CH [34] Behind The Mask

119 23 4
                                    

Chapter [34] Behind The Mask

Ace's POint OF View

Naglalakad ako ngayon mag-isa sa gitna ng gubat. Halos limang minuto nadin ang nalalakad ko mula sa wasak na gate side ng Vendrisal.

Kung tama ang pagkakasabi ni Sir Ruk, nandito sa gubat nato matatagpuan ang nagtatagong si Jiuben. Ang totoong si Jiuben.

Masyado niya kaming nilinlang sa mga sand clones niya. Kasing lakas niya lang ang mga ito at hindi man namin aminin, talagang wala kaming ka ide-ideya na pekeng Jiuben pa pala ang kinakalaban namin na muntik na naming lahat ikamatay.

Si Hazel at Noegi ay wala pa ring malay hanggang sa mga oras na iniwan ko sila dun. Pati si Ryan at Sir Hanami, ay ganun din. Halos hindi na nga sila humihinga sa lala ng nararamdamang pagod sa katawan.

Nagising ako bago sina Noegi o Hazel, sa tila hindi ko maintindihang dahilan. Siguro... dahil hindi naman vital spot ang natamaan ng atake sa katawan ko, kaya't mabuti naman kung ganun.

Sina Sir Ruk at Sir Jeshin naman, malala din ang mga sugat sa katawan at siguradong magiging sagabal lamang ang mga ito kung makikipaglaban pa sila. Lalo na kung si Jiuben ang kakaharapin nila. Hindi talaga yun magandang ideya 'pag nagkataon.

Ganun din ang kalagayan ng dalawang barrier caster. Pagod nadin sila sa pagpapanatili lamang sa barrier nayun. Hindi naman yun naging epektibo pero, walang saysay kung may magsisihan pa. Nagkakamali ang lahat. At hindi naliliban ang lahat sa pagkakamaling ito.

Pero kahit na ganun, hindi yun totally naging useless dahil kung sakaling hindi nabuo ang barrier, malamang naging full-extent ang lakas ng mga sand clones ni Jiuben sa pagkontrol sa mga ito. At dahil nga nasa labas siya ng barrier at nasa loob ang kinokontrol niya, medyo humihina ang lakas ng mga ito sa dapat inaasahan niya.

Ayun sa libro, may kakayahan ang barriers na ma intercept ng paunti-unti ang mga koneksyon o enerhiyang tinatransmit palabas at paloob rito. Kaya't kung wala ang barrier, malamang naubos na kami sa loob.

Hay.

Buti hindi talaga fully useless yun lahat.

Natigil naman ako sa paglalakad nang may mapansin din akong puting pigurang nakatalikod ng upo ngayon sa harap ko, almost 50 meters ang distansya sa akin. So that's Jiuben.

Sa distansya ko, at sa awrang nilalabas niya ngayon, alam na alam kong siya na nga ito. Kahit kunting hakbang lang siguro, malalaman na niya na nandito ako.

"Inaasahan kong mahahanap mo ako, pero pansin kong natagalan ka naman yata." O talagang kanina pa niya alam na nandito na ako. Kahit paparating palang ako pansin na niya yun.

Tumayo naman siya sa pagkakaupo habang nakatalikod pa rin sa akin. Lumalakas ang presensya niya habang mas tumatagal.

Ilang sandali, ay nagpasya itong pumihit at humarap sa akin. Walang kahit anong galos o sugat sa mukha. Malinis ang damit nito at halatang walang kahit na anong bahid ng pagkapagod sa kaniyang mukha.

At nanlaki nalang din ang aking mga mata nang sa isang iglap lang din, halos isang pulgada nalang ang distansya ng mga daliri niya sa mga mata ko. Kaya't kaagad ko ding hinilig pakanan ang ulo ko.

Dumaplis pa rin sa sentido ko ang kuko nito kaya't humapdi agad yun at nagsimulang labasan ng dugo.

Sabay patalon akong umatras ng halos tatlong metro sa kaniya, kung saan din ay nagpakawala naman siya ng tatlong sand spears tungo sa akin.

Kaya't gumawa din agad ako ng gray sand wall naman sa harapan. Pero diretso lang ang pagtagos ng mga ito sa wall at diretsong dumaplis sa kaliwang tagiliran ko yung isa. Dumaplis din naman sa kanang binti ko yung isa't patungo naman sa noo ko yung panghuli.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon