CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV

960 40 1
                                    

"OO Ge, naku sigurado ako kung napanood mo yun matatawa ka rin. Ay teka hahanapin ko."

"Sige ha pag ako hindi natuwa diyan kutos ang abot mo sa akin."

"Pag natawa ka, anong gagawin ko sayo ha?"

"Bilis na kasi ang dami pang sinasabi." sabi ko naman.

Agad namang hinanap ni Yenggay ang video na sinasabi niya na panood niya sa FB habang ako ay nakikitingin din sa screen ng cellphone niya.

Nang makita niya ito ay pinanood niya sa akin at sabay kaming tumawa nang malakas na para bang kami lang ang tao dito sa loob ng opisina.

Ngayon kasi ay nasa management office kaming dalawa ni Yenggay kung saan kami nagrerehearse dahil mayroon kaming event bukas nang magkasama.

Kasama rin namin si Ate Kyla at Kaze dahil grupo namin ang magpeperform para dito.

Malapit na rin namang matapos at part na lang namin ni Yenggay ang inaantay na marehearse. Nakastand by kaming dalawa dahil kasalukuyang si Kaze ang nagpapractice ngayon.

"Ang saya niyo naman, ano ba yan?" biglang pagsingit ni Ate Kyla kaya naman ipinanood na rin namin sa kanya yung video kaya ayun, sabay sabay na kaming tumawa.

Actually wala namang kwenta yung pinapanood namin. Mahilig talaga kami sa mga ganitong bagay ni Yenggay. Minsan nga ay nagtetext pa siya sa akin o di kaya nagsesend ng link ng mga videos para lang mapanood ko.

"Hoy grabe ang sakit ng tiyan ko kakatawa sa inyong dalawa! Para kayong mga baliw." sabi ni Ate Kyla na patuloy pa ring tumatawa.

"Uy, nakasmile na siya oh. Yehey!" sabi naman ni Yenggay habang nakatingin sa akin kaya lalo akong natawa.

Lalo akong natawa nang kurutin ni Yenggay ang magkabilang pisngi ko.

"Baliw 'to. Trip mo nanaman ako ha?" sagot ko naman.

"Eeeh kasi Gege kanina parang ang lungkot lungkot mo. Alam mo naman diba na kapag malungkot ka nalulungkot rin ako. Kaya ayan, napasmile kita." malokong sabi pa ni Yenggay at tinusok naman ang tagiliran ko at yumakap sa akin.

Ang clingy talagang kaibigan ni Yenggay.

Pero sa totoo lang ay namiss ko rin to, parang ang tagal na rin mula noong nakatawa ako kasama ang mga kaibigan ko.

Para kasing sa mga lumipas na araw puros lang ako problema. Alam niyo yun, parang walang bago?

Sana laging ganito kasaya, sana palaging walang umeepal na problema.

"Hi everyone!"

Agad naman kaming napatigil lahat at napatingin sa babaeng ngayon ay nasa may pintuan.

Awtomatikong kumunot ang noo ko kahit hindi ko sinasadya nang makita ko kung sino ang dumating.

And speaking of problema... kasasabi ko lang diba?

May paparating na naglalakad na sakit sa ulo. Literal.

"Anong ginagawa niyan dito?" mahinang bulong pa ni Yenggay sa akin habang nakatingin din sa babaeng kararating lang.

Hindi ko naman intensyon pero ramdam ko rin ang inis ni Yenggay.

"Oh Kei! You're here!"

Masayang pagbati ni Ate Cynthia sa kanya at agad siyang nilapitan at inakay na pumasok sa opisina.

Oo, si Keia ang dumating. Buhay nga naman.

"Hi Ate Cynthia!" sabi nito at bumeso pa

I rolled my eyes. Hindi naman sa pag-aano pero... ang arte.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now