SPECIAL CHAPTER🌿✨

451 15 2
                                    

(A/N: This was the special chapter which I have written last year to celebrate Secret Beyond The Stars’ first anniversary. Originally posted on Facebook, I promised before that I will put it in Wattpad, but it took me this long hahahaha. Huwag malito, this is a special chapter for SBTS and not related sa SD kaya walang Amber dito lol. Konsepto pa lang si Amber noong sinulat ko ‘to. Sa mga first time na mababasa ‘to, enjoy reading)

From: Love❤
Good morning, Love! Pauwi na ako today, see you later!❤

I smiled when I read the message. Haaaay miss na miss ko na ang asawa ko.

Bahagya kong kinusot ang mata ko bago ako tumipa sa telepono ko upang mag-reply.

To: Love❤
Good morning asawa kong gwapo at mabango. See you later, miss na miss ko na ang yakap mo😍😍😍❤ I love you!!!❤

I sighed bago kinikilig na niyakap ang unan sa tabi ko. Haaay, ilang taon na ang lumipas pero talaga namang hindi pa rin siya nagbabago.

Mahal na mahal pa rin ako ni Erik.

"Aww... 'my, 'my!" bahagya akong nagitla nang magsalita ang unan.

Oh my gosh.

"Hala sorry baby!" pag-alo ko sa ngayon ay nakasimangot na na bata sa tabi ko.

Sorry naman nadala lang, akala ko unan, bunsong anak pala namin ni Erik.

Nakakunot ang noo ni Asia na yumakap sa akin, naku, kapag ginagawa niya yan ay lalo niyang nagiging kamukha ang tatay niya.

"Morning, Mommy!" sabi ni Asia at humalik sa pisngi ko.

"Good morning rin bunso kong maganda na kamukha ng Mommy." sagot ko habang kinukurot ang pisngi niya.

"But Mommy, sabi ni Daddy siya daw po ang kamukha ko." clueless na sagot ng tatlong taon kong anak.

"Ganon? Sabi yun ng Daddy? Payag ka naman?" kunyari ay nagtatampong sabi ko

"Yes, because my Daddy is pogi so I am pretty kung kamukha ko siya." masayang sagot ni Asia.

"Hmmmp, yan talagang tatay mo! Napakaunfair! Maganda rin naman si Mommy ah!" hinalik-halikan siya sa pisngi kaya tumawa ito nang tumawa.

Abala ako sa pakikipaglaro sa anak namin ni Erik nang biglang tumunog ang telepono ko.

"Wait lang baby, tumatawag yata si Daddy."

At bilang umagang umaga pa ay nag-expect ako na si Pogs ang tumatawag.

Hmmmp, di talaga nakatiis sa text lang, talagang tumawag pa. Miss na miss ako.

Ngunit nang sagutin ko na ang tawag ay bumagsak ang balikat ko nang marinig ko ang malakas na pagsigaw sa kabilang linya.

“Anggege, good morning!!!”

I frowned at bahagyang inilayo sa tenga ko ang cellphone ko. Ano nanamang problema niya at ang aga aga niyang nambubulabog?

“Ang aga pa Yenggay, anong kailangan mo?” may inis sa boses na sabi ko.

Secrets Beyond the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon