CH [22] Suicide

166 28 7
                                    

Chapter [22] Suicide

Ace's POint OF View

Hindi ko alam kung ilang minuto lang akong nakatayo dito sa harapan ng pinto. Matagal-tagal nadin akong hindi nakabisita sa bahay na ito.

Ang dami kong naaalala rito. Yung panahon na, una akong nandito. Yung panahon na, dito ko muling nakita si Hazel. At yung panahon na dito kami unang nag duel ni Noegi. At nakilala si Komander Revin pagkatapos.

Nakita ko rin ang hardin dito na mukhang hindi na talaga naaalagaan, dahil narin sa tagal ng panahong ito'y na abandona.

Nang tinulak ko ang pinto lumikha ito ng maingay na tunog. Maraming alikabok sa sahig, sa dingding. Marami ng sapot ng gagamba sa kahit saang sulok nitong kisame.

Bawat hakbang ko, dumidikit ang alikabok rito kaya't nagkakaroon ako ng footprint dun. Pumapasok sa ilong ko ang baho ng alikabok kaya't ilang beses din akong napapa-haching. Kaya't ginamit kona lang na pantakip ang bandana sa leeg ko, at nagpatuloy na sa paglilibot sa bahay.

Nakarating ako sa pintuan ng dating kwarto ko. Tinulak ko rin ito pabukas at gaya kanina, maingay din itong sumiwang at nakita ko ang pamilyar na silid sa harap ko. Maalikabok nadin ito at mukhang mas malala pa nga.

Hindi na ako tumuloy rito at diretso namang umakyat din sa second floor. Dito sa hallway, may isang kwarto at binuksan ko rin. Nakita ko sa loob ang ilang gamit nina Mama at Papa. Pumasok ako at nakita ko sa sife table ang isang picture frame. Balot ito ng sapot kaya't pinunasan ko ito ng aking kamay at napatitig sa litrato.

Ang litrato ay ang aking batang mukha. Nakangiti kahit hindi pa kompleto ang ngipin. Nasa bisig ako ni Mama at si Papa ang kumuha ng litrato. Kaya wala siya rito.

Hindi kona matandaan kung ano ang edad ko nang mga panahong ito. Napabuntong-hininga ako't nilinis muna ang side table bago muling nilagay dun ang picture frame.

Sa huling pagkakataon, nilibot ko ang paningin sa paligid at tsaka nadin nagpasyang lumabas.

"Sabi na nga bang ikaw talaga yun."

Pero nagulat naman ako't napalingon sa gilid. Nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng hagdanan pababa. Hindi ako kaagad nakatugon rito habang titig kami sa isa't-isa.

Kailan pa siya nakarating dito? Nang bumaba naman sa hawak niyang bag ang tingin ko, nalaman ko din naman agad ang dahilan.

"Bakit ka nandito?" tanong ko naman rin sa kaniya.

"Alam kong umiiwas ka lang sa gulo."

"Bakit, hindi ba mabuting gawin yun?"

"Iniiwasan mo 'ko."

"Tama ka." sagot ko't natahimik siya. "Alam kong alam mona, kung bakit hindi ako pwedeng magpakita sayo o kahit kay Noegi. Dahil malaking problema yun."

"Pwes sa'kin hindi."

"'Wag kang maging makasarili, Hazel. Isipin mo ang mararamdaman ni Noegi." sagot ko rin naman dito at napabuga na lamang siya ng hangin.

Sabay tinuro ang sarili't nagsalita. "Ako pa ngayon ang makasarili sa'ting dalawa? Eh ikaw nga yung bigla nalang nawala eh tapos magpapakita nalang matapos ang pitong taon!"

"Inaamin kong makasarili ako sa parteng yun. Hindi ko sinabi sayo ang totoong nangyari." tapos bahagya akong napayuko. "dahil akala ko. Magiging masaya kana kapag nakita mo'kong mamatay. Dahil. Akala ko. Mapapatawad mona ako 'pag nangyari yun."

"Pero nagpakita kapa rin naman sa akin diba?! Nagpakita kapa rin kaya walang silbi ang plano mong pekeng pagkamatay."

"Alam ko yun. Kaya nga ako nagsusuot dapat ng maskara hanggang ngayon. Para naman kahit magtagpo ang landas natin. Hindi mopa din ako makikilala at hindi mo malalamang buhay pa ako. At matatanggap mona talaga ang pagkawala ko. Pero kahit alam mong buhay ako, alam kong hindi mo ako makikita at hindi ko hahayaan yun. Ang importante sa akin ay ang mawala na ako."

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now