CH [24] Don't Cry If You Lose

126 28 4
                                    

Chapter [24] Don't Cry If You Lose

Ace's POint OF View

Mabilis din naman akong napaluhod ng isang paa sa lupa at hingal na hingal.

"Tulong! Tulong! Pakiusap." may bigla din naman akong narinig na sumisigaw sa paligid kaya't kaagad ko itong hinanap ng paningin.

Hanggang sa may maaninag akong isang knight din na natatabunan ang buong katawan ng mga debris at ang kalahati lamang ng katawan niya ang nakalabas.

Mukhang nausog ang mga debris dahil sa mga nangyaring labanan kanina kaya't ngayon kolang ito nakita.

"Ayos kalang ba? May masakit sayo?" tanong ko agad rito nang sa sandaling ako'y makalapit.

"Salamat at nandito ka. Pakiusap, tulungan mo'ko. Naipit ang paa ko sa loob, hindi ako makaalis." mangiyak-ngiyak nitong pagmamakaawa sa akin. Isa siya sa knight namin at maswerte talaga siya at hindi ang ulo niya ang naipit dito.

Pero nang akmang aalisin kona ito bigla din namang lumitaw si Leligan sa ibabaw banda ng debris, na nakadagan sa knight. Naloko na!

"Kung gusto mong iligtas ang lalaking yan, tapusin mo muna ang laban natin." ngising sabi ni Leligan habang duguan ang kaniyang buong katawan.

At mabilis din naman siyang nagbato ng lava dagger sa mismong batok nitong knight sa ibaba niyang nakahiga, kaya't mabilis din akong gumawa ng sand wall paikot sa ulo nito kaya't napigil nun ang dagger ni Leligan.

Sabay mabilis din akong nagbato din ng dalawang lightning dagger tungo sa kanya, pero nadeflect din niya ito agad ng kanang kamay sa magkaibang direksyon, sabay naghagis ng lightning strike tungo sa akin gamit ang kaliwang kamay naman niya.

Kaya't mabilis din naman akong mabilis na nakagulong pakanan, kaya't sumabog yung lupang kinatatayuan kolang dahil sa atake niya.

Sabay mabilis ding tinakbo ang direksyon nung knight, pero mabilis din namang may lava spear ang biglang bumulusok at kung hindi ako nakaatras din agad, hindi sa lupang nasa harap ko tatarok ang spear nayun. Muntik nayun ah!

Sabay nakalapag si Leligan sa tabi nito't hinugot yun paalis sa pagkakatarok sa lupa't, paikot na iwinasiwas iyun pahalang tungo sa kaliwang leeg ko.

Kaya't mabilis din naman akong yumuko't tumakbo palagpas sa kanan niya. At nang nasa bandang likod na niya ako, patalon at paikot kong sinipa ng kanang paang balot ng kidlat ang batok niya na agad din nitong mabilisang pagkakatalsik.

At nung sandaling aalisin kona ang knight mula sa mga sementong ito, sa kabilang banda'y mabilis ding nakabawi ng balanse si Leligan at buong lakas na ibinato ang lava spear na balot din ng kidlat tungo sa akin.

"Sa likod mo!" sa babala ng knight nayun, mabilis kong naharap ang paparating na spear, at gamit ang kanang kamay mabilis kong diniflect ang spear nayun pakaliwa ko.

Pero dahil sa tila masyado yung malakas, hindi ko tuluyang nailihis ang direksyon nun, at dumaplis pa sa kaliwang tagiliran ko bago diretsong bumulusok papalayo sa aking likod.

Halos isang pulgada ang lalim ng daplis o mas malalim pa kaya't napadaing agad ako sa sobrang sakit.

At hindi kona rin nagawang iwasan pa ang pagpapakawala ni Leligan ng lightning strike na tumama sa buong katawan ko. Tumalsik ako ng sobrang bilis papalayo't tumama sa isang medyo nawasak na wall side hanggang sa tuluyan din akong tumalsik papalayo doon.

Umagos ang dugo mula sa sugat ko kaya't nasapo ko kaagad ito ng kanang palad ko. Sinubukan kong muling bumangon at nagawa kopa rin naman yun. Uminit ang buong katawan ko at nanginig ang mga tuhod ko pero nanatili akong nakatayo.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon