. Ang summoned sword ko sa aking kanang kamay. "Umalis kana, Ruk. Bilisan mo at huwag ka munang babalik dito hangga't maaari. Maliwanag ba?"

Tumango naman siya't huling tumingin kay Jeshin bago nadin tumalikod. "Mag-iingat kayong dalawa." huling sinabi niya bago nadin ito mabilis na tumakbo paalis.

"Bakit ba hindi kayo mamatay-matay." narinig ko namang bulong bigla ni Jiuben. Nagbuntong-hininga ito't tumingala sa kalangitan. Ipinikit ang isang mata bago din yumukong muli.

Sabay tila sumabog ang paligid niya nang bumulwak din ang napakalakas na dark energy sa katawan niya. Umabot hanggang dito ang shockwave ng kumawalang enerhiya sa kanya na nagpaalerto din agad saming dalawa ni Jeshin.

Sa lakas ng enerhiyang ito, tila nalilipad na pataas ang buhok ni Jiuben pero halatang kalmado ang ekspresyon nito pero ang mata'y nagpupuyos na sa sobrang galit.

"Wala na akong oras para makipaglaro pa sa mga tulad nyo. Isang minuto lang. At patutumbahin kona kayo." babala naman nito sa amin. Kaya't napakunot-noo akong napaatras ng isang beses.

"Hanami?" napansin ni Jeshin ang bahagyang kaba na naramdaman ko. Pero nang tingnan ko naman siya, pinilit niyang huwag magpaapekto at buong tapang na tiningnan pabalik si Jiuben.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant