CH [31] Green And Yellow

106 27 5
                                    

Chapter [31] Green And Yellow

Ryan's POint OF View

Isang minuto.

O kahit kalahati lang.

Kahit sa maikling oras nayun, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matalo dito si Jiuben. Unti-unting nilalamon ang kaluluwa ko ngayon ng demonyong nasa katawan ko.

Galing siya sa kadiliman, at sa tuwing ginagamit ko ang kakayahan niyang ito, dahan-dahan rin niyang hinihigop ang kaluluwa ko papunta sa lugar kung saan man siya nanggaling, at tuluyang sasakupin ang katawan ko at siya na ang magiging bagong may-ari nito.

Magdurusa ako kapag pumalpak ako sa pananatiling kalmado at pag pokus. Hindi ito madali. Tumulo ang dugo sa ilong ko pero hindi kona yun inalintana pa at diretso lamang ang tingin sa kalaban na naglalakad papalapit.

Bawat galaw ko'y mahalaga. Kaya't hindi ako gagawa ng kilos na ikakapahamak ng konsentrasyon ko. Ang hirap!

Pero kakayanin ko. Alang-alang kay Ace at sa iba kopang kakampi at kaibigan. Mamatay man ako dito, babalik naman ako kay Lolo na may ngiti at wala akong pagsisisihan. Dahil kahit sa huling hininga ko, magagawa ko syang matulungan.

Lumapit si Sir Ruk kay Ace na nasa likod ko din. May sugat siya pero kinaya niyang buhatin ang kaibigan ko at mabilis na tumakbo din papalayo dito.

"Hindi mo sya mailalayo sakin!" sigaw ni Jiuben sabay mabilis itong tumakbo't lumagpas agad sakin. Kainis! Ang bilis nya.

"Diyan kalang!" sigaw ko naman matapos kong masundan ito't naharangan din muli kaya't mabilis din nitong ikinumpas pasalubong ang dalawang palad kaya't dalawang dark sand spikes din agad ang bumulusok mula sa magkabilaang lupa't patusok na ito sa magkatagiliran ko.

Kaya't mabilis ko din namang ikinumpas ang dalawang braso sa magkabilaang side din. Kaya't maraming dark energies ang bumulusok mula sa katawan ko't sumangga sa mga dark sand nito. Sabay  kinumpas din ang dalawang braso pataas.

Sabay nabuo ang isang dark blue energy bolt sa mismong harapan ko at lumalaki pa ito ng lumalaki sa hugis, dahil sa enerhiyang pinapalabas ko sa katawan ko. At sabay ikinumpas ang aking dalawang nakaangat na kamay padiretso, dahilan para bumulusok din ang energy bolt nayun kay Jiuben.

Gumawa din agad siya ng dark sand wall mula sa mismong mga palad, kaya't nahirapan mang tumagos ang energy bolt dito, nakagawa pa rin ito ng malaking bitak dun at saktong nakalabas ang kalahati ng energy sa kabilang side ng wall tsaka na ito sobrang lakas na sumabog.

Napayanig ang buong lugar sa lakas nito. Kumawala ang malakas na shockwave na nagpabitak sa lupa. Hindi lang si Jiuben ang tumalsik dahil pati rin ako.

May tumamang debris sa ulo ko kaya't dumugo rin ito kaagad. Napabangon akong muli at tiningnan ang paligid na napuno na naman ng usok.

Tumibok ng malakas ang aking dibdib kaya't napasapo agad ako rito't muling napaluhod ang isang tuhod.

Parang hindi ako aabot.

Masyado akong naging pabaya. Pero nandito nadin lang ako. Mas mabuting ituloy kona. Wala natong atrasan, mamatay man ako bahala na.

Hingal akong tumayo't gumawa agad ng isang dark blue energy sword. Hinintay na humawi ang mga usok sa paligid, at nang mangyari nga yun, biglang sunod-sunod na apat na dark sand daggers naman ang bumulusok ngayon tungo sa aking harapan.

Paabante kong diniflect ang mga yun sa magkakaibang direksyon kaya't tuloy-tuloy ang pagkakalansingan ng mga blades at nang matapos, isang malakas na dark lightning strike din nama ang sumalubong sa akin.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Where stories live. Discover now